14

273K 6.1K 1.9K
                                    

Chylee POV

Nagkakagulo na lalo ang manonood. Tapos na ang game ng SWU Tigers and as what all expected, nanalo sila. Ngayon ay nagpapakitang gilas na ang nagga-gwapuhan kong mga kapatid. SWU Wolf na ang nasa court. Kalaban nila ang ASU Growl. Lamang naman sila. Sa galing ba naman ng mga kapatid ko.

"Go Renzo!"

"Go Enzo!"

"Go Kenzo!"

Yung totoo. Mga kapatid ko lang ba ang may fangirls sa SWU Wolf? Talaga namang lakas ng kamandag ng triplets. Mana nga talaga kay Daddy.

"Hanep si Kenzo, bakulaw sa court. Walang sablay eh. Sure shot lage!" Hindi maitago ni Phoenix ang pagkamangha sa kapatid ko. Pero kanina kay Miko, ang bitter. Aish.

"Grabe, habang pinapanood ko ang triplets, parang si Skyler ang nakikita ko sa kanila. Kamukhang-kamukha nila! Shemay!" Kinikilig naman na sabi ni Shanice.

Hello! Kamukha din nila ako. Babaeng version nga lang.

"Shin-woo, three points!"

"AHHHH! Shin-woo triplets, we love youuuu!"

Fangirls all over the gym. Sige kiligin lang kayo. Hindi naman kayo papatulan ng mga kapatid ko. Unless, mukha kang pakwan for Enzo. Mukha kang camera for Renzo at isa kang geek for Kenzo. Mga bipolar lang talaga ang mga kapatid ko. Ako nga lang yata pinakamatino sa'men. He-he! Alam ko, di naman ako naging ganyan ka-weird eh nung bata ako. Diba, diba?

"Shin-woo, tinatakbo ang bola..Shin-woo, three points!"

Okay. Palagi bang three points ang kapatid ko? Si Miko ganon din kanina. Mga anak talaga ng basketball players eh.

"Wooooohhhhhh!"

Tumingin ako sa oras. Alam ko namang panalo na ang SWU Wolf. Score palang eh. 152-35.  In favor of SWU Wolf. Sige try nilang humabol sa loob ng two minutes. Last quarter na.

"Wala na. Panalo na. Pangitang-pangita na oh! Makapagpaturo nga magbasketball sa triplets tapos hahamunin ko ng one on one si Abellano. Wahahaha!"

Nagpoker-face ako. Baliw talaga si Phoenix.

"Feelingero ka talaga, Phoenix. Baka nakakalimutan mo, halos magkasabay na lumaki sina Miko at Chylee. Matimbang pa rin si Miko 'no!"

Harsh talaga ni Shanice. Walang ka-plastikan sa katawan. Sasabihin talaga lahat ng gusto nyang sabihin eh.

"Tch. Ano naman kung sabay na silang lumaki?" Sabi ni Phoenix kay Shan tapos tumingin sa'ken.

"Baby. Chylee, hindi man tayo sabay lumaki, sabay naman tayong tatanda."

Waaaaa! Si Phoenix, bumabanat? Okay, havey! "Naks, uma-asenso Phoenix." Sabi ko then I tapped his shoulder.

"Lesheeng Phoenix, pumapag-ibig ng todo todo! Ikaw na talaga! Kahit feeler ka, sige boto na ako sayo para kay Chy. Haha!" Sabi ni Shanice.

Nag-pout si Phoenix. Okay, he's really cute 'pag nagpa-pout sya.

"AHHHH!"

"Woooohhh!"

"Wolf! Wolf!"

Napatingin kami sa court. Tapos na pala ang laban. Nanalo ang mga kapatid ko. Mukhang alam ko na ang kasunod nito. Syempre, papa-party 'yan sa mansyon. Tatlong 'yan pa? Spoiled kay Daddy. And I know, proud si Daddy sa kanila.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon