39

100K 2.6K 657
                                    

Chylee POV

Dalawang araw na mula nang makalabas sa hospital si Skyler. Maayos na ang kalagayan niya at nakakapasok na ulit siya sa kompanya. Pinagbawalan na namin siya nila Dad, pero matigas ang ulo niya. Lalo daw siyang magkakasakit kung titigil lamang siya sa bahay.

"Chylee, sorry for waiting."

Nag-angat ako ng tingin. Si Riana. I called her because I want to confirm something to her. Inalam ko kasi ang nangyari kung bakit biglaang inatake si Skyler. At, sa source ko which is secretary ni Skyler, hindi ko in-expect ang sinabi niya. Inutusan ko ang tao ni Skyler na ibigay sa akin ang copy ng CCTV sa loob ng office ni Skyler. Wala siyang alam dito, kasi alam ko magagalit siya sa akin. Ayaw naman kasi niyang mag-kwento.

"It's fine. You may sit down." Pormal na sabi ko. Tulad ng sabi ko nuon pa, 'di kami ganoon ka-close ni Riana. Because she's my rival in all things. At naiinis ako sa kaniya, before. Ngayong dalaga na kami, nawala na iyon. 'Yung nuon, away bata lang iyon.

"Riana, sorry." Panimula ko. Narito kami sa isang coffee shop. Ayoko kasing may makakita sa amin na nag-uusap. Confidential ito, at may mga taong involved.

Iniingatan ko din na hindi ito makarating kay Skyler.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Wala kasi siyang ideya kung bakit nakipagkita ako sa kaniya.

"W-What are you saying? Bakit nagso-sorry ka? Wala akong natatandaang may kasalanan ka sa akin." She said innocently.

I heaved a sigh. "It's about you, and my bestfriend, Shanice."

Lalo siyang nagulat. "Chylee..."

"Alam ko na sasabihin mo na huwag kong sisihin si Shan dahil mabait kang tao. Pero 'wag, Riana. Narito ako bilang ka-kambal ni Skyler at hindi bilang bestfriend ni Shanice."

"How's Skyler? Is he okay now?" Tanong niya.

Alam kong gusto niyang puntahan si Sky no'ng nasa hosiptal siya pero galit sa kaniya si Sky.

"He's fine now, don't worry." I said. "Like what I've said, narito ako para kausapin ka. Tungkol sa inyo ni Shanice."

"Wala na naman sa akin 'yon. Hindi ko mape-please si Shanice. Hindi ko rin masisisi si Skyler na nagalit siya sa akin. Pinatulan ko kasi si Shanice, at dinamay ko pa ang anak niya."

Umiling ako. "Iyan ang hirap sa 'yo. Alam mo bang kaya ka kinakaya-kaya ng mga tao sa paligid mo ay dahil sobrang bait mo? Minsan, maging masama ka din. Para hindi ka abusuhin. Sa sobrang bait mo kasi, ikaw na ang nagmumukhang masama."

I am mad right now. Galit ako kay Shanice dahil nalaman kong siya ang dahilan kung bakit inatake si Skyler. Not totally na siya.  Sa napanood ko sa CCTV footage, nasa office ni Skyler si Shanice at Zia. Then biglang dumating si Riana.

At doon, nagbonding sila. Okay sila, e. Until Skyler needs to go out for special meeting. Almost 30 minutes nawala si Skyler, at sa mga oras na iyon. Kitang kita ko sa footage na tinarayan ni Shanice si Riana. Sinabi pa niya na walang karapatan si Riana na pumunta sa office ni Skyler. Sino ba daw siya.

Nalungkot si Riana. Actually, kaya pala siya nagpunta doon ay dahil dinalhan niya ng lunch si Skyler. Pero sa tindi ng pagtataray ni Shanice, lumaban si Riana.

Nang sabihin ni Shance na 'wag ng landiin ni Riana si Skyler dahil magpapakasal na sila, at i-aadopt na ni Sky si Zia. Huwag daw sirain ni Riana ang pamilya nila which is mali. Sinabunutan pa ni Shanice si Riana no'ng sumagot si Riana, na hindi siya malandi at hindi niya alam 'yung tungkol sa ikakasal ang dalawa. Nang makita ni Zia na sinabutan ni Riana si Shanice, pinaghahampas ni Zia si Riana habang umiiyak ng malakas. Hindi sinasadyang natabig ito ni Riana, na sakto namang dumating si Skyler dahil nagsumbong na ang secretary nito dahil sa ingay sa loob ng office niya.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon