Epilogue

784 29 16
                                    

"Paparating na ang birthday ni Ireese, ate, hindi ka man lang ba uuwi," nagtatampong reklamo ni Maura.

Kita ko ang mukha niyang nakabusangot.

"At saka, hindi ka ba nagsasawa sa Japan na 'yan? Dalawang taon ka na diyan."

She's ranting but I knew she understand me. I needed time to heal.

Tumawa ako. "Okay, okay. I promise uuwi na ako," I said.

Tumalon-talon naman siya sa tuwa. Pinagalitan tuloy siya ng kaniyang asawa. Buntis na nga, tumatalon pa.

I bid goodbye to her. I stood up as I decided to pack my clothes. Konti lang naman ang kukunin ko. I'll stay there for maybe a month and come back.

Na attach na rin ako dito sa Japan.

And, it's already time to meet him.

Ngumiti ako habang pinapanood ang ulap. Wait for me,Philippines.

Nag-ayos na ako nang makarating ako sa Pilipinas. I put my shades. Ang init pa rin. Walang pinagbago.

"Adonis," I called him.

"Iris?"

"Kakauwi ko lang, pwedeng pasundo?" I asked.

Namiss ko rin kasi siya.

Ilang minuto pa ay nakita ko ang sasakyan niya. He went out and walked towards me. Mahigpit niya akong niyakap habang may ngiti sa labi.

"I miss you, kamusta ka?" tanong niya pagkapasok ko sa sasakyan.

"I'm good," tipid kong sagot. "I missed you too."

Nang makarating kami sa bahay ni Maura ay nagpasalamat ako bago siya umalis. We promised to meet some other time.

I breath heavily before I knocked on the door.

Hindi pa ako nakakatatlong katok ay bumukas na ito at bumungad sa akin ang aking kapatid.

Ang popcorn na hawak niya ay biglang nahulog. Her lips parted.

She blinked.

Twice.

Thrice.

Nang mapagtantong hindi siya nananaginip ay malakas siyang tumili at mahigpit akong niyakap. Tinawanan ko na lamang siya. Hindi talaga nag-iingat.

"Tita!" I heard a small voice.

Napatingin ako kay Ireese na patakbong lumapit sa akin. Tumangkad na siya.

"I miss you," pinanggigilan ko siya. She giggled as she planted kisses on my cheeks.

"Bakit hindi ka nagsabi? Sinundo sana kita," Maira spoke while we were busy eating.

I smiled."I want to surprise you," I stated the obvious.

She rolled her eyes. "Congrats, nasurprise nga ako."

Umirap lang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagnetflix kaming tatlo. Wala raw ang asawa niya dahil nasa trabaho.

Maaga rin akong natulog dahil may pupuntahan pa ako bukas.

Maura walked inside the guest room while I'm busy preparing.

"You're meeting him?" she asked.

"Yeah," Pinatungan ko nalang ng blazer ang aking tube.

Nang makuntento sa ayos ay nagpaalam na ako sa kaniya. Hindi naman siya tumutol sa sinabi kong pupuntahan ko siya.

I was holding my hands tightly. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa mesa habang naghahantay sa kaniya.

Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin siya.

I stopped when I heard footsteps.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at agad nagtama ang aming mga mata.

Gulat siyang napatingin sa akin. Pero kalaunan din ay ngumiti siya. A genuine smile.

He sat in front of me. Tumitig siya sa aking mukha na para bang kinakabisado ako.

When was the last time I saw him?

I took my time to scan him. Medyo pumayat siya pero hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya. Ang haba na ng buhok niya. Ibang-iba na siya.

"You're really here.." he muttered.

I smiled and cleared my throat.

"How are you?" I asked.

He smiled weakly. Sumandal siya sa upuan.

"Sinusubukan kong maging maayos. Ikaw?"

"Maayos na rin ako. I've changed for good."

Tumango siya. "Good for you then."

Binalot kami ng sandaling katahimikan. Nakakapanibago.

He cleared his throat.

"I j-just want to...apologize," he said. "I know my sorry is not enough, but still, I'm sorry for all the sh–ts I did to you. I'm sorry for the pain I inflicted. I'm sorry that I destroyed you," his voice cracked.

Huminga ako nang malalim.

"Mahirap," I said. "Noong una, akala ko hindi ko makakayanang makausad. Pero unti-unti, natutunan kong maging okay. My first month at Japan, I'd wake up at three a.m and call your name desperately,  wishing you're at my side." Wishing he'd warm my bed.

"Naninibago ako. Nakakapanibagong gigising ako nang wala ka sa tabi ko. Minsan nga, nakakalimutan kong magluto kasi akala ko..nandiyan ka para magluto," I laughed. "Kinailangan ko ring magset ng alarm sa phone ko. Kasi..wala ka na para gisingin ako, eh."

"Sobrang hirap. Araw-araw, pinipigilan ko ang sariling umuwi para makita ka ulit.Kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala ka. Pakiramdam ko, may kulang. I even had to consult a psychiatrist." 

A tear fell from his eye. Agad niyang pinunasan iyon gamit ang likod ng kaniyang palad.

"But do you know what I realized? HIndi ikaw ang kulang," I pointed myself. "Kundi ako."

He nodded and smiled like a proud father.

"Pero, maayos na ako. I'm totaly healed. Sometimes, I'll still remember you from time to time but your name doesn't hurt anymore."

"Pinapatawad na kita, Yohan."

"T-thank you," he said with his voice shaking. "T-thank you...please, please live well."

The guard came to remind us that he already needed to go back. He stood up and I did.

I walked towards him. I wrapped my arms around hi waist. Dinama ko ang kaniyang katawan.

"We won't forget each other, right?" he asked.

I pulled away from the hug. "Of course." Pinunasan ko ang luha sa kaniyang pisngi.

"You are the best thing that ever happened to me. It was good while it lasted," he planted a kiss on my forehead as  his tears keep flowing.

I turned my back on him.

"Yohan," muli ko siyang hinarap.

"Even though this love destroyed us, I don't regret it. Because it made us a better person."

He smiled. "I love you."

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now