Chapter 19

11 2 0
                                    

Chapter 19

Freedom

Yumuko ako at tumulo ang luha ko. Nasa harap ko na ang lalaking mahal ko, hinarap niya nag mukha ko sa kanya.

Pinunasan niya ang luha ko. "You're free now, tutulungan kitang makatakas. Uurong din ang engagement."

Sinalubong ko siya ng yakap. Pagkatapos pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na. Nagsimula ng umandar ang sasakyan niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, nagulat na lamang ako ng nasa tapat na kami ng bahay nila Rona.

"Iiwan muna kita dito. Babalikan kita bukas ng maaga saan akin na address ni Manang magpapaalam pa ako kay Mommy." He said.

Tumango na lamang ako at lumabas na, sinalubong ako ng yakap ni, Rona nasa likod niya si, Isa at ang mga kaibigan niya. Nandoon na din ang kaniyang best friend na nakaakbay na naman sa babae.

"Grabi naman si Tita. Ang bata mo pa para magpakasal. Ipapakasal kapa sa lalakeng hindi mo mahal. Ano iyon, magtatanan?" Si Rona.

Narinig kong tumawa si, Seth kaso sinuko siya ni, Isa at may binulong. "I don't like that engagement, ayaw din ng lalake napilitan lang siya."

"And I have a good news." Nakangising saad ko.

Tumingin muna ako sa sasakyan ni Aiden nakatalikod na ang lalake habang nakalamulsang papasok sa kotse niya.

Nang umandar na tumingin ulit ako sa bestfriend ko, naghihintay sila ng good news. "Pinayagan ko siyang manligaw."

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Rona.

Sila Yina din nagulat sa narinig.

"Sabi sa'yo may something talaga sa dalawa eh." Bulong ni Anita kay Yina.

Umirap ang babae. "May sinabi ka ba? Parang wala akong narinig na sinabi mong may something ang dalawa."

"Wala ba? Mayroon naman ah. Hindi ba, Isa? Matagal ko ng sinabi iyon sa inyo."

"Malay ko." Patay malisyang ani Isa.

Humagalpak ng tawa si, Yina.

She's cute, kaya siya nagustuhan ng lalakeng iyon e.

"Mga tarantado talaga kayo! Ang hirap niyong kausap." Ngumuso si Anita.

"Wala namang forever." Malamig na sabi ni Yina.

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

Bitter.

"Let's go, nakapagluto na ako ng makakain mo. Tinawag kasi ako ni Zoey na dito ka muna matutulog kaya nagmadali ako."

Pumasok na kami, nangungunang umupo si Isa at Yina.

"Hoy! mga patay gutom mahiya naman kayo sa bisita!" Sigaw ni, Anita.

Ang sweet ng magkakaibigang ito.

Hindi siya pinansin ng dalawa niyang kaibigan at nagsimula ng kumain. Lumabas ang nakakabatang kapatid ni Rona na si Tres mula sa kaniyang kwarto.

Nakangisi ito habang nagtitipa sa cellphone.

"Kumain kana, Tres Kenneth! Kinikilig ka na naman sa kaibigan na'min." Sigaw ni, Yina.

Kaibigan? May isa pa pala silang kaibigan? Bakit hindi ko nakikita? Taga saan iyon?

"May iba pa kayong kaibigan?" I asked curiously.

"Oum, si-" Napatigil si Isa ng tinakpan ni Tres ang bibig nito.

Mabilis namang kinagat ni Isa ang kamay ng lalake. Natawa na lamang ako.

Trials Of FateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz