18

243K 5.8K 1.1K
                                    

Chylee POV

Saglit akong kumalma bago nagreact sa sinabi ni Miko sa cashier. 

"Mi--"

"Hoy bata! Bawal nga take out. Tch. At itong baby ko, di siya nao-order 'cause she belongs to me." Sabi ni Phoenix na naka-akbay pa sa'ken. 

Ayan na naman sya sa pagpapaselos kay Miko. Pero pasalamat na din ako sa kanya. Bwisit na Prince Miko kase, daming alam eh!

He smirked. "Then I'll do everything para makuha sya." Sabi nya saka kumindat pa saken pagkatapos ay tumalikod na. Di naman nya kinuha yung inorder nya at nag-diretso palabas ng fastfood. 

"WAAAAA!" 

"Tch. Yung batang 'yun. Namumuro na ha." Sabi ni Phoenix sa tabi ko. Tinapik ko ang kamay nyang nasa balikat ko. 

"Abuso kana. Psh."

"Baby naman." Ay nako. Nagpout na naman. Pa-cute talaga 'tong Phoenix na'to. 

Nagpatuloy lang ang pila. Hindi na sila nag-react pa sa scene namin ni Miko. Buti naman, wala yatang tsismosa dito. 

Binalewala ko na 'yung pinakita nya. Ewan ko sa kanya. Di ko alam kung seryoso ba talaga sya o naaapakan lang pride nya kaya ganon sya? Kase may times na, parang 'di naman sya sincere at seryoso. Bahala nga sya sa buhay nya. Hindi ako magpapadala sa kanya. Hanggang kilig lang ako. No more other reaction. 

Oo nga't pinapansin ko na sya, pero hindi ibig noon ay nakalimutan ko na kung gaano nya ako sinaktan noon. Sariwang-sariwa pa rin 'yun sa alaala ko. The way he broke my heat. The words came out from his mouth. The thing he makes me realized. Lahat, hindi mawawala sa isip ko. 

At wag nyang inaakala na ganon ganon lang 'yon. Na, nasa past lang 'yun dahil para sa'ken, patuloy na nabubuhay ang pangyayaring iyon ngayon. 

"Baby, are you okay?"

Tumingin ako kay Phoenix. He's the man who comfort me maliban kay Skyler. Siya yung lalaking nanatili sa tabi ko hanggang maging okay ako. 

Ang lalaking pinaparamdam sa'ken kung gaano ako kahalaga sa kanya. Ang lalaking rumirespeto sa'ken. Ang lalaking handang gawin ang lahat para sa'ken. Ang lalaking minamahal ako ng walang hininging kapalit. Ang lalaking ginagawa ang lahat mapasaya lang ako. At ang lalaking kabaligtaran ni Prince Miko Abellano--si Phoenix Laurel. I'd rather choose him over Miko. Gusto ko siya, but not love like what I felt for Miko. Pero natutunan naman ang magmahal 'diba?

If I need to choose between them? Pipiliin ko 'yung MAHAL AKO kesa MAHAL KO. Mabuti na iyon, dahil kung yung 'Mahal ko' ang pipiliin ko, walang kasiguraduhan kung dadating sa puntong pareho kami ng nararamdaman, hindi ko hawak ang puso nya. Pero kung doon sa 'Mahal ako', sigurado na ako na mahal ako, and as for me, matututunan ko naman syang mahalin habang lumilipas ang mga araw na magkasama kami. I don't think na magiging unfair ako as long as I know na may mapapasaya ako, as well as myself. 

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon