Chapter 8

16 5 0
                                    

Chapter 8

Twins

Hindi ako mapakali. hindi ko maintindihan ni-le-lesson ng teacher namin. Kahit hindi ako makaintindi nabasa ko na din naman iyan. Hindi ko na kailangang makinig. Hindi ako mapakali, kung ano-ano nasa utak ko. Napatingin ako kay Aiden tahimik lamang siyang nakikinig sa teacher namin.

Hindi na siya nagbibigay ng letter sa'kin. Nagsulat ako sa aking papel at pinapasa papunta kay Aiden.

Napatingin siya sa papel bago tumingin sa'kin mabilis akong umiwas ng maramdaman kong wala na ang tingin niya sa'kin, sumulyap ako sa kanya nagsusulat na siya sa kaniyang papel.

Buti na lang hindi sila naexpell, ako kasi nagpaliwanag. Sinabi ko na nadala lamang ng galit si Aiden dahil sa nangyari kay Naomi, si Ares tahimik lamang hindi makaimik. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi, halata namang gusto niya si Naomi.

'Bakit hindi mo puntahan para malaman mo?'

-F, A Montero.

Galit paba siya? Bakit ba nagtanong pa ako sa lalakeng ito? Hindi kaba nahihiya sa ginawa mo sa kanya? Sinaktan mo siya.

'Can you please tanggalin mo muna iyang pagkabroken-hearted mo? I'm sorry, okay?'

-Y, V Grearta

'Tanungin mo si Sebastian kung ayos lamang ba si Naomi.'

-F, A Montero

He's jealous.

Napangisi ako naramdaman kong siniko ako ni Rona kaya napatingin ako sa kanya.

"Kilig na kilig? Tandaan mo sinaktan mo siya." Bulong niya sa'kin.

Inirapan ko siya.

'Ikaw ang best friend kaya sa'yo ko tinanong, don't tell me your jealous?'

-Y, V Grearta

Hinintay ko sagot niya, nakinig ako sa lesson ni Ma'am doon muna ako ng focus habang hinihintay ang sulat.

Laking gulat ko ng pumunta sa gawi namin si Ma'am at kinuha ang sulat na nasa kamay ni Rona. Hindi ko alam na kanina pa pala niya binibigay sa'kin iyong sulat.

"Yes, I'm jealous kay Sebastian kana lang magtanong tutal siya naman ang gusto mo." Basa ni Ma'am sa sulat.

Nagsi-tawanan mga kaklasi namin.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Sebastian kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mga bata nga naman, Mr. Montero. tinatanong ka lamang ni Yimnia kung ayus lang ba iyong best friend mo tapos idadamay mo si Mr. Almero, walang label pero, nagseselos." Ma'am mocking Aiden.

Lalo lumakas ang tawanan ng mga kaklasi namin.

Halatang supportive talaga adviser namin o mga subject teacher namin sa'ming dalawa ni Aiden. Minsan nakakaramdam na lang ako ng hiya dahil doon.

"Akala ko ba move-on na, Felix? Si Pres pa din pala, walang iba." Natatawang ani Dean.

"Class, tama na." saway ni Ma'am sa mga kaklasi namin.

Binigay ni Ma'am sa'kin ang sulat at kinuha ko naman.

Yumuko ako dahil ramdam ko pamumula ko, gosh! Aiden sa'yo lang talaga ako namumula ng ganito.

"Kinikilig." Bulong sa'kin ni Rona.

Kaya umayos ako ng upo.

"I'm not." I denied.

Tumawa na lamang siya at nakinig sa lesson ni Ma'am.Hindi na ako nagbigay ng sulat sa kanya at nakinig na lamang.

Gusto si Basty? Paano ko magugustuhan introvert na iyon? Ayaw ko nga sa kanya, dati iyon pero ngayon gumagaan ang loob ko kay Sebastian.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now