25

206K 4.9K 1.2K
                                    

Chylee POV


Nakuha ang atensyon ng lahat ng bisita dahil sa dalawang naka-jollibee mascott na dumating. Nako-confuse na yata ang mga bisita kung children's party ba ang napuntahan nila. 


May idea na ako kung sino ang dalawang 'to pero ayokong mag-assume. Katabi ko si Skyler na nakatingin din sa dalawa. 


Dahan-dahang naglakad palapit sa'ken ang dalawa. Para pa silang nagbubungguan. May ibang natatawa, may ibang napapatanong kung sino 'yang mga 'yan. 


"I can't imagine an Abellano would do this kind of..fvck." Napailing nalang si Sky pagkasabi niyon. "Unlike Laurel. Expected na."


Ano bang sinasabi ni Sky? Abellano and Laurel. Sina..


"Oh my! Si Miko Abellano!"


"Shems! Ang ga-gwapo pala ng nasa loob ng mascott ng Jollibee!"


"Tara magpa-picture!"


"Ayoko na kay Mcdo! Heaven kay Jollibee!"


Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa naririnig ko mula sa mga bisitang college students. Jusko. At hindi ko rin namang akalain na sina Miko at Phoenix ay magko-costume ng Jollibee, tho, nakapag-mascara na dati si Miko kaso party 'to. Malaking party. At teka..


Andito din sina Tita Yumi at Tito Lance. Ano nalang sasabihin nila? Ang isang Miko Abellano, nagsuot ng Jollibee costume? At hindi pa nahiyang ipakita ang mukha sa mga bisita. 


"Looks like, I need to guard you, Hera." Ani Skyler sa tabi ko. 


Naku, gumagana ang pagkai-protective brother ni Sky. 


"Sky.."


"I won't let that two ruin this party. And I won't let them ruin your mood."


Nata-touch ako sa sinabi ni Skyler pero paano niya nasabing masisira mood ko dahil sa dalawang 'to?


"I know what you're thinking, my twin. Alam kong iniiwasan mo sila."


"Paan—"


"I'm your twin. I'm your half. I can feel it. Remember the invisible string that connect us?" Nakangiting sabi ni Sky saka ikinawit ang kamay ko sa braso niya. 


Nakalapit na sa amin ang dalawa at magkakaharap kami. 


"Chylee!"

"Hera.."


Sabay pa sila. Pagkatapos ay nagkatinginan pa sila. Para ngang may lazer beam sa mga mata nila. 


"What's the comotion here?" 


Nanlaki ang mata ko. Boses ni Daddy 'yun. At 'di nga ako nagkamali. Si Dad and Mom lumapit dito sa'men. Jusko nakakahiya. 

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon