CHAPTER 05

362 15 5
                                    

"Congratulations, attorney!" salubong sa akin ng aking sekretarya pagkarating niya sa court room.

Kaming tatlo lang ang natira sa loob.

Nanatiling nakaupo sa upuan si Engineer Arellano at tahimik lang siya. Usually, magdadaldal siya at magsasabi ng kung ano-ano.

Nagpaalam ang sekretarya kong babalik muna siya sa law firm dahil may aasikasuhin pa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka bang balak umalis?Gusto mong bumalik sa kulungan?"

He chuckled. Nakapamulsa siyang tumayo at naglakad papunta sa akin.

"Attorney..." he muttered.

"Ano?"

"If falling for you is a crime...convict me attorney."

Kumurap ako nang dalawang beses. Nag-init ang aking pisngi. That was so sudden!

What the...Isa na naman ba 'to sa mga kalokohan niya?!

"Don't joke around, Engineer Arellano," I glared at him. "Ang corny."

Nagulat ako nang humakbang siya palapit sa akin. Unti-unting lumapit ang kaniyang mukha. When our faces were only inches apart, my breathing stopped.

Mahina siyang humalakhak at bumulong sa aking tenga.

"I like you, attorney..A lot..Like a lot," he whispered sensually.

"Aww-attorney!" he whinned when I flicked his forehead.

"I like you, my ass. Hindi mo pa ako binabayaran!" I glared and walked away.

"Attorney! Wala akong pera!" pahabol pa niya.

"Attorney, pinapatawag ka po ni Engineer sa site."

My forehead wrinkled upon hearing what my secretary said.

"Sabihin mo, ayoko. Hindi siya batas," I continued typing on my computer.

Umalis siya saglit at nang bumalik ay may bago na namang sasabihin.

"Gigibihan niya raw po ang bahay niyo kapag hindi ka pumunta," she chuckled.

Ngumiwi ako. "Hayaan mo."

Heh! Kung ano anong pakulo na naman, engineer! Hindi mo ako madadaan sa ganiyan. Marami akong kailangang asikasuhin at hindi siya kasali roon!

Luckily, my secretary didn't come back anymore. I sipped on my coffee as I stared at the pile of papers on my desk.

It sucks being an attorney. Magiging kriminal nalang ako!

I stopped when I heard a knock on my door. Hindi pa ako nakakapagsalita ay bumukas ito at iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahang makita.

He tilted his head.

"What the h-ll, Engineer?!" I exclaimed.

Hindi siya nagsalita. Wala siyang pasabing umupo sa sofa.

"Iniiwan mo na naman ang trabaho mo, engineer," I said and continued working.

He closed his eyes tightly. Tila ba pagod na pagod siya.

"You wouldn't come see me, so I came here instead," he mumbled.

"Wala namang rason para magkita tayo, hindi ba?" I shot a brow kahit hindi niya naman nakikita.

Iminulat niya ang kaniyang mata at bumaling sa akin.

"Just until your house finishes," he said out of nowhere.

Kumunot ang aking noo, hindi maintindihan kung anong nais niyang iparating.

"Can I keep seeing you? Just until your house is down, then I'll stop bothering you," aniya sa matigas na ingles.

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now