CHAPTER 07

310 13 3
                                    

Ang bango.

I smiled as I inhaled the fragrant smell. Mas hinigpitan ko ang yakap sa isang matigas na bagay.

Wait.

Matigas?!

Iminulat ko ang ang aking mata at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang mapagtantong hindi lang bagay ang kayakap ko. Kundi tao!

Dumukwang ako upang titigan siya. My eyes widened. It was Engineer Arellano!

Mahimbing siyang natutulog, bahagyang nakaawang ang mapupulang labi.

"What the.."

Napaigtad ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya, dahilan para masubsob ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib.

"Engineer, how dare you lay your hands on me?!"

Wala akong natanggap na sagot. I felt him slowly caressing my hair. Hindi ko namalayang muli na naman akong dinalaw ng antok.

"Good morning, Iris."

I opened my eyes when I heard a familiar husky voice. Kung ganito nalang ang bubungad sa akin tuwing gigising ako.

Agad akong napaupo, dahilan para mauntog ang noo ko sa kaniyang ilong.

"Iris-Aww," he groaned.

"Sh–t!" I cursed. Umupo siya sa kama habang hawak hawak ang kaniyang ilong.

Bahagya itong namumula. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko! Paano nalang kung biglang dumugo?! What if he sues me?

"Engineer, okay ka lang?" I asked worriedly.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, his nose was red. Ngumuso siya. "Masakit, Iris.." he whinned.

I panicked. "I'm sorry...I'm sorry," hindi ko alam kung anong hahawakan ko sa kaniya.

"Kiss mo nalang, oh, para mawala yung sakit," he smiled playfully.

Bumusangot ako. Bago pa siya makapagsalita ay iniwan ko na siya sa kaniyang kwarto.

I went to the kitchen, only to find plenty of foods on the table. Rinig ko ang yapak niyang nakasunod sa akin.

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking baywang at inaangat sa stool. I felt the loud beating of my heart. Hindi ko iyon binigyang pansin at itinuon ang atensyon sa pagkain sa aking harapan.

Bacon, eggs, fried chicken and a glass of milk. Naglagay siya ng pagkain sa aking plato. Ang dami dami pa nga pero hindi na ako nakatanggi. Ang sarap kasi.

He uttered a short prayer and we began eating silently. Habang kumakain ay bigla kong naaalala ang nangyari kagabi.

I was drunk. Iniuwi niya ako rito. Tinabihan ko siya. And I cried.

I stopped from eating. Napatigil din siya at nag-angat ng tingin sa akin.

I fucking cried.

I gulped. Ano kaya ang iniisip niya nu'ng mga sandaling umiiyak ako?

Nang ngumiti siya ay parang nawala lahat ng gumugulo sa isipan ko.

"Kumain ka na, may trabaho ka pa," he said. "Nilabhan ko na ang damit mo kagabi. I think it's already dried."

Napatingin ako sa suot ko. Uminit ang aking pisngi nang mapagtantong suot ko ang tshirt at boxers niya. Sh–t.

Hiyang hiya ako habang kumakain. I mean, this ia the first time that I wore someone's clothes! At lalake pa.

Kaya naman nang magpalit ako ng damit ay hindi na ako nakapagpaalam nang maayos at umalis sa condo niya.

I was muttering curses when I arrived at my law firm. Sabog na sabog pa ang aking mukha. My eyes was sore from crying last night.

"Good morning, attorney," salubong sa akin ng secretary ko.

I smiled and greeted her back. This time, ako naman ang late.

I sat on my swivel chair as I sipped on my coffee. Naglalakbay ang isip ko sa kung saan saan. I still couldn't process what I did last night.

I slept..with him.

I smiled. At least he didn't take advantage of me.

My eyes shifted when the door opened.

"What the.." I muttered a curse. "Ganiyan ka ba kasabik sa akin, engineer?"

It has been four hours since we separated and he's already here!

He chuckled as he placed a chair in front of me.

"Buti alam mo, attorney."

Ipinatong niya ang braso sa mesa ko at inilagay ang palad sa kaniyang pisngi.

I rolled my eyes. "Ang trabaho mo, engineer.." paalala ko.

Ngumuso siya. "Malapit namang matapos, eh."

I sighed. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Attorney.." he muttered.

Hindi ko siya binigyan ng pansin. Bahala siya!

"Maureen..."

"Maureen Iris.."

"Iris.."

"Ano ba?" I glanced at him annoyingly.

Ngumisi siya. "Iris lang pala ang katapat."

I rolled my eyes. "Ang landi mo engineer, ilang taon ka na?"

"Thirthy.." he answered boredly.

Bumilog ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Hindi halata sa itsura niya! He looks like he's still in his twenties!

"Gurang ka na pala," I shook my head, pretending to be disappointed.

His eyes widened. Umayos siya ng tayo at tumikhim. "Malakas pa rin naman ang resistansiya ko!" he exclaimed.

I ts-ked and didn't mind him. Ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho at hinayaan siyang magdaldal.

Sobrang kulit niya. Minsan ay hahawakan niya ang buhok ko at ilalagay sa itaas ng bibig at gagawing bigote.

Kapag wala namang gagawin ay pinapakialaman ang mga gamit ko at halos baligtarin na niya ang lamesa ko!

Nagtaka pa nga ako nang bigla siyang tumahimik. I glanced at him at napanganga nang makitang natutulog na siya, bahagyang nakanganga pa ang bibig.

I held his chin and pushed it upward to close his mouth.

Bakit palagi ka nalang natutulog sa opisina ko, engineer?

Mahina akong tumawa. Umalis muna ako saglit upang magtimpla ng kape. Nang bumalik ay ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

I stopped when I heard a tiny voice. I glanced at him and noticed his sweats.

"I'm sorry...Please don't hurt me.." he mumbled.

Niyugyog ko ang balikat niya upang gisingin siya.

"Yohan," I called his name.

Nang hindi pa rin siya gumigising ay mas nilakasan ko ang pagtawag ng pangalan niya.

"Yohan, wake up.."

His eyes immediately met mine when he opened his eyes. Umayos siya ng pagkakaupo at iginala ang paningin na parang nawawala.

I even noticed his unshead tears but I didn't pay attention to it.

"I'm sorry.." aniya, parang wala sa sarili. "It's just a nightmare..." he chuckled awkwardly but he can't fool me.

I nodder, staring at him. I decided not to ask him because I knew it will make him uncomfortable.

"Uhm, aalis na ako," paalam niya at bago pa ako sumagot ay dali-dali siyang umalis.

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now