Chapter 44

61 2 2
                                    

Ali's POV

Nandito na kami ngayon ni detective Homer sa labas Ng bodega sa paanan burol.

"Detective, lock ba Ang bodegang iyan?" Tanong ko.

"Sabi sa akin matagal nang ibinanduna ang bodegang Ito at walang lock Ang pintuang iyan."

Tumango ako at minasdan Ito.

"Pasukin natin Ito, detective."

Tumango siya akin at pumasok kami sa sirang sira na bodega.

Sa aking pagpasok tumabad sa akin Ang maalikabok at maraming bahay Ng gagamba.

Tiningnan ko ang Ang kabilang banda nito.

Biglang sumakit Ang aking ulo at may lumilitaw Naman na alala sa aking isipan.

"Hindi ako makapayag na mabuhay kapa..... Isa Kang malaking tinik at sagabal sa aking mga Plano. Akin Lang si Amber. Walang sinuman Ang maka angkin sa kanya kundi ako Lang." Sabi Ng lalaki at tumawa Ito. "Sa aking kamay ka malagutan Ng hininga Lance." Dagdag pa Niya sabay bigay ng suntok.

"Hmmm" umungol Ang lalaki na binubog bog.
"Gising ka na pala, Mahal na prinsepe."

"Tingnan natin Kung masilayan mo pa Ang sinag Ng araw bukas." Sabi Niya sabay sinuntok Ng sinuntok si Uncle na parang walang bukas..

Imulat ko na sana Ang aking mga Mata nang may naramdaman akong malamig na isang bagay sa aking sintido.

"Lakad"Sabi Ng lalaki na pamilyar sa akin Ang boses. " Itaas mo Ang iyong kamay at lumakad ka sa upuan na iyan. Huwag kang mag tangka na gumawa Ng anumang kilos na Hindi ko magustohan Kung ayaw mong mapadali Ang paglisan mo muli sa mundong Ito." Seryoso at malamig nitong Sabi.

Wala akong magawa kundi Ang sundin Ang kanyang sinabi at umupo sa upuan.

Nang tumingala ako ganoon na lang ang aking pagkagulat at hindi makapaniwala sa taong nasa aking harapan.

"Kuya Robert?"Sabi ko na ikinatawa Niya Ng malakas.

"Hindi mo na ako nakilala at naalala Lance?" Galit na tanong nito.

"Kuya, kunin mo Ang lubid at itali sa kanya." Utos Niya sa taong nakatayo at nakamasid Lang sa Amin.

"Detective, anong big sabihin nito?" Galit Kong Sabi.

"Kapatid ko siya sa ama. At Hindi ko inaasahan na Hindi man Lang natuklasan nang iyong kapatid at ama na matagal na kayong ipinapaikot nitong kapatid ko." Sabi ni Robert at napahalakhak.

Nang makalapit si Homer sa akin. Itinali Niya Ang lubid sa aking katawan at sa upuan kung saan ako umuupo.

"Paano mo nagawa sa Amin Ito Detective Homer? Ipinagkatiwalaan ka Ng aking ama. Isa ka niyang kaibigan." Sabi ko.

"Katulad Ng iyong ama, Ali. Kapatid ko sa ama si Robert at siya na lang ang natitira Kong pamilya. Ayaw Kong matulad kay Ahmet na mawalan Ng isang kapatid na matagal mo nang hinahanap."

"Pero Mali Ang iyong ginawa detective! Kinunsinti mo Ang iyong kapatid." Sigaw ko sa kanya.

"Huwag mong sigawan Ang kuya ko, Lance." Galit na sigaw ni Robert sa akin at sinuntok ako sa mukha.
"Unang pagkikita pa Lang natin Alam Kong ikaw iyan Lance..... Hindi kapa ba nakuntento sa Kung paano Kita pinatay noon? Huwag mag-alala mas dagdagan ko ang pagpapahirap ko sa iyo ngayon" Galit na Sabi nito.

At doon ko naalala Ang Isa sa aking mga panaginip.

"Hindi ka makatakas sa akin.... Papatayin Kita... Hindi ako papayag na makuha mo siya sa akin..... Akin Lang siya..." Pagkasabi nito sabay niyang idiniin Ang kutsilyo sa aking leeg... "Matagal ko nang gustong gawin Ito sa iyo.. pero ngayon Lang ako nagkataon" Sabi Ng isang tinig at tumawa Ng napakalakas.

"Wala Kang puso. Pinagkatiwalaan Kita kuya Robert..... Nanging Isa Ka sa katiwala din Ng pamilya ng babaeng mahal ni uncle noon. Paano mo nagawang magtaksil?"

"Noon pa man Mahal ko na si Amber. Buong buhay ko iginuhol ko para sa kanya para bantayan Lang siya... Nagpapanggap akong taga-bantay Niya para palagi ko siyang makasama. Pero ano ang ginawa mo.. sinira mo lahat ng Plano ko." Galit nitong Sabi sa akin at nanlilisik Ang kanyang mga Mata... " Minahal ka Niya at ipinaglaban sa kanyang ama... Ako pa Ang ginawa niyang tulay para sa komunikasyon ninyong dalawa... Alam mo bang nanggigil ako sa iyo? Alam mo bang sa tuwing nagkikita kayo ay gusto kitang patayin." Galit na dagdag nito.

"Pero hindi sapat na dahilan iyan para pumatay ka Ng Tao."

"Tumahimik ka." Galit nitong Sabi at sinuntok ako Ng paulit-ulit.
"Ipararanas ko sa iyo muli Ang dinanas mo noon sa aking mga kamay, Lance."

Ramdam Kong may pasa na ang aking mukha.

Tumawa siya Ng malakas.

"Alam mo ba nang mag Plano si senyor Art at Xenon na ipabugbog ka para takutin na layuan si Amber ay sinamantala ko Ang pagkakataong iyon na kitlan ka Ng buhay....
Sinundan ko Ang mga tauhan na inutusan Ng walang hiyang Xenon na iyon.... Kinuha Kita sa isang patag na lugar malayo dito at dinala sa lugar na Ito.... Walang may nakakaalam na kahit Sino na ako... Na ako Ang pumatay sa iyo..."

"Pakiramdam mo ba Pagnalaman Ito Ni Amber maging masaya siya? Hah?" Galit Kong tanong na mas lalong ikinagalit Niya.

"Papatayin Kita." Nang gigil itong lumapit sa akin at sinakal ako.

"Robert, tama na iyan." Pagpigil sa kanya ni Homer.

"Huwag mo akong pakialaman dito kuya. Nang dahil sa kanya namatay ang aking mahal." Galit at naiiyak nitong sabi.

Hindi ako makahinga.

Uncle dito na ba ako mamatay. Maging katulad din ba ang aking kapalaran sa iyo.

Bulong ko sa aking ispan at may isang butil ng luha ang pumatak sa aking mga mata.

Biglang lumitaw ang masasayang mukha ni Ayla....

Mas lalong sumikip ang aking paghinga na malamang kung hindi ako makaligtas dito mamamatay akong hindi masabi sa kanya na mahal ko siya. Na siya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

"Robert, huwag mo nang ulitin ang kasalanan na ginawa mo noon."

"Huwag mo akong sabihan ng ganyan kuya. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong panahong nalaman kong nagpakamatay siya dahil lang sa lalaking ito." Sabi niya at sinuntok ako ng paulit -ulit.

Halos malagutan na ako ng hininga.

Kailangan kong lumaban para sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang baril at tinutukan ako sa noo.

"Hinding-hindi ako papayag na mabuhay ka muli" sabi nito.....
"Mahal na mahal ko siya Lance at noong mga panahon na umamin ako sa kanya akala niya binibiro ko lang siya.. Alam mo ba Kung gaano kasakit iyon sa akin... Hindi mo alam dahil ikaw.... Ikaw ang kaniyang pinili..... Kaya hinding hindi ko hahayaan muli na mabuhay ka sa mundong ito" sabi niya.

Kahit naghihina ako nakita ko pa rin siya kung gaano ka galit at misirable....

"Alam mo bang buhay din ang babaeng mahal ko?" Sabi nito at tumawa. "Buhay si Amber Lance... Dahil si Amber at ang Ayla na iyong nakilala ay iisa." Sabi nito at tumatawa.

"Walang hiya ka.... Huwag na huwag mong lapitan si Ayla." Galit na sabi ko...

"Wala kang magawa dahil hindi ka din naman mabukasan at matagpuan kang patay dito mismo sa lugar na ito." Sabi niya at binaril ako sa aking balikat.

Napaigik ako sa sakit at pilit na nilalabanan ang pandidilim ng aking paningin...
Hindi ako maaring mawalan ng malay dito...

Hindi pwede....





Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now