46

108K 2.9K 1.4K
                                    

Chapter 46.

HINDI ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon. Mula nang dumating kami ni Phoenix dito sa amusement park kanina ay masaya kami. Iyong mga rides na simple lang at pwede sa may sakit sa puso, sinakyan naming. Pumasok din kami sa snow world at kumain ng kung anu-ano.

Kasalukuyan na kaming narito sa ferris wheel. Sabi niya, binayaran niya ang operator para bigyan kami ng oras na makapag-usap ditto sa mismo sa ferris wheel. Narito kami sa tuktok at kinakabahan ako, hindi dahil takot ako sa heights kung hindi dahil sumeryoso na ulit si Phoenix. Pakiramdam ko may sasabihin siyang ikakalungkot ko. Hindi ko maisip kung ano dahil wala akong ideya. Hindi naman kami nag-aaway at hindi ko maisip kung nagkasagutan kami dahil sa isang bagay.

"Ayoko ng patagalin ang pag-uusap natin, baby."

Ayan na naman ang pagkabog ng dibdib ko. "Ano bang pag-uusapan natin, Phoenix? Parang napaka-seryoso mo, e."

Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ko. Ano bang nangyayari?

"Hindi habambuhay ganito tayo, baby." Panimula niya.

Halos nabibingi na ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari kay Phoenix-kung bakit bigla siyang naging ganito.

"Sabi nila. If you love someone, set her free."

Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang nasasaktan ako sa sinasabi niya. Iiwan ba niya ako? Aalis ba siya?

"Noon, ang pinapaniwalaan ko. Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Pero habang tumatagal, doon ko nare-realize, na hindi dapat laban lang ng laban. Dapat iniisip ko din ang mararamdaman mo. Masaya ka ba, mahal mo ba din ako tulad ng pagmamahal ko. Mga gano'n, baby. Alam ko, at alam mo na si Abellano ang mahal mo. Akala mo naka-move-on ka na pero no'ng bumalik tayo dito sa Pilipinas at nagkita ulit kayo, doon ko napatunayan na hindi ka pa talaga nakaka-move-on pero kahit gano'n. Lumaban pa din ako. Lalo na no'ng pinapakita mo naman sa akin na handa kang pagbigyan ako na iparamdam sa iyo na mahal talaga kita."

Naiiyak ako sa sinasabi ni Phoenix.

"Kaso, hindi ko talaga mababago iyong katotohanang siya ang mahal mo. Napapasaya man kita, iba pa rin ang saya na mararamdaman mo kung ang kasama mo, iyong taong mahal mo talaga."

"Mahal kita, Phoenix."

"Mahal mo ako pero hindi iyon katulad ng pagmamahal mo kay Abellano. Mahal mo ako bilang kaibigan mo at bilang protector mo. Iba ang pagmamahal na nararamdaman mo sa akin, baby. Hindi kita sinisisi. Masaya nga ako, e. Kasi totoo ka sa akin. Hindi mo ako pinaasa na mahal mo din ako bilang lalaki. Naging totoo ka sa feelings mo sa akin."

Nagpapaalam na ba siya? Mawawala ba siya?

"Kinausap kita ngayon dahil gusto na kitang palayain. Alam kong mahal na mahal mo si Abellano. At alam kong habang narito ako, mahihirapan kang pumili sa amin. Dahil lagi mong iisipin, na ayaw mong masaktan ako, at ako ang pipiliin mo kasi mahal kita at hindi kita sasaktan. Hindi ko sinasabing masama iyon. Willing naman akong maging second choice mo. Ayos lang sa akin na ako ang piliin mo kahit alam kong si Abellano talaga ang mahal mo. Ganoon ako ka-martir sa 'yo, Chylee. Pero ayokong maging selfish. Ayokong maging dahilan para kalimutan mo ang totoong mahal mo."

"Phoenix.."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I'm setting you free, Chylee. Kahit hindi naging tayo. Basta pinapalaya na kita. Naggi-give-way na ako kay Abellano. Dahil gusto kong sumaya ka. Gusto kong maging masayang-masaya ka, Chylee. Piliin mo ang tinitibok ng puso mo. Piliin mo ang totoong magpapasaya sa iyo. Lalaki ako at nakikita ko naman na seryoso si Abellano sa pagbawi sa 'yo. Mahal ka niya."

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon