34

114K 3.2K 625
                                    

Advisory: Sa mga hindi aware sa childhood ng Shinwoo twins (Chylee & Skyler), you can read MPMMN 3: Together Forever. Nasa list ng works ko. It's all about their childhood memories so kung gusto niyong basahin, gorabels lang.

⚫⚫⚫

Chylee POV

Kararating ko lamang dito sa SWU. Hinatid ako ng driver namin. PTA meeting kasi ng triplets at nakiusap silang ako ang um-attend para sa kanila.

Syempre wala si Mom. Isinama ni Dad sa business tour niya. So no choice, kundi ako.

Ano bang pinag-uusapan sa PTA meeting? Saka ano ba talagang meaning no'n? Baliw kasi si Enzo, e. Pakwan together again daw. Adik na adik sa pakwan.

"Hi, Ate Chylee!" Bati sa akin no'ng naka-uniform ng SWU Wolf. Kabarkada siguro ng triplets.

"Sina Enzo?" Tanong ko.

"Nasa court, Ate. May practice, e."

Tumango ako. "Sige, thank you."

Pupuntahan ko muna ang triplets sa gym. Hindi ko din naman alam kung paano ang ginagawa sa PTA meeting. Ayokong magmukhang engot dito. Anak pa man din ako ng presidente at owner.

Habang naglalakad ako ay natigilan ako nang mapalapit ako sa gym.

Si Miko.

Hindi ko alam kung tutuloy ako o hindi. Hindi lang kasi basta si Miko ang nakita ko. Kundi kung paano siya makipaglandian sa babaeng kasama niya na nakakalong pa sa kaniya.

Bakit may kumirot sa bandang dibdib ko?

Hindi ba dapat maging okay na ako dahil hindi na nangungulit si Miko pagkatapos ng batangas escapade namin? Hindi ba dapat matuwa ako? Kasi dati pa, sinabi ko naman sa sarili kong, kung may taong dapat kong bigyan talaga ng chance, si Phoenix 'yun. He's been with me since day one of moving on from Miko. Siya ang nag-comfort sa akin.

Yes, binigyan ko ng chance si Miko. Pero dahil iyon sa ayaw kong maging unfair. Though, I know I'm being unfair dahil kahit si Phoenix talaga ang may pag-asang sagutin ko, binigyan ko pa din ng chance si Miko. I know, with that, para ko siyang pina-asa. Pero masisisi niyo ba ako? Nasaktan ako ng sobra noon. Masama bang ingatan ko ang sarili kong puso ngayon? Hindi naman ako pangkaraniwan lang, e. Hindi pangkaraniwan ang puso ko dahil may sakit ako sa puso. Bawal sa akin ang sobrang emosyon.

I'm done with my surgery when I was five years old. Pareho kami ni Skyler. Nag-agaw buhay kami noon. Pero sabi ng doctor namin, may pag-asa pa ring bumalik iyon. Depende kaya ayokong magpakampante. Nalaman ko iyon noong nasa US kami. Noong nalaman kong 'yung sakit ko pala ang dahilan kung bakit kinailangan naming pumunta ni Skyler sa US. Dahil gusto akong ilayo nila Mom kay Miko. Nalaman nila ang about kay Miko. Ang pagiging inlove na inlove ko kay Miko. At ang emosyong nararamdaman ko no'ng masaktan ako ni Miko.

Alam kong ginawa lang iyon ng magulang ko para sa kaligtasan ko. Kahit si Skyler alam kong nag-sacrifice siya para sa akin.

I took a deep breath bago itinuloy ang paglalakad ko patungo sa entrance ng gym.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si Miko. Hinayaan niya lang akong malampasan siya. Hindi niya ako kinausap at lalong hindi siya natakot na nakita ko siyang may kalandian na iba.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa gym. Hinanap agad ng mga mata ko ang triplets. As expected. Si Renzo agad ang umagaw sa atensyon ko na nagse-selfie habang nagdi-dribble ng bola. Sunod na nakita ko si Enzo na may katabing babae. Aba, himala. Kaso no'ng mapansin kong may hawak na malaking pakwan ang katabi niyang babae, hindi na ako nagtaka. Si Kenzo naman ay tahimik na nanonood sa nagpa-practice na ka-team niya.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon