Chapter 4

37 7 0
                                    

Chapter 4

Rejection

"No, Thanks." Maikling sambit niya at nakapamulsang naglakad.

Hindi tinanggap ni Basty kaya naman ibibigay na lamang niya sa isang studyante.

Napatingin ako sa lalake. Tinanggap niya tapos ibibigay na lamang niya kahit kanino para makain itong dala ko.

"Pres! Sabi na eh. Hindi mo makakalimutan. Crush mo ako, ano?" Deretsyohang tanong niya.

Palihim akong umirap.

"Hoy! lalake. Huwag ka ngang assuming." Malamig na sambit ko sa kanya.

Naglakad na ako papunta ako sa rooftop maganda doon at tahimik.

Ramdam kong sumunod siya sa akin, Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Umakyat kami sa hagdan papasok sa rooftop. Nandito na kami,

Umupo ako at tumingin na lamang sa lalakeng busy sa pagkain. Tinanggal ko earpods ko at binuksan ang aking lunchbox para kumain.

"Ang sharap ng luto ng yaya mo presh! " Masayang sambit niya.

Puno pa ang kinakain niya ng pagkain. Umirap ako at hindi na lamang siya inimikan.

Nag simula na akong kumain. Siya naman paubos na ang pagkain niya. Matakaw pero hindi nataba, Napatingin ako sa katawan ko. Medyo mapayat ako at matangkad pero mas matangkad ang lalakeng nasa harapan ko.

Halatang hindi kami junior high. Para kaming nasa senior high na dahil sa height namin.

Nang natapos na siya, Binigay niya sa akin ang lunchbox. "Pres! I'm done, Dalhan mo ulit ako ha? Ang sarap talaga mag luto ni Manang."

Kahit hindi niya kilala manang ang tawag niya.

Hindi na ako umimik at nagpatuloy na lamang sa pagkain, Susubo na sana ako ng maramdaman kong nakatingin siya sa akin.

Napataas ako ng kilay.

"Hala pres! Ang kalat mo kumain." Sambit niya at unti-unting nilalapat ang isa niyang daliri sa gilid ng aking labi.

Bumilis tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Natauhan ako kaya. "Are you done? Nagugutom na ako." Seryosong sambit ko sa kanya.

Inalis niya na ang isa niyang daliri sa aking labi at napatikhim.

"Habang nakain ka pres. Kakantahan kita." Malambing na sambit niya.

Tumango na lamang ako at sumubo na ulit, "Andiyan ka na naman, Bay 'di ko maiwasan tumingin sa'yong liwanag nadarang na naman sayong apoy, Bakit ba laging hinahayaan."

Tumigil ako sa pagkakasubo at tumingin sa mga mata niya.

Nakatingin na siya sa akin ng seryoso. Lumunok ako at ramdam ko kalabog ng puso ko. Sa tuwing naririnig ko boses niya napatigil ako. Lalo na pag nakanta na,

"Andiyan ka na naman bat di ko maiwasan tumingin saying liwanag nadarang na naman sayong apoy...
Handang masaktan kung kinakailangan."

Nag slow motion lahat sa akin wala akong nakikitang iba kung hindi siya lang, Kahit nasasaktan na siya hindi pa din siya susuko? Sa akin? Gusto kong lumayo siya sa akin pero bakit parang hindi niya kayang, Hindi niya ako kulitin?

Kumurap-kurap ako ng nagrap na siya.

Marunong siyang magrap? Pinakinggan ko lang ang bawat pag rap niya o pagkanta. Hindi ko man lang magalaw ang kinakain ko dahil nasa kanya na lahat ng atensyon ko. Natauhan lang ako ng patapos na siya.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now