28

157K 3.8K 618
                                    

Chylee POV

Pauwi na ako galing sa Jollibee branch ko. Pinauna ko na si Phoenix na umuwi dahil nagpahintay pa si Enzo sa'kin. Susunduin naman daw siya ng driver namin kaya doon na ako sasabay.

Nakaupo kami dito sa waiting bench sa may labas ng Jollibee. Sarado na kasi dahil gabi na.

"Ate, parating na si Manong. Naiinip ka na ba?" Tanong ni Enzo na naka-pout habang yakap ang bag niyang..well, may print na watermelon. Seriously? Ang bakla.

Umiling ako. "Hindi naman. It's okay, Enzo. By the way, can I ask you something?"

"Sure, Ate."

"Wala ka bang nagugustuhan sa SWU? You know..madaming magaganda d'yan." Nag-aalala na kasi ako sa ka-adik-an ni Enzo sa pakwan.

Para siyang nag-isip. "Sa ngayon, wala, Ate. Busy sa basketball eh."

Tumango-tango ako. "Gano'n ba?"

"Oo, Ate. Oh, ayun na si Manong!" Sigaw ni Enzo saka tumayo na.

Tumayo na rin ako. Natanaw ko ang kotse namin. Pero, may kasunod itong kotse--na parang pamilyar sa'kin.

Kumunot ang noo ko nang humarap sa'kin si Enzo na ngiting-ngiti. "Ate..sorry!" Sabi niya saka tumakbo pasakay sa kotse namin.

"Enzo!" Sigaw ko pero mabilis nang humarurot ang kotse paalis.

Seriously? Iniwan ako dito? Anong trip ng kapatid kong iyon? Pagkatapos niyang magpahintay?

"Hey, Hera."

Nagawi ang tingin ko sa kotseng kasunod kanina ng kotse namin. And there I saw Miko smiling at me.

"Yes?" Pagtataray ko.

Saglit siyang bumaba sa kotse niya at lumapit sa'kin. "Ihahatid na kita sa bahay niyo."

Nag-isip muna ako sandali. Bakit ba ako iniwan ni Enzo dito? Tapos sakto pang narito si Miko.

"Hera, please. Let me do this. You gave me a chance. That's why I'm here starting again to prove that I do love you."

Hindi ko alam kung kikiligin ako or what. Basta naiinis pa din ako kay Enzo. Hindi ko kasi ma-gets 'yung ginawa niyang pagpapahintay sa'kin tapos iiwan lang din pala ako.

Narito si Miko sa harap ko at nagsisimula ng magbago ang kabog sa dibdib ko. Tama naman siya na binigyan ko na siya--sila ni phoenix ng chance na patunayan ang sarili nila sa'kin kaya dapat hindi ko siya i-ignore.

I sighed then looked at him. "Alright!"

"Great." He said then lumapit agad sa kotse niya at pinagbukas ako.

A little smile curved on my lips before going inside the car.

Ilang saglit pa ay sumakay na rin si Miko sa driver's seat saka nagsimulang mag-drive. Napaka-swerte ko naman na narito pala si Miko. Kung hindi, baka nag-taxi ako dahil sa ka-pilyuhan ng kapatid ko. Malalagot sa'kin mamaya ang isang iyon.

"Ah! It's late. Nag-dinner ka na ba?" Tanong ni Miko habang nagmamaneho.

Actually, hindi pa. Sanay kasi ako na sa bahay, sabay sabay kaming nagdi-dinner. Family bonding kasi iyon dahil lahat kami maghapong laging wala sa mansyon.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Perfect timing. I'm really on my way to one of my favorite restaurant. Do you want to go with me?" Tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa daan.

Nag-isip ako. Sa bahay ako magdi-dinner para makasabay ang buong family. Paano 'yan?

"A-Ah, ano kasi, Miko.."

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon