Chapter 14

26 3 0
                                    

Chapter 14

Dance

"Yes."

"You are, you are beautiful. No wonder." Tita smiled as she looked at Aiden. "Aiden even insisted that you teach him. My son is so madly inlove with you, you always-" Aiden cut her off.

"Mama, uuwi na si Pres."

"Ganoon ba? Sayang naman." She said.

"Hija, pwede namang dito kana kumain." Sabat ni Tito.

"No, tito baka nag aalala na si Manang sa'kin. I'll go now."

"Aiden hatid m-"

Inunahan ko na si Tita. "No, Tita. it-text ko na lang po, si Manong."

Hindi na umimik si tita at tumango na lamang. Nag paalam na ako sa kanila paglabas ko ramdam kong nakasunod sa'kin si Aiden.

It-text ko na sana si Manong nang biglang hinawakan niya ang aking pulso at hinila papuntang parking lot ng bahay nila.

Nang nasa tapat na kami. "Sakay."

"Ayaw." Pagmamatigas ko.

"Sakay na. it-text mo driver mo tapos ang layo ng bahay namin sa inyo? Maiinip ka lang kakahintay." Mahabang lintanya niya.

Napabuntong hininga ako at sumakay sa kotse.

Padabog niya iyong sinara at umikot papuntang driver sit.

"Marunong ka?" I asked him.

"Ano sa tingin mo?" Malamig na tanong niya.

Hindi ako umimik at tumingin na lamang sa may bintana. Nagsimulang umandar ang sasakyan.

Pinagbuksan naman siya ng bodyguard.

Tumingin ako sa kanya, nanatili ang seryoso niyang mukha habang nakatingin sa unahan. Napakagat ako ng labi at nanatiling tahimik.

Tumunog ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.

Zoey:

Yim, where are you? bakit ang tagal mo?

Zoey:

Just tell me if you can sleep there, so I can send it there your clothes.

Sunod na reply niya, umirap ako sa pinsan kong Gaga.

Me:

Pauwi na.

Zoey:

Ay, akala ko diyan kana titira eh. Pagsasarhan ka na sana namin ng pinto.

Hindi na ako nagreply sa pinsan ko. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Lumabas siya at pinagbuksan niya ako. Pagkalabas ko doon na siya pumasok ulit sa kotse at hindi man lang nagpaalam sa'kin.

Napanguso ako at nagdoorbell, bumukas ang gate at bumungad sa'kin si, Manong. "Nakauwi kana hija, pasok ka."

I entered and went straight into our house. Ngumiti ang aking pinsan. Ang ngiti niya ay tila ba nang aasar.

"Kumusta? Have you seen your soon-to-be mother-in-law?"

"Pinagsasabi mo?" Patay malisyang tanong ko.

Ngumisi lalo ang aking pinsan, "I said if nakita mo na ba iyong mama ni Aiden?"

"Yes." Maikling sagot ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at nagbukas ng data. Pwede bang magpahinga muna? Nakakapagod na tapos sa lunes magiging busy ako dahil acquaintance na ng mga senior high.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now