41

102K 2.8K 643
                                    

Chylee POV

BIRTHDAY ngayon ni Mom. And I wanted to surprise her at her office at SWU. Kanina kasing umaga ay binati na namin siya. We ate breakfast together and we sang a happy birthday song for her. Pero hanggang do'n lang 'yun. Ayaw ni Mom ng magarbong celebration. She's contented as long as we're complete. Kahit kailan ay napaka-simple lang talaga niya.

Hindi ko pa naibigay ang regalo ko dahil in-insist ni Mom na papasok siya dito sa SWU. Si Dad nga willing um-absent sa company. But knowing Mom. Napaka-hardworking. Hinayaan nalang siya ni Dad sa gusto niya. Tutal may flight sila bukas papuntang Paris at doon sila mag-celebrate ni Mom. I find it sweet.

Growing old together, exploring the world together.. At sa parents ko nakikita iyong, hindi sila nagkakasawaan.

Sumakay ako ng elevator. Nasa 9th floor ang Office of the President. Hanggang 9th floor kasi ang building na ito kung saan narito ang mga office dito sa oob ng campus ng SWU. Dala ko ang paperbag kung saan nakalagay ang gift ko for her. Kagagaling ko nga lang sa mall kanina para bilhin 'to. And plus, nagdala na din ako ng lunch for us.

"Wait!"

Pasara na ang pinto ng elevator nang may sumigaw. Tumaas ang isang kilay ko nang mapansing si Miko pala 'yun. He's running towards me. At nang mabuksang muli ang pinto ay pumasok siya. Hinihingal pa siya.

"Fck." He cussed.

Kumunot ang noo ko. Hindi pa siguro niya napapansin na nakasakay ako?

"Damn it!" Gulat na sigaw niya nang makita ako sa tabi niya. Nasa sulok kasi ako ng elevator. "Fck. I thought you're a ghost."

"Ano?!"

"Kanina. Damn it. I thought I was just dreaming. You're real.."

Ako, multo? Mukha ba akong multo? 'Yung totoo? Nananaginip? Tanghaling tapat? And why does it feel so comfortable with him now?

"Of course I'm real." Sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"It's been a while. How are you, Hera?"

Napalunok ako. Sa sobrang cold at sungit niya, ngayo'y ganito siya ka-bait sa akin. Dahil ba dalawa lang kami?

"I'm fine. I think so." Tipid kong sagot.

Tumigil sa 4th floor ang elevator nang may sumakay na dalawang estudyante. They're from college department based on their uniforms.

"Hi miss." Bati sa akin no'ng isa. "Transferee ka?"

Napangiti ako. Inakala talaga nilang transferee ako? So mukha pa rin akong college student? Sabagay, baby face naman ako.

"No, I'm not." Sagot ko.

"So, why are you here?" Tanong naman no'ng isa.
"Stop talking to her." Ma-awtoridad na boses na sabi ni Miko na seryosong nakasandal. "She's not a transferee. She's not just a girl whom you can talk with if you want."

Napansin kong parang nagulat 'yung dalawang lalaki nang mapatingin kay Miko.

"Prince Miko Abellano." Banggit no'ng isa.

Kilala nga pala si Miko dito sa SWU. At ako, hindi? Ganern. Ako ang anak ng may-ari ng school. Jusko naman. Hindi ko ba kamukha ang nanay ko? And, hindi ko ba kamukha ang triplets?

"One thing you must know. She's the unica ija of the owner of this school. So leave her alone."

Bakit pakiramdam ko pino-protektahan ako ni Miko? Bakit feeling ko...ah ewan!

Tumingin sa akin ang dalawa. "Sorry po! Sorry!" Sabi nila saka biglang bumaba ng elevator nang dumating sa 8th floor.

Nagkibit balikat nalang ako. "Thanks." Sabi ko kay Miko pero hindi ako nakatingin sa kaniya.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon