Chapter 12

72 1 2
                                    

'Chapter 12: Again.'

Iminulat ko ang mga mata ko at agad na napabalikwas at kinuha ang cellphone ko, nabigla ako nang makita ko ang cellphone kong eight-thirty-two na ang oras. Dali-dali tuloy akong tumayo at hinalughog ang buong bahay.

"Clarke? Late na tayo Clarke!" Pag punta ko sa kuwarto ay wala siya duon at napakalinis ang itsura non, pati rin sa garden at back door view ay pinuntahan ko na siya ngunit wala siya duon. Agad kong binuksan ang cellphone ko.

Clarke

It seems like you weren't going to school, I go ahead first.

Hindi ako makapaniwalang nailapag ang cellphone ko sa lamesa habang binubuga ko ang hangin na hindi ko inaakalang ako lang pala ang late. I-chineck ko pa ang kusina kung may pagkain ngunit kahit ang maluluto ay wala akong nakita.

"Gago ka talagang hayop ka! Sinasabi ko sa'yo pag ako nagutom talagang kakatayin kita gagawin kitang pang pulutan ng mga lasinggero at gagawin kitang patabain ng mga baboy!" Sigaw ko pa at kinawala ang mga galit sa puso ko, naiinis ako ng sobra at ang bahid ng galit ko ay kitang-kita sa mukha ko.

Sabi na e'! He wasn't kind kagabi! He's just fucking idiot who visited me in my dreams!

Nagmamadali akong nag bihis agad at hindi na naligo pa, I even get my bag at ang lahat ng kakailanganin ko, shete talaga! Ang layo-layo ng school rito tapos babyahe pa ako.

Edi parang sinabihan niya lang akong umuwi na kung kakapunta ko lang 'di ba? Peste ka talaga Clarke gugutayin ko ang future mo!!

Habang nasa biyahe ako ay pasimple kong inaamoy ang sarili ko kung mabaho ba ako, buti na lang talaga at hindi ako smelly person at mahilig akong alagaan ang balat ko dahil kung hindi, late na ako at mabaho pa ako!

Nang malapit na ako ay kumapit ako sa passengers holder at agad na tumayo and when the bus stopped ay dali-dali akong lumabas, duon ko nakita ang iilang mga estudyanteng nagtitinginan sa akin.

Oo iniwan ako ni Clarke mga peste kayo.

Dinalian ko pa ang paglalakad ko upang makaakyat sa section na kung saan ako, napataltak ako when the bell ranged na ibig sabihin ay lunch time na, hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Tumakbo ako at napakapit sa edge ng pintuan habang hinihingal na tinitigan ang professor ko.

"Mrs. Velasquez bakit ngayon ka lang?" Tanong nito na hinawakan pa ang balikat ko, tinapunan ko ng tingin si Clarke at bumaling muli sa teacher ko.

"Iniwan ako ng asawa ko sa susunod sir wag ka mag alala iiwan ko siya, mag isa pang habang buhay!" Galit na aniya ko, he nodded before he let me go. Nakita ko ang gulat na tingin sa akin nila Clarke ngunit hindi ko sila pinansin at tumakbo papaitaas sa seat nila Bryson.

Sinundan niya ako ng tingin habang siya ay nakatayong nakapamulsa, nang makaakyat ako at makalapit ay agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Cutting tayo." Nakangiting aniya ko.

"Huh?!" Winnoa and Roy exclaimed as they touched my head at inuusisa kung may sakit ako.

"Baliw ka ba? Pumasok ka ng late then gusto mo mag cutting ulit?" Sabi ni Bryson ngunit nakangiti parin ako sa kanya.

"Huh?! Ulit?!" Sabay na aniya nanaman ni Winnoa at Roy habang nagpapa salit-salit ang kanilang tingin sa aming dalawa ngunit hindi ako nag salita.

"Nag cutting kayo last time?" Tanong ni Roy ngunit hindi namin siya pinansin.

"No. Kung gusto mo mag cutting, ikaw na lang." Nilagpasan niya pa ako kaya nawala ang ngiti ko at pinanood lang siya. Clarke was walking towards me at nakangiti pa ito, nabigla ako nang samaan siya ng tingin ni Bryson at agad itong umakyat pabalik sa akin.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now