CHAPTER 06

298 17 2
                                    

"Attorney, may bisita ka."

I sighed. "Si engineer na nama-"

"Uhm, hindi po," my secretary bit her lower lip. "Si ma'am Maura po," she hesitated a bit.

Natigil ang aking paghinga. Hindi ko inaasahang siya mismo ang bibisita sa akin.

"Papasukin mo siya," utos ko.

Kumuyom ang aking kamao habang naghihintay sa kaniya. I was standing because of too much nervousness.

Nang bumukas ang pintuan ay agad akong nag-angat ng tingin sa paparating.

I expected my younger sister to greet me with a warm hug but I was wrong.

I bit my lips as her hand landed on my cheek. Napangiwi ako sa sakit. She may be younger than me but her hand was strong.

"Maura.."

"How dare you live a good life when you didn't even visit our father at his funeral?!" galit na galit niyang sigaw.

Ah. So this is about that man again.

My face turned serious. "Bakit ko siya bibisitahin?" I asked back and she turned more angrier.

"Ate! Hindi ka man lang marunong tumanaw ng utang na loob!"

"Utang na loob?" I chuckled. "Don't make me laugh."

I winced in pain when she slapped me again. Hindi ko siya ginantihan. I'll let it pass. Hahayaan kong magalit siya sa akin.

After all, she's just clueless.

I froze when she started crying. "Y-you were always the favorite child, pero hindi mo man lang siya hinatid sa kaniyang huling hantungan. Alam mo ba noong bago siyang mamatay? Ikaw ang hinahanap niya!" itinuro niya ako. Galit na galit ang kaniyang mukha. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit binigay nila ako sa ampunan! H-hindi ko maintidihan kung bakit mas minahal ka nila!"

Umawang ang aking labi. "You know nothing," I said coldly.

She smiled bitterly. "Father choose you instead of me! Kaya bakit mo siya tinatratong ganiyan?!"

I eyed her coldly. Humakbang siya paatras nang mapansing napuno na ako.

"Do you want to know?" I asked. "Maura, naiinggit ka ba na ibinigay ka sa ampunan imbes na ako? Pwes, kung ako, mas pipiliin kong manatili sa ampunan!"

"You..You're ungrateful!"

"No!" I shouted. "Alam mo ba kung anong naging buhay namin? Y-your father repeatedly abused us! Walang araw na hindi niya kami sinasaktan! And you know what's the worse?!" I screamed at the top of my lungs. "Ang tinuturing mong ama! Your father almost raped me!"

She froze.

"Now, Maura, are you still selfish that I lived with them instead of you? Iyon ba? Iyon ba ang kinaiinggitan mo?!" my voice cracked.

"A-ate.."

I took my bag from my sit and walked way without saying anything. It's okay, Maureen.

Do not cry! Huwag na huwag kang iiyak!

"One black label, please," I mumbled to the bartender.

Nanlalabo na ang aking paningin. Hindi na rin ako makatayo mula sa aking kinauupuan.

I smiled as I took the black label from the bartender. Agad kong nilagok iyon.

I stopped when I heard my ringtone. I fished my phone from my pocket only to see an unknown number calling.

"I heard what happened at your office. Nasaan ka?" I heard a familiar voice.

"Pake mo?Sino ka ba?" I asked.

Rinig ko ang malulutong niyang pagmumura.

"Minumura mo ba ako?!" my voice went loud.

"Sh–t. Are you drunk? Nasaan ka?"

"Nasa ano.." halos hindi ko na maimulat ng aking mata.

"Nasa?"

"Nasa puso mo.." I mumbled as my head fell on the table.

I only heard his curses before I dozed off to sleep.

"Iris, wake up.." I felt a soft slap on my cheek.

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng Engineer. Naging malinaw na sa aking ang paligid. I'm not completely sober though.

Hindi ako nagsalita. Inalalayan niya akong tumayo at tahimik lang akong sumunod sa kaniya. Paika ika akong maglakad kaya hinawakan niya ang aking baywang.

He sighed problematically. Ipinasok niya ako sa kaniyang sasakyan. Nagpumilit pa nga ako kaya bahagya akong nauntog.

Habang nagmamaneho siya ay pinakialaman ko ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan. Halos baliktarin ko na nga ang sasakyan.

"Tsk. Ang tagal mo namang magmaneho, engineer!"

He glared at me. "Just sleep."

Hindi ko siya sinunod. Daldal ako nang daldal habang nagmamaneho siya. Kaya naman nakabusangot siya hanggang sa dumating kami sa hindi pamilyar na lugar.

"Saan talo, engineel?"

He chukled upon hearing me. "We're at my condo," he bit his lips to stiffle a laugh.

I embraced myself. "What are you going to do with me?!"

Kumurap siya ng ang beses. "Ganiyan na ba ang tingin mo sa akin?" he asked, offended.

Ngumiwi siya at ipinasok ako sa loob ng kaniyang condo. Inalalayan niya akong humiga sa malambot niyang kama.

"Hmmm.." I hummed.

I felt him taking off my heels. Inikot-ikot niya ang aking paa upang maibsan ang sakit.

"Change your clothes," inihagis niya sa aking mukha ang kaniyang damit.

Ngumuso ako at dinampot iyon. Paika-ika akong naglakad papunta sa kaniyang bathroom. I took a bath to sober up. I wore his oversized white shirt and his boxers.

Nang lumabas ako ay pansin kong basa ang kaniyang buhok. Marahil kakatapos niya lang maligo.

"Sa sofa na ako matutulog," I said and went to the large sofa.

Pansin kong gusto niyang tumutol pero pinili niyang manahimik. The lights turned off and we became silent.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay hindi ako makatulog. Pagod na pagod na ako ngunit hindi ko alam kung anong klaseng pahinga ang kailangan ko.

I stood up. Lumingon ako sa kama. Nakaharap sa akin si engineer, his eyes were closed but I could feel that he's still not sleeping.

I bit my lower lip as I walked towards him. Inangat ko ang kumot at humiga sa kaniyang tabi.

He opened his eyes and our eyes met. Magkaharap ang aming katawan.

Akala ko aasarin na naman niya ako pero nanatili siyang tahimik. I froze when he pulled me closer to him.

Sumubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

Like magic, my thoughts started to become calm. Para bang nakahanap na ako ng tamang pahinga.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I felt his hand slowly caressy my hair and whispering that it will all be okay.

Mula sa mahihinang pag-iyak ay unti-unti itong lumakas. Lahat ng inipon ko sa nagdaang taon ay unti-unting lumabas.

It felt good to cry.

He remained caressing my hair. Hindi niya tinanong kung anong problema, sapagkat alam niyang hindi ako kumportableng magsabi.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak nang gabing iyon.

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now