Chapter 18

17 2 0
                                    

Chapter 18

Run Away

I love him at iyong pag amin niya halos ang saya ng puso ko. Noong lumayo siya sa'kin. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kaniya never ko siyang kinalimutan siya pa din walang Iba. Hinihintay ko na umamin ulit siya at handa na akong umamin sa kanya.

I would have admitted but, he stopped me because he knew my answer. I don't like him that's what he has in mind but now I want to tell him that I love him. But maybe this isn't the right time to tell him I love him.

"Kahit man wala akong pakialam sa lalaki maghihintay ka?" Malambing na tanong ko.

Sa oras na ito hindi na blanko ang aking mukha. Pinakita ko sa kanya na masaya ako sa sinabi niya. Hindi ko na kailangang magtago ng emosyon sa harap niya.

"Hihintayin kita."

"Paano kung hindi ako mahulog sa'yo? Hindi kita kayang mahalin? Maghihintay ka pa din ba?"

Sinabi ko lang ito dahil gusto kong malaman ko na hihintayin niya ako.

"Hihintayin kita, hindi ako susuko mamahalin mo din ako hindi ngayon pero sa tamang panahon. Ikaw lang ang natatanging diwata na minahal ko. Hindi ako susuko dahil alam ko sa sarili ko na magiging akin ka din." Seryosong aniya.

Napangiti ako.

"May sasabihin ako, Pres. I have a powerbank." Nawala ang ngisi ko sa sinabi niya.

Pinaghahampas ko siya gamit ang dalawa kong kamay, "What?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Aiden, mommy will get mad at me."

"I'm sorry, gusto lang kita masulo at sabihin sa'yo nararamdaman ko."

Lumabas ako sa lamesa dahil tumila na ang ulan, ilang minuto kaming nandito sa lamesa at ilang hours na din.

"Give me your powerbank." Nilahad ko ang aking kamay sa kanya.

Napakamot na lamang siya sa batok at kinuha ang powerbank sa kaniyang bag, hindi ko man lang iyon nakita dahil nakatitig ako sa box na may lamang kwintas kanina.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa. Mabilis ko itong chinarge sa powerbank.

"Kinakabahan ka ba?" He asked.

"What? I'm not." Iling na ani ko.

Hindi na siya nagsalit. Nang mag 1% na ang aking phone binuksan ko ito. Halos mapamura ako ng puro tadtad ng message ang pinsan ko lalo na ang aking best friend.

Matagal pala kaming nasa rooftop. Mag s-seven o'clock na.

Nagring ang aking phone kaya mabilis ko itong sinagot.

"Yim, where are you? Hinahanap ka ni, Tita. Iniwan ka na namin because Felix said sa kanya ka daw sasabay, gusto ka niyang masulo pero bakit ang tagal niyo? Hindi naman kayo ganiyan dati. Mga nasa six nandito kana. Tita is already mad and may bisita dito sa inyo."

"Nalock kami."

"What?! Do you have a key right? Paanong nalock?"

"Nasa locker room ko ang susi ng rooftop, I need help." Sambit ko sa kanya.

"Okay fine, pupunta na ako diyan. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong gabi pero dapat kang humanda. Tita will get mad." Nag aalalang aniya.

Napakagat ako ng labi at mabilis iyong pinatay. Nagkatitigan kami ni Aiden.

"Your mom is strict to you? Kaya ba todo porsige ka sa pag aaral paano naman Ikaw? nagiging sunod-sunuran kana sa kaniya, paano kaligayan mo? Kaya ba tumigil ka sa pagdesign ng mga damit dahil sa mommy mo?" He asked seriously.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now