Chapter 33

3 1 0
                                    

Chapter 33

Trey

Kung anong mangyayari mamaya?

Kung ano magiging reaksyon ko pagnagkita kami. Pinikit ko aking mata at ginulo ang buhok dahil sa inis. Kinuha ko ang aking phone at nag online na lamang. Nakakunot noo ko habang binubuksan ang facebook account ko na matagal ko ng hindi nabubuksan hanggang Instagram ako kung saan hindi ko friend si Aiden. Hindi namin finallow ni Aiden isa't isa sa Instagram at sikat na iyon.

Bumungad sa'kin dati naming group chat. Kahapon pa ito.

Naomi Ysabelle Arcade: Anong oras tayo magm-meet guys? Anong oras ang reunion?

Sebastian Almero: 7:00 pm, magkikita tayo sa dati na'ting pinapasukan sa highschool.

Magchachat sana ako kaso, kumunot ang noo ko ng makita na nagchat siya sa group chat nandito pa din siya. Nakita kong online ang lalake friend pa din kami sa Facebook.

Aiden Montero: I don't know if makakapunta ako,pero susubukan ko makahabol sa reunion see you guys!

Inis kong binagsak ang aking phone, bakit ba ganito nararamdaman ko? Sana hindi siya magpakita, may ayaw na makita siya. May gusto naman na makita siya pero ang gulo ng utak ko.

Dahil 7 pm kami magkikita, makikipagmeet na ako kay Izza.

@yimniagrearta: Let's meet, in the cafe shop 1:00. See you!

Hindi ko alam na online pala si Izza aga nitong magising, hindi ko namalayan na five o'clock in the morning na pala. Nakita kong nag t-typings si Izza hinintay ko ito.

@_izdelacruz: Pamaya? Sige sure ate.

Hindi ko na siya chinat at nag off data na lamang ako, Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa magpipinsan napatingin ako sa bracelet na bigay ni Manang nasa akin parin minsan tinatanggal ko ito baka kasi masira, Manang ibibigay ko na sa mga apo mo itong pinaghirapan mo sa tamang panahon ngayon uunahin ko si Izza.

Nakita ko pinsan ko kaya lumapit ako sa kanya. He was lying on the sofa, tired again, because he came back to the office after eating to welcome us.

Lumapit ako sa gawi ng pinsan ko, mahimbing ang tulog nito. Tatalikod na sana ako ng may narinig akong sinabi niyang pangalan. "Gail! Mahal pa din kita."

Tumingin ulit ako sa pinsan ko, sino si Gail? Akala ko ba? May iba ba siyang babae? Sino si Gail? Umiling na lamang ako at hindi iniisip iyon, ayaw kong pakalman buhay ng dalawa.

Bahala na.

Pinark ko ang aking sasakyan, bumaba ako pagbaba ko bumungad sa'kin ang tarpulin kung saan nandoon mukha ni Aiden. Inis ko siyang tiningnan ng masama, nakangisi ito sa'kin.

"Alam mo ikaw? Ayaw kitang makita bakit nagpapakita ka? Bahala ka, sana hindi ka sumipot sa reunion na'tin, naiinis ako sa'yo." Sigaw ko sa kanya.

Naramdaman ko tinginan ng tao sa'kin hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Yim? Hoy, pres kumusta?" I heard a familiar voice.

Nilingon ko ang lalake tumangkad na ito.

it's Dean Nicholas papunta ata siya sa cafe nila. Kumusta kaya sila ni Yina?

"Dean, I'm fine how about you? Tumangkad ka lalo ah? Pupunta kaba sa reunion?"

"Ahmm, okay lang din ito daming ginagawa tsaka yes, pupunta ako."

Tiningnan ko siya ng seryoso. Husto ko kumustahin silang dalawa ni Yina. Pero iyong bibig ko may sariling buhay.

Ang masayang mukha ni Dean ay lumungkot na lamang bigla tila ba alam niya ang gusto kong tanungin. "Hindi niya pa din ako pinaniniwalaan, ang tigas pa din ng puso niya sa'kin. Ainna Yina is so heartless."

Trials Of FateWhere stories live. Discover now