Chapter 39

63 2 0
                                    

Ayla's POV

Madaling lumipas Ang panahon at Hindi ko man Lang namalayan na bakasyon na.

"Have a safe trip, Ayla, and enjoy your vacation." Nakangiting Sabi ni Lady Zehra.

"Maraming salamat po Lady. Master Ahmet maraming salamat din Po."

Tumango Ang master sa akin.

"Mag-ingat ka, Ayla. Pagkatapos Ng bakasyon bumalik ka rito." Sabi nito

Tumango din ako sa kanya.

"Sige po aalis na ako."

Lumabas ako Ng mansyon at nakita ko si ante kausap nito si manong Carding.

"Ante."

"Mag-ingat ka doon, Ayla. Palagi mo akong tawagan hah."

"Opo." Sabi ko.

"O siya. Carding ihatid mo na itong pamangkin ko sa sakayan Ng bus. Baka gabihin Ito mamaya."

Humalik Muna ako sa pisngi ni ante bago sumakay sa sasakyan.

Naalala ko si Ali kamusta na Kaya siya.
Malungkot akong napatanaw sa dinadaanan namin.

Aaminin ko sa aking sarili na miss ko Ang presensya Niya.

Sana Kung nasaan ka man ngayon... Sana maayos ka.

Na miss mo Rin Kaya ako?

Ali's POV

"Kuya Robert, maganda pala Ang labas Ng mansyong Ito. Wala na bang tumitira riyan sa loob?" Tanong ko sa kanya.

Simula kasing nagkakilala kami. Palagi na kaming nagkikita at nag-uusap.

Sa kabilang banda si detective Homer ay patuloy na kumakalap Ng impormasyon.

"Maganda talaga Ito. Ang isang anak ni senyor Art na si madam Olga ay Hindi na dito umuuwi. Nagbabakasyon Lang sila Ng kanyang pamilya Kung magkaroon sila Ng oras." Sabi nito sa akin na kumuha Ng aking atensyon.

Ngayon Lang niya Kasi nabanggit Ang tungkol kina Aunt Olga.

"Nasaan na ba ang Isa pang anak ni senyor Art?"

"Nasa maynila doon na Kasi nagtatrabaho Ang kanyang Asawa." Sabi nito sa akin. " Nakakatawa nga na Ang dating fiance ni Amber Ang natuluyan ni Olga."

Napatigil ako sandali sa kanyang sinabi.

Sinubukan Kong hindi magpahalata na nagulat ako.

Si Uncle Xenon... Siya Ang naging fiance ni Amber... Kung siya nga... Bakit Hindi Ito Alam ni dad? Bakit wala kaming Alam? May kinalaman ba siya sa pagkamatay ni uncle?

"Gustong-gusto noon ni senyor Art na maging sila Ang magkatuluyan pero dahil may Mahal na si Amber... Sinuway niya Ang kanyang ama." Pahayag nito.

"Alam mo pinipilit Kong kalimutan Ang malungkot na pangyayari sa Pamilyang iyon.
Pero nang Makita Kita hindi ko mapigilan Ang aking sarili na balikan Ang mga nangyari noon. Ano ba Ang buo mong pangalan Ali?"

"Ali... Ali De Leon" Sabi ko sa kanya na kanyang ikinatigil

"De Leon?" Tanong na Sabi nito.

"Oo, manong bakit ba?"

"Pareho kayo Ng surname ni Lance... Makaya din siya... Inanakan Kasi Ang Ina nito at namatay iyon na Hindi Alam Ang kanyang ama." Pahayag Niya.

"Nakakalungkot Naman Ang pangyayaring iyon." Sabi ko

Tumahimik kaming ilang sandali habang tinatanaw Ang mga iba't ibang tanim.

Kahit ilang taon na Ang nakalipas. Makikita Kong alagang-alaga Ang mansiyon.

Hindi Ito halatang luma na. Ang mga halaman sa hardin ay alagang alaga Rin.

Paano pa Kaya Ang nasa loob.

Sabi kanina ni kuya Robert Hindi daw pwedeng pumasok Ng mansiyon na walang pahintulot sa Kay Aunt Olga.

Ayla's POV

Hapon na ako na nakarating dito sa bahay.

Malungkot akong pumunta sa aking kwarto.

Hindi maiwasan na Hindi maalala si inay.

"Anak, kahit anong mangyari tandaan mo na Mahal na Mahal ka ni inay."

"Mahal na Mahal ko Rin Po kayo nanay." Sabi ko at niyakap siya Ng mahigpit.

Tumulo Ang isang butil na luha sa aking mga Mata.

Inayos ko Ang aking sarili at nag desisyon na bisitahin siya sa kanyang puntod.

Xenon's POV

"Mang Tonyo, kailan pa dumating si Ali diyan?"

"Hindi ko Alam hijo. Pero Ang unang punta Niya dito ay Hindi Kita ma contact."

"Bakit daw siya na pupunta diyan Manong?"

"Naghahanap Ng magandang pasyalan. Palagi nga siyang sinasama Ng aking pinsan na si Robert Doon sa labas Ng mansiyon."

Napahilot ako sa aking noo.

"Nabanggit niyo ba sa kanya Ang tungkol Kay Olga at sa akin?"

"Ang Alam ko Alam na Niya Ang tungkol sa inyong mag-asawa."

"Manong, bakit niyo Po sinabi sa kanya?"

"Hindi mo Naman sinabi na bawal sabihin sa iba atsaka hijo kamukha siya ni Lance."

"Sige manong. Ibaba ko muna Ang tawag mo. Tawagan mo Lang ulit ako when you give me an update about him, manong." Seyoso Kong Sabi.

Ito na ba Ang kinatatakutan namin...

Ang mabunyag Ang aming sekreto..

Ayla's POV

"Nay kamusta na Po kayo diyan. Sana Po maayos Ang iyong kalagayan Kung nasaan ka man ngayon. Na miss ko na po kayo....."Sabi ko sa aking isipan habang hinahaplos Ang kanyang lapida.
"Nay... Gabayan niyo Po ako... Palagi niyo Po akong bantayan... Hindi ko na Kasi minsan maintindihan Ang aking sarili... May nangyayari na Hindi pangkaraniwan sa akin.... Palagi akong may maalala na Hindi ko Naman nagawa.... Alam niyo ba nay na may gusto na Po akong lalaki... Kaso problema Ayaw Naman ni ante sa kanya." Malungkot Kong Sabi. "Ano Po ba Ang dapat Kong gawin, nay? Lalayo ba ako Ng tuluyan o ipaglaban ko Ang aking nararamdaman para sa kanya."
Napapikit ako Ng may malamig na hangin along nararamdan na parang yumayakap sa buo Kong katawan.

"Nay..." Banggit ko at niyakap Ang aking sarili.

Pagkalipas mg ilang sandali nagdesisyon akong umuwi.

"Pangako ko po sa Inyo na abutin ko Ang aking pangarap. Iyong pinangako ko sa Inyo." Sabi ko at tumayo.. "aalis na Po ako inay."

Ahmet's POV

"Dad, Uncle Xenon.... Uncle Xenon is the fiance of Amber Martinez. Uncle Lance's girlfriend."

"Are you sure about this Ali?"

"Yes, dad. Nakausap ko Ang dating bodyguard ni Amber. Si kuya Robert."

Napaisip ako sa sinabi ni Ali.

Xenon Herrer ano Ang Alam mo? Ikaw ba? Ikaw ba Ang matagal na naming hinahanap?

"Dad.."

"Continue what you're doin' there, Son. I will handle Xenon's case." Sabi ko. "Si detective Homer how is he?"

"Patuloy pa rin sa kanyang trabaho. May ibinigay din siya sa akin na report. And I'm afraid that it will point to Uncle Xenon."

"What kind of report is that Ali?"

"I will send it to you dad, after that we'll get the strong proof to prove our assumption."

After our talk, I sit on my chair and think how Xenon hide this for how many years.

Alam ba ito ni Olga?

Kinuha ko sa drawer ang picture Ng aking kapatid.

"I'm sorry my brother if until now. I don't give Justice for your death.
Don't worry ngayon na may ideya na kami Kung Sino Ang gumawa nito sa iyo. I won't stop until we get what we wanted for almost 35 yrs." I mentally said while looking at him.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now