38

99.9K 2.5K 370
                                    

Chylee POV

Nagising ako sa paghaplos ng isang kamay sa buhok ko. Nakatulog na pala ako habang naka-ub-ob sa gilid ng kama ni Skyler.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko.

"You're awake."

"Sky!" Sigaw ko. Napatayo ako at yumakap agad sa kaniya.

"Hey, careful there. Tch." Sabi niya. He's smiling at me.

Hindi ko namalayan ang luha sa mga mata ko. "Okay ka na ba? Kailan ka pa nagising? May masakit ba sa 'yo? Sorry nayakap kita. Kasi naman..."

"Sshhh. I know how much you cried. Mom told me. Tch. I told you not to cry." He patted my head. "Kaninang madaling araw, nagising ako. And you were sleeping. Parang ang sarap sarap ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising."

Tumango-tango ako. "Anong nararamdaman mo? Maayos ka na ba? Ano bang nangyari?"

"Sshh. Hera, you must be tired. You should rest. Maraming oras para i-kwento ko sa iyo ang nangyari. What important is, I'm fine now. So stop worrying about me."

Sinimangutan ko siya. "Paano ako hindi mag-aalala? Alam ko ang kalagayan natin, ang sakit natin. Alam ko.."

"Hera."

"Sky."

"I'm fine. I'm a strong guy, right? Do you think I will leave you alone? Never. I'm your protector."

Naluha ako sa sinabi ng ka-kambal ko. Hindi man kami madalas nagkaka-usap nitong mga nakaraang araw dahil pareho kaming busy sa kaniya kaniyang business, hindi pa din mawawala 'yung string na nag-a-attached sa amin.

Bumukas ang pinto. Pumasok si Mom kasama ang triplets.

"Kuya, ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Kenzo.

Tumango si Sky. "I'm fine. Tch. The three of you, should be strong. Crying is gay. Hindi bagay sa inyong tatlo." Pangaral niya sa tatlo.

"Hindi ako umiyak ah! Nag-selfie lang ako. "

"I never cried."

"Kailan ako umiyak? Tch."

Sabay sabay na sagot ng triplets---Kenzo, Enzo and Renzo.

Natawa nalang ako. If I know, kagabi ay nakiki-iyak din sila sa akin. Kasi alalang-alala sila kay Sky. It's gay but, you can't help it lalo na kung mahal mo sa buhay ang dahilan.

"Kayong tatlong itlog, huwag niyo na itanggi. I'm sure na-kwento na ni Mom kay Sky."

Tumingin ako kay Mom na nakamasid sa amin habang nakangiti. Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap.

"Mom, you should take a rest. Ako na po ang bahala dito kay Sky. He's awake na naman and he seems fine." Alam kong hindi pa umuuwi si Mom mula nang ma-confine si Skyler dito.

Tumango si Mom. "I know. He's fine. Nakausap ko na ang doctor niya. Hinihintay ko lang ang Dad niyo, uuwi na kami." Paliwanag ni Mom saka tumingin kay Sky. "Makakalabas ka na daw mamayang gabi. Na-resetahan ka na din ng gamot na kailangan mong inumin. For now, you still need rest."

Tumingin ako kay Sky na simpleng tumango kay Mom.

"Thank you, Mom. I love you." Sabi ng ka-kambal ko.

Ngumiti si Mom. Sakto namang dumating si Dad na naka-business suit pa.

"Dad." Tawag ni Sky. "How's the company?"

Napailing ako. Kapag talaga si Sky at Dad ang magkausap, laging tungkol sa business. Ito namang si Sky, hindi pa nakakalabas ng ospital, company agad ang nasa isip.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon