Chapter 7

18 5 0
                                    

Chapter 7

Fight

Iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko, tinatawag ako nila manang na kumain na daw pero wala akong gana. Napatingin ako sa phone ko ng may nagtext at si Rona iyon.

Mga pinsan ko lang ang nasa laman ng contact ko, At sinama ko na doon si Rona. Saglit lamang kaming nagkasama ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Nakikita niya ang kilos ko, nalalaman niya kung malungkot ako o hindi.

Sa isang araw na pagsasama namin. Tinuring ko na siyang best friend. May matino pa palang kaibigan. Iyong hindi peke, Si Naomi close ko siya pero dahil kakasunod niya kay Ares minsan na lamang kaming nag-uusap.

Rona:

Pinakain ko na si Royi, Sana nakakain kana din.

Me:

Nakakain na ako.

Nagsinungaling ako sa kaniya. Tumunog ulit ang aking phone kaya kinuha ko ito at binasa.

Rona:

Can I call you?

Pinunasan ko ang aking luha at umayos ng upo, nagring ang aking phone kaya sinagot ko ito.

"Hello."

"Sorry, gusto lang kasi kita makausap boring dito sa bahay nandito pinsan ko ang iingay. Ayus ka lang ba?"

"Oh, yes." Piyok na sagot ko.

Wrong timing naman oh.

Tumulo ang luha ko ng maalala ang ginawa sa'kin ni Mommy. I didn't expect na gagawin niya iyon, kasalanan ko din naman. Pero anong magagawa ko gusto ko lang naman maging masaya kahit saglit lang. Gusto kong magala.

"Sa tingin ko hindi anong nangyari? Tell me, Makikinig ako." Nag-aalalang tanong niya. Umayos ako ng higa.

"I'm okay Rona, Sinisipon lamang ako."

"Hoy babae, kahit saglit lamang tayo nagkakilala ramdam ko na nag iiyak ko. Open up to me makikinig ako."

I'm sorry hindi ko pa kayang mag open up sa'yo.

"I'm sorry I can't," piyok na sagot ko at humagulgol na. Sa kanya lamang ako umiyak ng ganito. She's her habang nag iiyak ako kausap ko siya. Pero hindi pa ako handang mag open up sa kanya.

"Okay, ganito na lang. Tumingin ka sa tapat ng bintana. Tingnan mo ang buwan." Seryosong sambit niya.

Pero natawa ako, ano ba iyan? Ano na naman ang trip ng babaeng ito?

"It is a joke?"

"I'm not joking, bes. Tumingin ka sa buwan." Utos niya.

Napabuntong hininga ako at tumayo.

Binuksan ko ang bintana sa tapat ng aking kwarto at tinangnan ang buwan.

"Did you see the moon? Minsan nagpapakita siya tuwing gabi. Pag nakita mo iyan o nag-iiyak maalala mo ako. Sabihin mo lahat ng gusto mo makikinig ako. I know na hindi kapa handang mag open up sa'kin. Just look at the moon, the moon is always there when you are sad, I can see the sadness in your eyes. You want to be free and be able to do what you want. Tell me everything and I will listen. I'm ready to listen." She said seriously.

My tears flowed as I looked at the moon.

"Always remember, when you're hurt or crying I'm just beside you, Like the moon. She's always there whenever you're hurt or crying but when the sun rises she's gone. Pero paggabi lagi siyang nakasunod sa'yo. Para bang lagi siyang nandiyan tuwing nalulungkot ka. Isipin mo na lamang na ako ang buwan na laging nasa tabi mo. I'll wait for you to open up to me, Yim. I'll wait. Go to sleep again, the pain you feel when you wake up will disappear. Goodnight and sleep well! Their noise." She complained.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now