Chapter 37

40 1 0
                                    

'Chapter 37: Day.'

5 years later...

"Bakit ka naman umuwi pa ng province Farrah? pu-pwede ka naman nang mag trabaho sa Manila dahil duon naman talaga kayo nakaluwag-luwag." Aniya ni Aling Tesa sa akin, nakagat ko ang labi ko at sinagot siya.

"Naku ho! Magulo parin ho ang isip ko at least dito kasi alam ko na payapa, wala na rin yung ibang tao sa paligid ko na sanhi bakit ako nahihirapan hindi ho ba?"

"E' wala ka bang balak mag pakasal? Ilang taon ka na, dapat nga ay may anak at pamilya kana sa ganiyang edad." Natawa ako bigla sa sinabi niya.

"Nako ho, hindi na 'no... 'yang kasal, kasal na 'yan hindi mo naman malaman kung totoo ba ngayon kasi nadadaya nadin."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumasok na ako sa loob, dalawang taon na ulit akong naninirahan dito sa probinsya. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagbabalak na bumalik duon dahil hanggang ngayon ay nakatatak parin sa akin ang mga nangyari.

Hindi naman dahil sa bitter ako pero nakatatak narin sa akin na mas payapa dito sa probinsya. May mga bago naman akong mga kaibigan at kasama hindi naman ako nag iisa.

"Naku! Sinasabi ko sa'yo, bakit ayaw mo mag artista napaka kinis ng kutis mo." Hinaplos nito ang balat ko, siya si Felina at si Ceri naman ang isa naming kasama.

"Bolera ka talaga sabihin mo may gusto ka lang sa kapatid ni Farrah e', asus mga galawan ih." Pang aasar naman ni Ceri, nag kantiyawan kaming tatlo nang may biglang kumatok sa gate namin, nuong una ay hindi namin pinansin at baka naman ay sa ibang bahay 'yon.

Ngunit nang may madinig na naman kami ay deretso nang tumayo si Ceri at hinubad ang plastic gloves at siya na ang dumirekta upang tignan ang tao duon sa labas. Ilang saglit ay bumalik siya na may malaking ngiti sa akin.

Nagunot na naman ang noo ko at hinihintay siyang mag salita ngunit matagal siyang hindi kumikibo.

"Ano Ceri?! Kala mo naman bayad na bayad sa pagiging main character mo at hindi ka mag salita dyan." Aniya Felina, mabilis na nilapitan ako ni Ceri at niyugyog.

"Mga madam, mukhang may mafia family sa labas." Nagtataka akong tumayos at hinubad din ang plastic gloves ko at lumabas.

"Dad!" Gumuhit ang malaking ngisi sa labi ko nang makita sila, binuksan ko ang gate para papasukin silang dalawa ni Lujille.

"I see, tumira ka parin pala dito." Hinaplos ni papa ang likod ko, ngumiti naman ako at saka natawa.

"Wala po e', mas naalala ko kasi si mama. Ano pong ginagawa niyo dito at asan si kuya?"

"Nandito kami para kunin ka." Nabitiwan ko ang braso ni papa at lumayo sa kanya.

"Hindi ka naman namin kukunin dahil gusto lang namin ija. Balita dito e' gusto mo daw ng mga bulaklak, at nag patayo kami sa Manila ng caffe' shop na bulaklak ang style at since libre ka naman, gusto sana namin ipahawak sa'yo." Lumingon ako sa dalawa kong kaibigan na bakas sa mga mukha ang kalungkutan dahil sa sinabi ni Lujille.

"You can take them with you, they can be your staffs." 

Gumuhit ang masasayang ngiti sa labi nila nang madinig iyon.

"Shala naka Manila na ang mga nilalang!"  Nagtatatalon silang dalawa ni Ceri habang sinasabi niya ito, napangiti nalang ako at tumingin kay papa at Lujille.

"Thank you." Niyakap ko sila at sila namang nakangiti lang habang pinapanood ang dalawa habang nag kwe-kwentuhan kung gaano sila ka excited papuntang manila.

Several days later we flew to Manila, after kong bisitahin ang puntod ng biological mother ko lumuwas na kami pa Manila. Things are pretty confusing dahil sabi ko noon sa sarili ko ay hindi ako babalik ng Manila kahit kailan dahil maganda naman ang buhay sa probinsya.

Pero malakas ang pangungumbinsi sa akin ni Aling Tesa na bumalik ako sa Manila dahil sa katotohanang mas malaki ang oportunidad dito, at isa pa ay andito lahat ng kakilala ko hindi katulad sa probinsya na tanging si mama na lang ang kakilala ko duon.

"Hindi pa kami nag de-decide mag ribbon cutting para sa opening nito dahil gusto namin nga ay ikaw talaga ang mag aayos nito but as you can see okay na ang loob." Tita Lujille said, tama nga naman siya, maayos ang place at malaki-laki narin.

Puwede din siyang 24/7 store dahil dito madalas na makikita mong may galing sa biyahe o nag tatravel at isa pa may kuwarto kung saan pwede matulog o mag pahinga ang morning  shift at yung isa naman ay nag wowork.

"Kailan ho ninyo balak mag opening?" Pagkasabi ko non ay hinawakan niya ang likod ko at tinapik iyon.

"Kung kailan mo gusto, sabihan mo lang kami kapag alam mong okay na at ready na andito lang kami."

Napangiti ako dahil duon, ganon din ang dalawa kong kaibigan na galing din sa probinsya. Madami kasi akong naiisip na design na maganda ngunit hindi sobra kung titignan, or O.A,

Habang abala ako sa pag tingin ng iba't-ibang websites na puwedeng pag bilhan ng mga libro na magde-deliver dito, inutusan ko naman si Ceri at Felina na mag gawa ng possible list and I told them na as much as possible ay unique ang names but meron parin yung common na Menu.

Unlike sa ibang caffe shop naisipan kong pinaka mababa ay 100 pesos, because they can freely connect on internet plus they could grab some book na babasahin for free habang nasa cafeteria siya, and mostly bet kong nandito ay yung mga busy o gusto ng kapayapaan.

And I don't think so malulugi kami sa 100 ang pinaka mababa because 100 could go big kapag madaming customers, I want a unique style of taste kaya after three days nag start na kami nila Ceri na mag timpla ng iba't-ibang kape, mayroon ding tsaa.

We all worked hard to finally open up the coffee shop.

The design of Menu is like reading a table contents of a book, then mas more on nature kami and mas malaki ang espasyo namin kaya mas madaming possible customers ang mag stay.

"Call them, yayain mo sila. Walang problema!" Sabi ni Felina, hindi ko kasi alam kung tatawagan ko ba sila o hindi.

"Tawagan mo na, mas mabuting magkaroon nadin kayo ng contact 'di ba?" Napangiti ako sa sinabi nila.

Limang taon na kasi ang nakakalipas nang mag kita kami nila Winnoa, Roy, Bryson at nina Paisely at Serene na mukhang nag bagong buhay na. Balak ko kasi silang imbitahan para sa grand opening kahit medyo... madami nang nayaya si kuya at sina papa pero kasi ay gusto ko silang maging part.

Na kahit papaano na this day, I've connected myself to a once my friends.

Sinagot ni Winnoa ang telepono at bumungad agad sa akin ang malakas nitong tili.

"Akala ko deadies ka na inggrata! Kamusta, anong balita?" Sunod-sunod niyang salita, tinitigan ko ang dalawa at sila namang nag thumbs up lang sa akin.

"Gusto ko lang kasi kayo iinvite, malapit na mag bukas ang caffei shop namin if you guys want to come sana?" Napasandal pako sa dingding at napakamot ng batok.

"Sakto, magkakasama kami ngayon!! Sige sabihan ko sila, just text me where ha!!" Malakas na naman ang boses niya, hindi na ngayon pambata ang boses ni Winnoa, she sounded like a real lady.

"Sure! Namimiss ko na din kayo!" Nilaksan ko na talaga ang loob ko.

"Kami din ano ka ba! Asahan mo kami dyan bukas, gusto mo dyan na tayo matulog pare-parehas!" 

"Sleep over talaga 'to e." Pagbibiro ko.

Nadinig ko ang malakas na tawa niya. "Kaya nga, shala ka na ngayon naka cafei ka na ah." 

"Dapat hindi nga e' pero, opportunity na rin 'to."

"Good luck ses!"

Nagkausap pa kami ng medyo matagal, puno ng tawanan, kamustahan at iba't-iba pa, andaming nangyari simula nang galing akong probinsya patungo sa pagbabagong buhay dito sa Manila.

This is the day wherein I see new things will happen.

A day that is more than one thing.

A last day of the future dream na finally magiging business na.

"I hope it works." Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan nang ibaba ko ang cellphone.

Sabay pa nilang tinapik ang likod ko.

"It will work beh kapit lang!"

"Kaya natin 'to!"

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now