CHAPTER 02

497 16 4
                                    

"It's my pleasure to have you here in my office, Attorney."

I rolled my eyes as I crossed my arms over my chest. Pleasure, my ass. Eh, muntik mo na nga akong gahasain!

I watched his every reaction. His expression was calm but he can't fool me.

He keeps tapping his long finger on the table. I even noticed how his Adam's apple moved.

"I'm sorry for what happened earlier, Attorney," he unconsciously held his cheek that I slapped earlier.

I was damn startled when he pulled me and my only defense was to slap him! Napalakas nga lang kaya namumula ang kaniyang pisngi. He looks like he's blushing.

Ngayong mas natitigan ko siya nang mas malinaw ay saka ko lang napansin ang dalawang slit sa kaniyang kilay. It made him look like a villain in  a movie. Mahahaba rin ang kaniyang pilik mata. He was ruthlessly handsome.

"So.." he cleared his throat. "Let's discuss about the house, shall we?"

My face turned serious. "I already have a lot," I said.

He nodded but his eyes keep staring at me.

I told him all the details about it. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya dahil panay ang titig niya sa akin. Tila ba ngayon lang nakakita ng maganda.

"I'll go now," I glanced at him before I turned ny back.

Hahakbang na sana ako nang magsalita siya, dahilan para mapatigil ako.

"Attorney..."

I looked back at him, urging him to speak.

He licked his lower lip. "Can I have your number? Uhm, you know for important details-"

"You can call my secretary if you need anything," I cut him off.

Ngumiti ako nang tipid at tinalikuran siya bago naglakad paalis. Rinig ko pa ang hiyawan ng mga coworkers niya!

"Good morning, attorney," my secretary smiled widely at me.

"Walang good sa morning," pagsusungit ko.

I didn't have a good sleep! Marahil naninibago ako sa bahay namin? Nakakapanibagong wala nang sigawan at iyak na gigising sa akin sa gabi. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.

I only slept when I drank liquors. Pero masakit naman ang ulo ko!

"Attorney," she handed me her touch screen phone, "tumatawag si Engineer."

Isa pa 'yang engineer na 'yan! It's been one month since they started their project and he can't stop calling my secretary! Palagi niya akong pinapatawag sa site.

Kesyo may kailangan daw akong gawin. Kailangan ko raw tignan ang ginagawa nila upang masigurong maayos!

Trabaho ko ba 'yon? E 'di sana, ako nalang ang naging engineer!

Napahilot ako sa sentido. "Answer it."

"Hello," itinapat niya ang cellphone niya sa kaniyang tenga. Kumunot ang noo ko nang bahagya siyang namula.

"Yes po, engineer," ang lambing ng boses niya.

Bumaling siya sa akin. "Punta raw po kayo sa site," she informed.

I sighed heavily. Seriously? Ano na naman bang trip mo, Engineer?

Inis kong dinampot ang aking cellphone at lumabas mula sa aking law firm. I took a taxi because I'm too tired to even drive my own car!

Nang huminto ang taxi sa harap ng site ay inis akong lumabas. Natigilan ako nang makita ang Engineer na naglalakad patungo sa akin.

May suot siyang hard hat at may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. May hawak din siyang isa pang hard hat.

Nang makalapit siya sa akin ay walang imik niyang inilagay ang hard hat sa aking ulo.

I eyed him sharply. "Ano na namang kailangan mo, Engineer?" I faked a smile.

He smiled and I'm more pissed!

"Kape tayo?" tanong niya na para bang maliit na bagay na pinatawag niya ako para lang sa isang kape. Feeling close!

Bumaling siya sa mga taong nagtatrabaho.

"Mamaya na 'yan, magkape raw muna kayo sabi ni Attorney! " sigaw niya.

"Excuse me?!" I exclaimed. "Baka naman oras-oras kayong nagkakape kaya ang tagal matapos ng pinapagawa ko?" I accused him.

He put his hand on his chest, acting as if he was hurting. "Maawa ka naman sa'min, attorney. Ang init nga oh! Baka mastroke kami!" he whinned like a kid.

Nitong mga araw ay nagiging mas komportable siya. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi niya at mahilig din siyang mang-asar! How unprofessional!

The two of us went to a nearby coffee shop. Tinanggal niya ang hard hat mula sa ulo namin. Ba' t niya pa nilagay kung di rin lang naman magagamit!

"Coffee for two, please."

Naupo ako sa upuan malapit sa window. He sat in front of me and shamelessly scanned me.

"Ganda natin ngayon ah?"

I looked stress nga eh.

Umirap ako. Ano bang mapapala niya sa pangungulit sa akin?

"Shut up, please," I groaned.

He chuckled. Nang dumating ang kape ay agad akong humigop.

Mahina siyang tumatawa habang pinapanood ako.

"Dahan dahan, hindi 'yan tubig," he scolded.

Napapikit ako sa bango at sarap ng kape. Tila biglang naglaho ang sakit ng ulo ko.

"Attorney," he called me.

Ibinaba ko ang tasa at tinaasan siya ng kilay.

"Ano?"

"Are you a bankloan?" he asked out of nowhere.

"Huh? Bakit?"

"Because you have my interest," his hand went in to his nape, umaaktong nahihiya pero hindi naman!

Ang kapal ng mukhang bumanat e hindi pa nga natatapos ang trabaho!

"Ilang babae na ba ang nasabihan mo ng mga ganiyang linyahan, Engineer?"

Bumusangot siya. "I'm not a playboy!"

"I didn't say anything!"

He pouted. Luh, aso 'yan?

Nang matapos kaming magkape ay bumalik kami sa site. Iginala ko ang paningin sa paligid habang nasa tabi ko ang Engineer. Hawak hawak niya ang braso ko upang alalayan ako.

They started earlier than I expected. Mabilis naman pala silang kumilos.

"Good morning, ma'am," a worker greeted me.

I smiled. "Good morning, ingat po kayo," paalala ko.

Naramdaman ko ang pagbitaw ng humahawak sa braso ko. I glanced at him and I saw him glaring at me.

"What?"

"You'd never said that to me," he complained.

"Ang ano?"

" 'Yung ano.." he bit his lower lip.

" 'Yung anong ano?"

" 'Yung ano nga!" Nagulat ako nang biglang lumakas ang boses niya. Napatingin din sa amin ang mga nagtatrabaho.

"Ul-l," I said and his jaw dropped.

Umawang ang kaniyang labi. He blinked twice.

"You shouldn't curse like that," paalala niya.

I smirked. "F-ck off," ani ko at muntik na siyang matumba mula sa pagkakatayo niya.

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now