Chapter 18

68 1 0
                                    

'Chapter 18: Spotlight.'

Winnoa and I hang out like we used to, hinayaan na rin ako ni Clarke na kung sakanila talaga ako mas kumportable ay hindi na siya gagawa pa ng paraan para ilayo ako kila Bryson and for him there's nothing wrong to be friends with them.

Okay na nga ako sa sitwasyon na ganon dahil nakikita ko naman na nag aadjust siya para sa akin and I am grateful for that dahil hindi naman niya usually ginagawa iyon. Bumalik rin kami sa normal na pakikitungo at kasama naduon ang pagbabangayan naming dalawa na sadyang normal din naman.

"Winnoa? Actually she's not the standard kahit noon pa man and I bet she's winning dahil sa connections niya." 

Naramdaman ko ang pag hinto ni Winnoa dahil sa nadinig naming dalawa habang sabay kaming naglalakad pabalik ng upuan namin na ngayon ay naudlot dahil nga sa nadinig namin parehas.

"Oo nga, I just found out na mayaman pala sila?" Bulong naman ng isang babae, mas humigpit pa ang pagkakapit ni Winnoa sa kanyang tray habang pinakikinggan sila.

Hindi ba ito nakakaramdam? Nasa harapan na nga nila iyong pinag uusapan nila hindi parin matikom ang mga bibig.

"Balita ko rin na she's just paying the judges like the last time he joined the pageant." Sabi naman ng kaninang babae.

"Yeah, satingin ko nga ganon ang nangyari she's not that pretty and talented anyways so... paano siya mananalo?" 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi kumprontahin ang mga babae. Inilapag ko ang tray ko ng malakas sa table nila sanhi na ang ibang sabaw ay umapaw at matapon ngunit hindi ko iyon ininda at masama silang tinitigan.

"Kayo ha! Kung hindi niyo matigil-tigilan 'yang bunganga niyo edi sana kayo ang rumampa sa stage mga shala." Bigkas ko pa, kita ko ang pagtataka nila habang tinitigan ako. Winnoa tried to stop me ngunit hindi parin ako nag papigil at agad na sinamaan ng tingin ang mga babae.

"Ano bang pake mo? And stop eavesdropping on us! Chismosa." Natigilan kami sa pag alis ni Winnoa nang sabihin iyon ng babae. My anger made things worse, sinimulan kong ibagsak ang tray at agad na lumapit sa kanya.

Winnoa tried holding me up thinking I'm going to hurt one of them.

"Ikaw, kamukha mo naman si Fiona-"

"Fiona is pretty!"

"Nung hindi pa siya na curse, ikaw kasi mukha ka ng na curse ang pangit mo!" Sigaw ko, she scoffed in disbelief of what I said.

"Hoy wala kang karapatang okrayin ang friend ko-"

"Oh talaga donkey?" Pang babara ko and they started looking at each other bago nanahimik na tumingin sa akin ngunit ramdam parin ang inis dahil nakabahid ito sa mga mata nila at hindi na rin sa mukha.

"What's happening in here?!" Isang lalaki ang sumulpot na hinaplos pa ang likod ng babaeng kausap ko, sabay pa ang dalawa na nag sabi ng pangyayari.

"Sometimes try to mind your own business!" Baling naman ng lalaki sa akin, natawa akong umiiling.

"Ito?" Duro ko pa bago pumalakpak. 

"Hindi niyo naman sa'kin sinabi na cast pala kayo ng cartoons? E' kamukha nito si Shrek-"

"How dare you." The girl kept himself looking at me, tinaas ko ang ibabaw kong labi bago siya inismiran.

"'Wag mo'ko ma how how de carabao baka maging barney ka real quick." Inirapan ko pa siya mismo sa mukha at tumalikod nang kinuha ang gamit ko bago isama si Winnoa. Nang makaupo na kami sa tabi nila Bryson ay labis ang pagtataka nila dahil sa kaganapan nila.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now