Chapter 2

208 7 0
                                    

"Oh hija, napa-aga yata Ang gising mo?"

"Medyo namamahay pa po kasi ako manang."

"Ay oo nga pala, ako si Susan. Ikaw ba ang pamangkin ni Helen?"

"Opo, Nasaan po pala si ante?"

"Inutusan ni Lady Zehra na mamalengke. Halika papakilala kita sa iba pa naming kasamahan."

Ngumiti at sumunod ako sa kanya papuntang kusina.

"Magandang umaga manang Susan"

"Magandang umaga din sa inyo. Sya nga pala, natandaan niyo ba ang sinabi ni Helen na dalhin niya dito ang pamangkin niya?"

"Oo manang, sayang hindi ko man lang nakita kahapon ang pagdating nila. Mas maganda kaya siya sa akin?"
Natatawang biro nang isang morenang babae na  sa tingin ko ay mas matanda Lang sa akin nang limang taon.

"Naku Dahlia mas maganda siya sayo." Natatawa ding Sabi ni manang Susan.
" Ayla hija, halika dito."

"OMG!😱. Madadagdagan na naman ang dyosa dito sa mansyon." Dahlia said.
"Hi, ako nga pala si Dahlia. Ayla right?"

Inabot nya sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ko ito sabay ngiti din sa kanya at tumango.

"Ako pala si Dona at pamangkin ko din itong si Dahlia." Pakilala nang isang medyo matabang babae at hinila Ang pamangkin nito sa akin.

Nagpakilala din sa akin ang iba, Sina manang Martha, Sonya, at Gregorya. Halos may mga edad na ang lahat na katulong dito sa mansyon. Nakilala ko din si manong Bert ang isa sa mga driver.

"Wala dito si Carding. Sinama Kasi iyon ni Helen sa palengke." Martha said.

Sinagot ko na lang ito ng tango at ngiti

"Ayla, pinapatawag ka ni lady Zehra. Punta ka sa living room may sasabihin daw siya sa iyo."

Nag-pasalamat ako kay manang Sonya bago umalis.

"Good morning, hija."

"Good morning, lady. Pinatawag niyo po ako sa sabi ni manang Sonya"

"Pls. take a sit first." She smiled at me nang nakahahawa. " Manang Helen told me that you're still studying and taking a Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies but you stop because of what happened. I want you to continue it, hija. "

"P-po?"

"Don't worry about the expenses. I'll handle it. But of course, I have a proposal for you. You'll be going to be the personal maid of my son, Ali"

Ano bang nangyari sa akin. Bakit sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng anak nina lady Zehra parang hindi ako mapakali.

"Are you ok, hija? You're sweating."

"Y-yes po."

"Pls. tell me if you're not feeling well so that I can tell manang Helen later, that you'll be going to rest this day."

"Ok po talaga ako, lady. May na-alala Lang ako kanina."

"Are you sure?"

Tumango at ngumit ako sa kanya to assure her na okay Lang talaga ako.

"Back to what I've said earlier. I want you to be his maid when he gets back here. In return, you'll be going to continue your study. I already consult this to your ante Helen and she's ok about this."

"Pede po bang pag-isipan ko muna ito?

"Of course, you can. Just find me in the library or the garden if you already decide."

"Maraming salamt po lady."

Nag-paalam akong umalis sa kanya at dumiritso sa kusina.

"Ayla, kumain ka muna. Pag-katapos niyan samahan mo ako sa hardin. Na una na kasi kaming kumain sa iyo."

Pag-katapos kong kumain sumama ako kay Dahlia sa hardin para diligan ang mga halaman at bulaklak.

"Pinatawag ka daw ni lady?"

"Oo, gusto niya kasing maging personal maid ako ng young master." Nakahinga ako ng maluwag na I manage to say it to her without stuttering.

"Really? Ang swerte mo naman. Alam mo bang crush ko yan si master Ali. Kahit sa picture ko lang iyon nakita. Nakakalaglag panty girl. Kung wala lang akong anak at asawa naku. 'Di ko alam Kung anong kabaliwan na ang nagawa ko. Baka ginapang ko na iyon." Natatawang biro ni Dahlia.

"May anak kana? Parang hindi halata."

"Yan talaga pag dyosa.Hmmm ilang taon ka na ba, Ayla?"

"20, ikaw ba?"

"Limang taon ang agwat ko sa iyo. 25 na ako at sa pag kaka-alam ko mag kasing edad kami ni Master Ali."

"Papa-aralin kasi ako nina lady pag pumayag ako na maging personal maid ng young master."

"Ganyan talaga sila. Ang swerte natin kasi mababait ang mga iyan. Noong pumasok ako dito bilang katulong tatlong taon na ang nakalipas tutulungan din sana nila akong makatapos sa pag-aaral. Kaya lang hindi ko tinanggap."

"Bakit naman? Sayang nang oportunidad."

"Di ko Kasi, Feel." Natatawang Sabi nito. "Pero joke Lang nawalan na kasi ako nang gana. Kaya sinabi na lang ni lady Zehra na siya na lang daw ang bahala na mag pa-aral sa anak ko sa kolehiyo pag dating nang panahon na iyon."

"Ilang taon na ba ang anak mo, ate?"

"Limang taon at babae iyon......  Pero ikaw alam kong napaka importante sa iyo ang makapag tapos sa pag-aaral kaya huwag mong sayangin ang oportunidad. Ika pa nga nila " Grab the opportunity" daw. Huwag mong sayangin na mawala ito. It's your time to shine, hahahaa. Pero ito seryoso, may maganda ka pang kinabukasan Ayla. Nakikita ko sa iyong mga mata ang kagustuhan mo na makapag tapos. Kaya Go na girl. Support kita. Kahit gapangin mo pa si master Ali. Maganda ka naman mukha ka ngang dyosa eh unang tingin ko pa lang sa iyo di ako makapaniwala na pamangkin ka ni manang Helen at saka gwapo naman si Master Ali. Parang Greek God iyon. Kaso may problema balita ko pihikan 'yon sa babae."

"Ate, naman eh kung ano² ang lumalabas sa bibig mo. Pero maraming salamat po, ate. Pag iisipan ko po nang maigi iyon." Sabi ko at patuloy na kinukuhanan ng mga patay na dahon ang halaman.

Sa totoo lang okay naman sa akin ang inaalok ni lady Zehra. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kahit hindi ko pa nakita ang anak nina lady, pakiramdam ko na meet ko na siya somewhere. Call me weird pero this is what I really felt. Simula pa kahapon nang binanggit sa akin ni ante Helen ang pangalan niya.

I sighed and try to finish what I'm doing without bothering to think about him.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant