48

116K 2.9K 948
                                    

Chylee POV

Huminga ako ng malalim. Umalis na talaga si Phoenix. Noon, sa iisang hangin lang kami humihinga pero ngayon hindi na. Nasa other side of the world na siya.

"Hera, are you okay? Umalis na talaga si tanda. Naihatid na natin siya sa huling hantungan niya."

Tiningnan ko ng masama si Miko. "Miko! Ang harsh mo!"

Tumawa siya. "Masyado ka kasing seryoso d'yan. Kaunti nalang, magseselos na ako."

Kumunot ang noo ko. "Ewan sa 'yo!" Sabi ko. "Sino bang hindi malulungkot kapag umalis ang kaibigan mo?"

"I don't know. I don't have friends."

I rolled my eyes. Wala ba talagang kaibigan si Miko? Pero alam ko meron, e. "Hoy, Miko! May mga kaibigan ka kaya sa SWU!"

"SWU friends. But not a lifetime friend." He answered.

Daming alam nitong si Miko, e. Teka, bakit ba kami nag-uusap ng ganito? Para kaming komportableng-komportable sa isa't isa.

Andito kami sa salas ng bahay namin. Hindi ko nga alam ba't sumama pa dito si Miko. Parang araw araw nalang siyang andito, e.

"Ate! Ate!" Humahangos si Renzo na lumapit sa amin. Galing siya sa taas.

"Ano 'yon?"

Parang hindi siya mapakali. "Ate, kasi..."

"Ano?" Kumunot lalo ang noo ko. Ano ba 'tong si Renzo.

"Hindi ba kayo nanood ng balita? Sinabi sa balita, Ate..."

Bigla akong kinabahan. "Ano 'yon? Pwede bang diretsahin mo na ako?"

"Ate nasa balita iyong eroplano nag-crash..."

Napalunok ako. Para akong natulala. Nag-crash ang eroplano? Bakit...paano? Bigla akong nanginig. Nanggigilid na ang luha ko.

"A-Anong..."

"Renzo, ituloy mo." Sabi ni Miko.

Tumingin ako kay Renzo. Naiiyak na ako. Hindi maaari. Lalayo lang siya, e. Lalayo, ibig sabihin pupunta sa ibang bansa. Matatanggap ko 'yon. Ibang bansa na nga lang, nalulungkot na ako at mahirap na tanggapin, e. Iyon pa kayang.. Bakit nangyayari 'to? Hindi pwede. Hindi..

"Iyong eroplano nag-crash sa egypt, Ate. Buti nalang hindi 'yong sinasakyan ni Kuya Phoenix. Buti nalang talaga." Sabi ni Renzo.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

Nag-peace-sign siya. "Hindi pa kasi ako tapos, Ate. Bigla ka nalang nagre-react diyan. Safe 'yong si Kuya Phoenix." Natatawa niyang sabi.

Ang walang'yang kapatid ko! Tini-trip ba ako? "Hindi magandang biro 'yon, Renzo!"

Piningot ko siya s atainga. "Aray, Ate! Ano ba, Ate! Masyado ka kasing seryoso. Sinabi ko lang naman, e. Aray!"

"Nakakainis ka naman, e! Nag-alala ako kay Phoenix, alam mo ba 'yon?! Akala ko..."

Napakamot sa ulo si Renzo. "Ate, ang drama mo sa part na iyan. Sige na!" Nagtatakbo na siya paakyat ng hagdan.

Baliw talaga. Nakaka-inis! Kinabahan ako. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko talaga.. Buti naman at hindi.

"Hera, don't over react." Sabi ni Miko.

Hinampas ko siya ng unan. "Over react?! E, malay ko ba? Akala ko iyong eroplanong sinakyan ni Phoenix 'yong nag-crash, e! Nag-alala lang ako!"

Bigla niya akong inakbayan at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Kalma na. He's fine. Makunat ang pagkatao ng tanda na 'yon kaya matagal 'yon mamamatay."

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon