Chapter 36

13 2 0
                                    

Chapter 36

Palengke

Napatigil si Aiden sa pagsubo ng pagkain sa bata at naramdaman kong tumingin siya sa'kin.

Tumigil din ako sa pagkain at tumingin kay Tita "Wala na po kami limang taon na ang nakalipas."

"Ganoon ba sayang naman, mas gusto ni Rona iyong lalakeng iyon para sa'yo. Hindi ko kilala ang lalakeng iyon pero alam ko na siya na, para sa'yo."

Umiling ako. "Impossible Tita,"

Nang matapos kaming kumain tinulungan ko si Tita magligpit at ako na din naghugas ng plato hindi makatanggi si Tita.

Narinig kong may naggigitara. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa paghugas ng plato. Paglabas ko sa kusina bumungad sa'kin ang dalawa masaya silang naggigitara, umupo ako sa harap nila pero hindi nila ako napansin.

"Mahal mo pa ba?" Seryosong tanong ni Aiden kay Rei.

Napatigil si Rei sa pagstrum ng gitara at ibinigay ito kay Aiden.

Hindi nakaimik ang babae sa tanong ni, Aiden. Nagsimula ng magstrum si Aiden. Walang iba ang kaniyang tinugtog, theme song namin.

Ngumiti si Rei at kinanta ito, nakita kong umaakyat si Tisoy sa sofa na inuupuan ko, binuhat ko siya at pinaupo sa hita ko. Nanonood ako sa dalawa habang walang tigil ang pag kirot ng puso ko.

Hindi ako makatingin sa dalawa, ramdam na ramdam ko ang selos, binigay ko na lang ang atensyon ko sa aking inaanak. Hindi pa nabibinyagan si Tisoy.

Bagay naman sila. Alam ko na si Rei talaga. Maganda naman boses ni Rei bagay na bagay talaga kay Aiden.

Sino ba naman ako? Kun'di ex niya lamang, tsaka hanggang magkaibigan na lang kami, pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Ngumiti lamang ako kay Tisoy, ang aking tenga ay nakikinig sa tawa ng dalawa. May pinag uusapan na hindi ko maintindihan kahit malapit ako.

Maya-maya ay nagkantahan na ulit ang dalawa.

Mahal ko pa din siya pero tama na. Ayaw ko na. Nakakatakot na ayaw ko ng pumasok sa mundo niya siguro hanggang magkaibigan na lang kami.

Naramdaman kong nakatingin sa'kin si Aiden, kinalma ko sarili ko at blankong tumingin sa kanya. Ngumiti siya sa'kin tinaasan ko na lang siya ng kilay may binulong siya.

Biglang tumikhim si Rei. "Yim diba marunong ka maggitara? Sabi ni Felix siya daw nagturo sa'yo, pwede bang kumanta ka habang naggigitara?" She ask me a favor.

"No, kayo na lang wala ako sa mood maggitara."

Tumingin ako saglit kay Tisoy nakatulog na pala ito.

"Ahh ganoon ba." Dismayang ani Rei.

Narinig kong tumawa si Aiden. "Tayo na lang, ayaw niya eh. Tsaka tayo na lang kaya? Bagay naman tayo?" Pabirong sabi ni Aiden.

Naapektuhan naman ako sa sinabi niya.

Sa sobrang inis ko at selos binuhat ko si Tisoy tumingin muna ako sa dalawa nakita ko na tawang-tawa si Aiden habang si Rei namumula.

Hinampas niya pa ang lalake.

"Oh, hija nakatulog na pala apo ko. Akin na at baka mangalay ka." Sabi ni Tita sa'kin.

Hindi ko namalayan na nandito pala si Tita.

Binigay ko ang bata kay Tita. "I'm going to sleep now Tita, I'm tired. Saan po kwarto ko?"

"Diyan na lamang sa kwarto ni Leon. Dadalawa lang kasi kwarto na'min iyong isa kay Leon. Malinis na din naman iyon. Nalagay na pati ng ama ni Leon mga gamit niyo doon."

Trials Of FateWhere stories live. Discover now