Chapter 35

2 1 0
                                    

Chapter 35

Past

Tumigil siya at tumingin sa bintana nakita ko ang pagtulo ng luha niya doon na din tumulo luha ko. Bakit parang naguilty ako? Bakit parang ako pa may kasalanan. Hindi ko man lang pinakinggan ang side niya nasaktan din siya hindi lang ako.

"Hindi ako ang ama ng anak ni Angela, hindi mo pinatapos sasabihin ni Angela bigla-bigla ka na lang susugod."

Humikbi ako. "Eh bakit siya ang pinili mo imbes na ako? Sa tingin mo ba maibabalik pa tiwala ko sa'yo? Hindi na. Inubos mo pagtitiwala ko sa'yo."

"Masyadong magulo pa utak ko noon Yim, hindi ko alam kung sino pipiliin ko kasalanan ko na si Angela ang pinili ko. Kailangan niya kasi ako noong araw na iyon."

"Ako ba hindi? Kailangan kita eh."

"Sorry, sorry sa lahat sorry dahil sinaktan kita, bumalik ulit tayo sa dati ibalik mo ulit tiwala mo sa'kin."

"Aiden, ayaw ko ng pumasok sa mundo mo sikat kana. Natatakot ako pag pumasok ulit ako sa buhay mo, tama na Aiden pagod na tayo eh. Matagal na panahon na din naman iyon." Siguro magkaibigan na lang talaga kami. "Magkaibigan na lang tayo pwede ba?"

He just nodded, I smiled and came to him and hugged him tightly, my tears flowed just now that I hugged the man I love.  Until we're just friends, I don't want to love him too much, he hurts as much as loving him, he's a famous person, it's even more painful to love him, I don't want to get into a situation where people bash me just because of Aiden.

Tumila na ang ulan kaya naman bimitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at mabilis lumabas sa kotse niya papasok na sana ako sa aking kotse ng makitang lumabas din si Aiden na may dalang bag. Napakunot ako ng noo. "Sasama ako."

"Paano mo nalaman na may pupuntahan ako?" Mataray na tanong ko sa kanya. Ilang araw lamang ako sa mindoro mga three days. "At sinong nagsabing sasama ka? Ayaw ko maissue Aiden." Inis na dagdag ko.

"Wala akong pakialam basta sasama ako, gusto ko makita anak ni Leon at Rona." Nakangising aniya inis akong pumasok sa kotse.

Binuksan niya ang kabilang pinto at ngumisi sa'kin ulit.

Umirap ako, kakabati lang na'min ga'nan na siya agad pag ako naissue malalagot siya sa'kin. Iniwan niya ang kotse niya at sumama sa'kin, mabilis kong pinaharutrot ang sasakyan naririnig ko pang may kausap ang lalakeng ito minsan nasulyap siya sa'kin, hindi ako mapakali sa tuwing na sulyap siya sa'kin.

Umaga na kami ng makapunta sa Occidental ang tropic sa Batangas kaya inumaga kami, bumisita muna kami kila Julie bago pumunta sa San Jose nakakapanibago, ang tahimik na ng bahay ni Manang.

Madaming nakatingin sa'min, lalo na kay Aiden may kinuha akong sumbrero at nilagay sa kanya. Hindi ko siya nginitian at mabilis na naglakad ulit. Pagpasok ko sa bahay may nakita akong pamilyar na babae si Julie.

"Alexandria." Tawag ko napalingon siya sa'kin nanlaki mata niya kaya mabilis niya akong niyakap.

"Ate Yim, namiss kita, Hi kuya Aiden kayo pa din ba ni Ate Yim? Ang tagal niyo na ah."

Nawala ngisi ko dahil sa tanong niya. "Wala na kami, magkaibigan na lang kami."

"Ah sayang bagay kayo, ang tahimik na simula nawala si Lola si, Naya naman nasa kwarto niya nag d-drawing at si Aurora naman hindi ko alam kung nasaan iyon, bakit pala kayo nandito?"

"Bumisita lang kami, pupunta kami sa San jose. Kamusta kana? maliit ka pa din." Asar ko sa kanya.

Ngunyso naman ang babae. "Ayos na hindi okay ate, basta pasok muna kayo ate, Naya! May bisita tayo lumabas ka muna, wala dito sila Tita nakikipagchismisan ata sa labas."

Trials Of FateWhere stories live. Discover now