Chapter 38

18 1 0
                                    

Chapter 38

Last Love

"Ninang!"

Napalingon ako sa batang lalakeng anak nila Leon at best friend ko. He really is the boy version of my best friend. His skin, eyes, and face resemble my best friend. I think he only inherited Leon's nose, and maybe when he grows up, he'll even grow taller because Leon is tall.

Kasing-tangkad ko lang si Leon.

"Why, baby?"

"Tita Mara said, si Ninong marunong siya magplay ng iba't ibang instruments. Gusto ko matuto." Nakita ko ang paghanga ng bata.

Lumingon ako kay Aiden at ngumiti. "Yes, marunong, Ninong mo." Pag amin ko.

"Sikat si Ninong sabi nito, kapag lumaki ako gusto ko maging katulad ni Ninong."

Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Aiden at nagsalita siya. "Do you want to be an artist too?"

"Yes po,"

"Tuturuan kita kapag medyo malaki-laki ka na." Malambing na sabi ni Aiden sa bata.

"Really?" Kuminang ang mata ng bata dahil sa sinabi ni Aiden.

"Yes, tuturuan kita. Promise."

"Anyway, ano po iyong crush?" Biglang tanong ng bata na ikinanlaki ng aking mga mata.

Kung ano-ano ata tinuro ng kapatid ni Aiden sa batang ito. Pati paghanga kuryuso siya. At bakit naman niya natanong iyon?

"Crush is paghanga." Sagot ko sa bata.

"What is love naman po?"

"Ang bata mo pa para sa pag ibig, LK. Bakit mo natanong?" Tanong pabalik ni Aiden sa bata.

"Kasi sabi ng Tita Mara. Paglumaki daw ako mas maganda daw po ibigin ko magiging anak niyo daw po, gusto ko po iyong babae ko katulad mo, Ninang."

"How old are you again? You're too young for that kind of love, ang bata mo pa para sa ganiyan." Seryosong sabi ko sa bata.

"Pero, Ninang. Pwede po ba kapag lumaki po ako at nagkababy po kayo. Pwede po ba ako makipaglaro sa kaniya? Pwede ko po ba siya maging baby din? Kasi po, baby niyo po siya edi magiging baby ko din siya." Inosenteng sabi ng bata.

Magsasalita sana ako ngunit naunahan na ako ni Aiden. "Pwede naman, kapag nagkababy kami ng ninang mo." Malambing na sabi ni Aiden.

Siniko ko naman ito ng palihim. Narinig ko ang lihim na pagngiti nito. Masaya namang napatalon ang bata sa sinabi ni Aiden.

Umalis na ito pagkatapos.

Inis ko siyang tiningnan. "Ang bata pa ng inaanak ko, kung ano-ano ang tinuturo ng kapatid mo."

"Hayaan mo na." Natatawang sabi niya.

Hindi ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalaba.

Nang matapos kami si Tita na ang nagsampay at habang kami naman nila Aiden nakipagkwentuhan na sa mga pinsan nila. Halata nila na mukhang nagkakaayos na kami dahil kahit hindi ko sabihin ramdan nila.

Sa kilos pa lang naming dalawa.

Habang masayang nag uusap naramdaman ko ang paghawak ni Aiden sa kamay ko. Nilingon ko ito at mabilis ding umiwas. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang aking kamay.

Kung ano-ano pinag uusapan nila. Ang madaldal talaga'y si Astro at Liz. Iyong iba minsan naimik sila, si Aiden din nagsasalita ngunit ako nakikinig lang sa pinag uusapan nila. Dahil naboryo ako, kinuha ko ang aking cellphone at nanood na lang sa YouTube saktong nakita ko ang interview kay Aiden.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now