Chapter 34

30 1 0
                                    

'Chapter 34: Confrontation.'

LUJILLE'S POINT OF VIEW.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mag asawang si Arman at Macey, napalunok at sila namang nakatingin lang sa akin.

"Asan si Reynaldo?!" Macey reacted at tinulak pa ako pa gilid upang makapasok siya sa loob ng bahay namin.

"N-Nag b-bihis Macey." 

Nagulat ako nang lingunin niya ako at tignan mula ulo hanggang paa, napalunok ako muli at hindi nag salita, nilalaro ko din ang dalawa kong daliri dahil sa kaba.

"First of all, call me.. Ms. Macey, you're too young to talk to me that way." Inilapag niya sa lamesa ang bag niya and then she rolled her eyes, napalunok akong pinapaanod silang umupo ng maayos.

"T-t-tawagin ko lang h-ho si R-Reynaldo." Sinigurado ko nang hindi ako makakadinig ng salita mula sa kanila, umalis agad ako sa harapan nila at dumeretso sa kuwarto naming dalawa.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa ginagawa niya, napakapit ako sa dibdib ko nang may maramdaman akong malakas na kalabog sa dibdib ko.

"Anong problema?" Tila nakaramdam ito sa akin, humugot ako ng malakas na hininga upang lapitan siya at mag salita.

"Andiyan sila Arman at Macey, h-hinahanap k-"

"Ano daw kailangan nila? Kung walang ka kwenta-kwenta ay palayasin sila."

"Hindi ko alam, siguro dapat ikaw na ang kumausap. Hindi parin sila siguro tapos sa usapang ipaalam na sa dalawang bata ang katotohanan."

Nilingon niya ako at halata ang pagkainis sa mukha niya, wala naman akong magagawa at hindi ako ang makakapag decide. Bumaba kami parehas at duon tumambad sa amin ang mga sarkastiko nilang posture. Hirap talaga kapag nagiging parte ng mayayaman, sila pa ang may problema.

"Anong kailangan niyo?" Sumunod lang ako kay Reynaldo at nanatili sa likod niya, unang tumayo si Macey at halata ang gigil sa mga mata niya at kahit pa sa galaw niya.

Hindi ko alam kung anong nasa isip nila pero ang tanging nahahalata ko lang ay ang mga tensyon sa mga galaw nila. Mas lalo akong kinabahan ng tumayo si Arman sa kinauupuan niya.

"Anong nababalitaan ko Rey? Nag iisip ka ba?" Nanginig ang boses ni Macey ngunit hindi ko inaasahan na tumayo siya ng maayos at sarkastikong nameywang sa harapan namin.

"Nag iisip ako, napaka immature ng ginawa nating lahat sa dalawang bata!" Nanginig ako at napaatras sa lakas ng boses ni Reynaldo. Hindi ko naisip na ganoon ang magiging tono niya.

"Huwag kang umakto na parang hindi mo ipinagbili ang anak mo, makaasenso ka lang!" Arman butted in, naninindig ang balahibo ko sa tensyon nilang dalawa.

"At binili mo naman! Sino ba ang gusto maglaro ng kagaguhang ito hindi ba't kayo rin? At ngayong itinitigil ay para kayong mga sira't takot na takot!"

"Dahil hindi naman sila kasal na dalawa Reynaldo, pinaglaruan natin ang mga bata!" Macey shouted.

"Kaya nga tinatapos na! Walang laya ang dalawang iyon kung hindi natin sasabihin sa kanila!" 

"At hahayaan mong ganon na lang 'yon? Na magalit ang dalawa sa ating lahat?! Kailangan nila ang isa't-isa!" Arman started to shout too.

"Pero hindi ba nagmumukha lang silang tanga? Hindi naman nila mahal ang isa't-isa. Umaakto lang silang mahal ang isa't-isa dahil kasal sila." Magaan ang pagsasalita ko, nasalin ang tingin nila sa aking tatlo, kita ko sa mga mata ni Reynaldo ang pag sang ayon niya sa akin.

"Ano bang puwesto mo?" Macey started walking at me, she didn't break the eye contact until she reached me. "Kabit ka lang naman."

"Macey!" Galit na galit ang boses ni Reynaldo, lalapitan na sana niya si Macey ngunit kinapitan ko ito sa braso.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now