Chapter 37

14 1 0
                                    

Originally, it was titled No One Else, but I decided to change it to Trials of Fate. Trials of Fate is about Yim's story. It's about how Yimnia manages to overcome all the trials that come her way. I finished this story a long time ago, and I'm 16 years old that time now I'm just editing it. I really loved my character in this story, I'm happy that I finished it and continued writing. I hope you all support my upcoming stories. Before you read Arielle's story, please read this one first. There are some spoilers here.

----------

Chapter 37

Ruin

Tumango si Tita bilang pagsagot kaya naman ngumiti ako at nagmadaling nagpalit ng damit. Paglabas ko sa kwarto ay bumungad sa'kin si Aiden na kausap si Tita.

Nagtama ang paningin namin kaya naman inirapan ko ito habang ang lalake ay nakangisi na ng nakakaloko.

"Dali na, Tita. Sasama ako, tsaka ang boring dito walang magawa gusto ko sumama." Parang batang pagmamakaawa niya kay Tita.

"Sige na nga." Natatawang saad ni Tita.

Kaya narinig ko ang pag 'yes' ng lalake. Tumingin siya sa gawi k at kinindatan ako. Nang maramdaman ni Tita na nasa likod niya na ako ay lumingon siya sa aking gawi.

"Hija, tara na." Yakag sa'kin ni Tita.

Tumango ako at ngumiti. Nauna ng lumabas si Tita kaya naman malaya akong makakausap ang siraulong lalake na ito. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Masama bang sumama?" Seryosong tanong niya.

Umirap ako. "Hindi mo ba alam na madaming taong makakakita sa iyo?"

"Wala akong pakialam at tsaka, takot ka ba na baka may makakita sa'tin na magkasama tayo kaya ka ganiyan? Sa totoo lang wala akong pakialam doon." Nakangiting saad niya at nilampasan na ako.

Irita akong sinundan siya.

Papasok sana ako sa likod ng kotse ngunit biglang nagsalita ang hinayupak na lalakeng ito. "Si Tita diyan, dito ka sa unahan katabi ko." Nakangising saad niya.

Hindi ko siya sinunod akmang papasok ulit ngunit mabilis niya akong hinila at ipinasok sa unahan ng kotse. Inis ko siyang sinamaan ng tingin nang makapasok na siya sa kotse. Habang si Tita naman natatawa na lamang sa'min.

"Seatbelt." Seryosong utos niya.

Umiling ako. "Ayaw ko nga, sa likuran kasi ako katabi ko dapat si Tita." Inis na saad ko sa kaniya.

Akmang bubuksan ko ang pinto ngunit nagsalita si Tita. "Diyan ka na hija," Natatawang saad ni Tita.

Kaya naman wala na akong nagawa kun'di dito na lang sa driver seat. Padabog kong nilagay ang seatbelt narinig ko pa ang pagtawa ng lalake ngunit ng maramdaman niyang masama ang tingin ko sa kaniya napatikhim siya at nagsimula na magdrive.

Tahimik lang akong nakatingin sa paligid wala akong ganang makipag usap sa lalakeng ito.

Tinuro ni Tita kung saan ang palengke kaya naman pinark ni Aiden ang kaniyang kotse kung saan tinuro ni Tita. Naunang bumaba si Tita at ako naman ay dali-dali ng bumaba ng kotse. Ayaw ko na pagbuksan ako ni Aiden.

Akala ko hindi lalabas ang lalake ngunit laking gulat ko ng lumabas siya. Nakafacemask na ito ngayon tumingin siya sa'kin at kinindatan ako. Kailan pa natuto kumindat lalakeng ito?

Sumunod na ako kay Tita. Habang naghahanap si Tita ng mauulam ay ako naman ang naniningin sa palengke. Kahit wala akong bibilhin lilibutin ko ang paligid ng palengke.

Wala lang trip ko lang libutin ito. Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang mailang dahil iyong iba nagtitinginan sa'kin. Ramdam ko pa para bang may nasunod sa'kin at alam ko na kung sino iyon.

Trials Of FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora