Chapter 10

83 1 0
                                    

'Chapter 10: Do It.'

"Shoot mo na kasi!" Hawak niya ang bola kasama ng kamay ko na inaayos ang pag kapit ko sa bola, hindi ko alam kung paano iyon ma shu-shoot iba pala ang basketball dito mas mataas keysa sa malapit na mall sa amin. Kabado pa rin akong tinatantya ang taas ng ring nito.

"Hindi naman kasi ako matangkad." Bulong ko pa sa kanya, inalok niya ang kamay ko at nagtataka naman akong umiwas ng tingin sa kanya, hindi ko kasi siya maintindihan kaya 'di ko pinansin.

"Oy! Oy! Oy!" Napasigaw ko na lang habang nagpupumiglas ang paa ko habang hawak niya ang beywang ko at binubuhat.

Pag ako talaga nauntog pag bagsak ko dadalawin ko siya hanggang sa mag kaasawa 'to.

"Ah gosh! Ano ka ba baboy?! Kapayat payat mo ang bigat mo." Reklamo niya pa, wala na tuloy akong nagawa kundi i-shoot ang bola, naghintay ako ng ilang saglit and when it shoot ay binaba ako ni Bry at tumalon akong tinuturo ang bola na nakalusot na sa ring.

Tumili at tumalon pa rin ako sa sobrang tuwa at siya namang ngumiti lang na parang tinitiis kung gaano ako kaingay but I don't care. Siya ang nagyaya kaya hindi dapat siya ma imbyerna kung maingay ako.

"Great." Sabi nya bago hawakan ang balikat ko, I smiled.

Compliment na 'yon for him, bihira lang siya mag compliment kaya ite-take ko na ang simpleng 'great' niya.

After namin mag enjoy sa mga sports play station ay dumirekta na kaming dalawa upang bumili ng makakain namin, ginawi ko pa ang atensyon ko sa nag riring kong cellphone. I excused myself for a minute to answer the call.

Kinabahan ako nang makita kong pangalan ni Clarke ang natawag sa akin habang nag eenjoy ako rito, hinagod ko pa ang buhok ko bago napapakaling tinitigan ang cellphone ko bago sagutin iyon.

"Where are you?" Galit na bungad nito sa akin, hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong gagawin kong alibi sa kanya.

"I-I was j-just have some important errands." Nauutal kong sagot, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa habang nasa call lang. Ramdam ko ang inis na mayroon siya kaya hindi ko talaga maiwasang kabahan at matakot.

"You're cutting class Farrah! You're not having some important errands you are just basically two timing!" Nabigla ako sa sinabi nya habang naka call kami.

"Ako?! Two timing? Ikaw nga 'tong nakikipaglandian sa harapan ko ilang months na pinuna ko ba?" I ended up the call as soon as I said that, pagalit ko pang binalik sa bag ko ang cellphone kong ang hatid lang ata sa akin ay init ng ulo.

Bumalik ako ng wala sa mood duon at siya namang hinawakan ang likod ko habang kausap ang tindera.

"Flavor?" Pagkasabi niya ay itinuro din niya ang pagpipilian, I leaned a little to see it at siya namang tumabi kung saan ako tumitingin.

"Raspberry na lang ate." Ngumiti pa ako ng pilit at agad naman siyang tumango nang makita niya akong tinuturo iyon, nangisi siya at umiiling na tumingin sa aming dalawa.

"Wow naman, congrats sainyo ah?" Nagkatitigan kaming sabay ni Bryson when the tindera greeted us, napanguso pa akong sumagot sa babae.

"Pardon?" 

Tumawa ito at hinawakan ang kamay ko bago ngumiti muli at pinakakalma ang sarili.

"Happy engagement sainyo." Agad kong nabawi ang kamay ko at sabay kaming napatitig ni Bryson sa isa't-isa, and he was like in shock too nang sabihin iyong tindera at kahit din naman ako ay hindi ineexpect 'yon.

"Eh?" Muli ko pang banggit habang nagtitigan kaming dalawa at hindi makapag process sa nangyari.

"Eh." Sabi naman niya na nangungunot ang noo, when I am done reminding myself and repeating what she said lot of times ay sabay kaming umiwas ng tingin at umiiling na kinuha ang inumin at pagkain namin.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now