Chapter 8

76 3 0
                                    

'Chapter 8: Great, I suppose.'

"Ano ba stop bothering me!!" Sigaw ko kay Clarke na kanina pa ako pinagtitripan at ginugulo ang pag aaral ko, buti kasi kung alam niyang kamatayan ko na bukas e' nakakapikon.

"Let's sleep na kasi, you're staying up late." Sabi nya pa habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ako.

Kung puwede lang tadyakan ng hindi nahuhulog sa kinauupuan niya ginawa ko na e'.

"I have to study nga, you mongrel!" Iritable kong pagtataboy sa kanya, tumawa ito bago nag stretch at humikab na umalis sa tabi ko.

"Fine, I'll sleep." Sabi niya, nilingon ko pa siyang dahan-dahang nag bukas ng pintuan at talagang matutulog na. Hinayaan ko na lang siya dahil sa tingin ko naman ay hindi siya galit sa akin.

Binalik ko ang sarili kong isipan sa inaaral ko, bukod kasi sa napaka lalim na pinag hugutan ng activity na ito ay napakahirap ding intindihin, kasing hirap ng leader namin. Tumunog ang cellphone ko na kanina pang naka bukas.

I picked it up when I just sighed.

"Himala gising ka pa." Nakakalokong tanong ni Roy, ginulo ko ang buhok ko bago ipunin ito at ilagay ang lahat sa balikat ko.

"Alam mo 'yung part ko? Tragis parang gusto na akong pahiwatigan na bukas na ang kamatayan ko. Alam mo 'yang leader natin feeling ko makukulong ako dahil sa kanya." Tumawa pa ako bago itaas ang papel at nag basa ulit, he laughed bago tumayong may kinuha at bumalik sa camera.

"Bakit?" Maikli nitong aniya.

"Feeling ko ngayong gabi magiging akyat bahay ako. Sasaksakin ko siya." Tumawa siyang hinahampas ang unan niya, kahit din ako ay tumawa ng malakas hindi ko na rin kasi napigilan. Napansin ko ang masamang titig ni Clarke sa likod ko kaya binalingan ko siya bago i-off ang mic ko.

"Akala ko ba tutulog ka na?" I asked him, tinaasan niya ako ng kilay.

"You just waited me to stop bothering you so I could sleep then you allow that ugly hag to bother you?!" Hindi na maipinta ang inis na mukha nito kaya bumuntong hininga akong tumayo at nilapitan siya.

"Matulog ka na, hindi mo naman kailangan bantayan ako." Iritable ko na rin siyang tinutulak, kinuha niya ang kamay ko at agad akong hinila papasok ng kwarto.

"Clarke nag aaral ako!" Muli ko pang paalala bago bumitiw sa kanya at lumabas ng kuwarto bago isarado ang pintong bumalik sa upuan ko at buksan ang mic ko.

"Mukhang pikon 'yon ah?" Tanong niya pa na may bahid ng pang aasar, tumango naman ako bago ngumusong binaling din ang tingin sa papel at nag highlight ng importanteng mga bagay.

"Bakit ka talaga na patawag?" Hindi ko siya tinitigan at nanatili ang sarili sa pag focus dahil mukhang ililibing ako ng naka school uniform kung hindi ko 'to gagawin, mas mabuti na rin na aralin ko na ito. 

"Wala lang tinawagan kasi ako ni Winnoa nagagalit daw sa kanya si Bryson." Nangunot ang noo ko at inipit ang buhok ko sa likod ng aking tainga bago mag salita.

"Sino si Bryson chuchu?" Natawa at humagalpak ng tawa si Roy sa tanong ko kahit pa ako ay hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong ko.

"Susumbong kita ah, leader natin 'yon." Pang aasar niya, ilan pang pilit kong wag niyang sabihin bago siya pumayag.

Naku hindi ko naman alam na Bryson pala ang pangalan niya edi sana kino-compliment ko na siya, nakakahiya naman talaga oo.

Later on ay hindi ko na naramdaman ang sarili kong inaantok na, hindi rin naman kasi nag tagal ang call naming dalawa dahil after ng asaran namin ay agad na nag paalam siya upang matulog.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now