Chapter 52

72 1 0
                                    

Helen's POV

Ilang araw na Ang nakalipas nang umuwi ako dito sa San Nicolas at Hindi ko natagpuan si Ayla.
Hindi ko din siya ma contact.

Helga Ito na ang panahon na kinatakutan natin. Ang malaman niya na Hindi natin siya kadugo.

Hinaplos ko Ang lapida Ng aking kapatid

Tama ba Ang ginawa natin? Tama bang itinago natin sa kanila... Sa kanya Ang katotohanan?

Naalala ko Naman Ang gabing iyon.

"Helga, bakit ngayon ka Lang? At ano iyang dala mo?"

"Ate, pasukin mo Muna ako." Sabi Ng aking kapatid.

"Sino Ang batang iyan Helga? Saan nanggaling iyan?"

"Nasunog Ang Hospital sa San Roque, ate. At sinagip ko Ang batang Ito."

"Baka hinahanap Ng magulang Niya ang batang iyan. Isauli mo iyan Helga."

"Ayaw ko ate, gusto ko Ang batang Ito. Tingnan mo napakaganda niya."

"Aylul." Basa ko sa lampin. Ay mayroong kwentas na may pangalan din na Aylul.

"Iyan siguro Ang kanyang pangalan. Pero gusto ko siyang maging anak."

"Helga, Hindi mo dapat g...."

"Ate Naman.... Gusto ko siya maging anak Kaya sa ayaw at gusto mo aangkinin ko siya... Wala Naman siguro may makakaalam."

Ngayong lumabas na Ang katotohanan paano ko maipaliwanag Ito Kay Ayla? Paano ko ipaintindi sa kanya?

Napatigil ako Ng marinig Ang aking cellphone na may tumatawag.

"Helen, noong mga nakaraang pa kami tawag Ng tawag sa iyo bakit Hindi ka sumasagot?" Tanong ni Dona sa akin.

"May importante akong ginagawa. Bakit ka pala napatawag?"

"Sina Lady at Master pumunta Ng San Roque kagabi kasama Sina Ben at Dahlia."

"Bakit Naman daw?" Nagtatakang tanong ko.

"Nabaril daw si sir Xenon at patay na Ito. Ang young master ay Hindi ma contact." Natulala ako sa sinabi ni Dona. Si Xenon...
"At oo nga pala Helen narinig namin na si Ayla ay nadawit sa nangyari." Mas lalong hindi naging maganda ang pakiramdam ko Ng marinig Ang pangalan ni Ayla.

"A-anong ibig mong sabihin Dona?"

"Iyon Lang Ang Alam ko." Sabi nito.

Pinatay ko Ang tawag at dali-daling umuwi.

Si Ayla Ang pamangkin ko.

Kinakabahan ako ngayon.

Kailangan Kong pumunta sa kabilang bayan.

Ayla anong ginagawa mo sa lugar na iyong kinagisnan? Ano?

3rd Person's POV

Dumating Ang araw ng unang hearing Ng kaso ni Ayla.

Sa loob Ng korte nandoon Ang nga Herrer sa kaliwang  bahagi nakaupo at sa kabila Naman ay Sina Ahmet at Zehra para samahan si Ayla kahit na Hindi pa Rin sila kinakausap Ng dalaga.

Hindi inaasahan Ng lahat na magkaroon ng witness sa nangyari sa bodega.

Si Olga ay Hindi Alam Ang gagawin Ng sinabi ni Teryo Ang kanyang nakita sa nangyari noong siya'y Hindi sinadyang napadaan.

Si Eylul ay mas lalong nagalit sa babae at si Sage Naman ay Hindi makapaniwala. Gulong-gulo siya. Ang kanyang isip ay gustong paniwalaan Ang sinabi Ng lalaki pero Ang puso Niya ay sumasalungat dito.

Bound To Be Together, Again (Unedited)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن