36

105K 3.2K 1.8K
                                    

Chylee POV

Huminga ako ng malalim saka siya tiningnang mabuti. "Sana sa susunod, huwag ka ng mang-aabala ng mga empleyado ko."

He looked at me, seriously. "I won't do that again." Aniya.

"Bakit mo nga pala ako gustong makausap? Tungkol saan?" Tanong ko.

Inabala niya ako sa trabaho dahil gusto niya akong makausap. Ano ba ang dapat naming pag-usapan? Sa pagkaka-alam ko, isa na siya sa mga playboy ng SWU. Isa pa, hindi ko pa nalilimutan 'yung nakita ko sa may SWU gym no'ng magpunta ako doon. Iyong may kahalikan siyang babae.

"About us?" Parang hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya.

"Walang us, Miko." Bumuntong-hininga ako saka tiningnan siya ng mataimtim.

Umayos siya ng pagkakaupo. Narito lang naman kami sa loob ng kotse niya. Nakaparada dito sa parking space ng fastfood ko.

"Hera..." Huminga siya ng malalim. "Sabi ko give up na ako. That night... sa Batangas, nagdesisyon na akong tapusin na ang pangungulit ko sa 'yo. I gave my way to Laurel. Hinayaan ko na kayo dahil sabi ko nga, wala ng dahilan para ipagpatuloy ko pa 'yung ginagawa kong pagpapapansin sa 'yo. But fuck, every fucking day, I always think about you. Hindi ka mawala sa isip ko. Kahit may kasama akong ibang babae, ikaw pa din. Ikaw pa din ang hinahanap nito, Hera!" Itinuro niya ang bandang puso niya. He's looking at me intently.

"Miko..."

"Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang ulit ako, Hera? Pwede ba 'yun? I know this is kind'a desperate, but fuck, I don't care. Just please. Love me again." He said with his pleading eyes.

How dare you, Miko. How dare you do this. Ngayon pa na nakapagdesisyon na ako. Kung sino ang bibigyan ko ng pagkakataon para sumaya na ako.

"Please stop." I said. Ayokong masaktan ko na naman siya. I could see his sincerity but that is not enough for me to...

"What do you want me to do? Hera, I'm begging you. Mababaliw na ako. Sa bawat araw na dumadaan na wala ka sa akin, mas nababaliw ako. Mas nagiging eager ako na kunin ka. Gustong gusto kitang kanyanin. Fuck."

I bit my lower lip.

"Iyong sinabi ko sa Batangas. Iyong desisyon mo after that night, panindigan mo nalang." Sabi ko. Mahal ko siya, pero ayokong isugal ulit ang puso ko.

Ayokong masaktan ulit ng sobra. Ayokong mag-sacrifice na naman para sa akin ang ka-kambal ko. Ayokong mag-alalang muli sa akin ang parents ko. Ayoko ng maging pabaya.

I can't lose you..

Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Skyler. Alam kong naging pabigat din ako sa kaniya dati. Naging hadlang din ako sa kung anong mayroon sana sila ni Riana.

"Ginawa ko naman, Hera. Pinanindigan ko pero ilang araw lang ang kaya ko. Fuck, hindi ko na alam ang gagawin ko. Damn it." Ginulo-gulo niya ang buhok niya saka tumingin sa harap.

"Marami pang iba d'yan." Sabi ko pa.

"Yeah. I tried. I tried, Hera. But it's always you. Fuck my heart. Why don't you let me prove to you that I won't hurt you again? Binigyan mo na ako ng second chance tapos biglang ganito?"

"Tama na, Miko."

"Kung maibabalik ko lang ang panahon. Fuck it. If I could just rewind it, I won't hurt you. I won't.."

"If, Miko. Pero hindi, e. Nangyari na. Past na 'yun. At ang mga nakaraan na, hindi na dapat binabalikan. Tulad ng pagmamahal ko sa 'yo nuon."

I heard him took a deep breath. "Anong gagawin ko, Hera? Paano kita kakalimutan? Paano ko paninindigan 'yung sinabi kong give-up na ako kung sa bawat oras, ikaw ang laman ng isip ko? Kung sa bawat babaeng samahan ko, ikaw ang hinahanap ko! Ikaw ang kinukompara ko? Kung ang laman nitong putang'nang puso ko ay ikaw? Now tell me, paano?"

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon