Chapter 13

68 1 0
                                    

'Chapter 13: Repeat.'

"Kapag ba sinampal kita ng cupboard matutuwa ka?" Biro ko pang saad sa kanya, nakita ko ang paglalaro niya ng ball pen mula sa kamay niya habang natatawang umiiling.

"Ikaw ba sasampal? Okay lang." Napahagalpak kami ng tawa parehas, hindi ko kasi inaakalang makikipag sabayan siya sa trip ko, sinilip ko pa ang orasan kung anong oras na dahil kanina pa kami gising na dalawa. We're working on our project and activities together.

Napanguso si Bryson na para bang may itinuturo sa likod ko, napakapit ako sa upuan ko at agad na napalingon. I saw Clarke looking at me habang ako ay nanatiling nakatitig sa kanya.

"Alas-dos na ng umaga hindi ka pa natutulog?" Galit na saad nito na halatang kagigising lang ulit, hindi ko siya sinagot muna at humarap kay Bryson bago ngumiting dinampot uli ang ball pen ko.

"Hindi naman tayo tabi matulog ah? Hindi kita ginugulo kaya huwag mo rin akong guluhin." Mataray na tono ng boses ko at hindi na siya nilingon muli.

We don't talk nicely anymore at hindi na rin namin inaasar ang isa't-isa dahil this time pikon na pikon na kami sa isa't-isa na pakiramdam namin ay gusto niya rin akong sakalin pero pakielam ko ba? Hindi na nga kami sabay sa lahat, pinag uusapan na nga rin kaming dalawa na ang balita pa ay nag divorce na kami.

Hinatid at lagi na kaming kumakain sa labas ni Bryson kapag gusto namin dahil hindi na rin ako ipinagluluto ni Clarke at hindi na kami pumapasok ng sabay so? May laya narin ako. Lagi kaming nakikibalita kay Winnoa kapag may school research or reporting kaya hindi kami nag ka-cutting kapag meron.

"Ilan pa hindi mo nagagawa?" Seryosong tanong ni Bry, ngumuso ako at nag abalang kunin ang listahan ng mga nagawa ko na.

"Dalawang calculus pa, sasabog na utak ko." Naibagsak ko pa ang dalawa kong balikat dahil sa stress hindi ko narin napansin pa ang reaksyon niya dahil sa sinabi ko, naiangat ko na lang ang tingin ko when I heard loud noise on the other side of the call.

"Hoy! Bakit nagkukumot ka na, Bry tapos ka na?!" Mas lalo akong nataranta dahil duon, wala kasi akong maintindihan sa calculus ano nag call lang kami para panuorin ang isa't-isa? Hindi pwede 'yon! Dapat tulungan niya ako.

"Good night na!" Inihilig niya pa ang ulo at nakapikit na nagkumot, napa bulalas ako at ginulo pa ang buhok ko habang tinititigan siyang tulog.

"Bry... uy.." Umaasa akong joke time 'to pero siyete hindi ata, tulog na ata talaga.

Pinanood ko siya habang tulog na naka video call kasama ako, nasandal ako sa inuupuan ko at nagkibit balikat na pinikit ang mata ko, inaantok narin ako pero hindi pa kasi ako tapos sa calculus ko, hindi rin ako willing tulungan ni Bryson. Unfair magaling lang 'to pag nagka-cutting kami e! Daya.

----------------------------------------------

"Good morning rising shine, happy moment!" Tinitigan ko si Winnoa ng matamlay habang siya ay nabigla sa akin dahil sa pagkakatitig ko sa kanya, naibaba niya pa ang kamay na kaninang nakataas at may sigla sa pag bati sa akin.

"Warla girl, bakit parang mukha kang sinampal ni santa cruz?" HInawakan niya pa ang mukha ko at kinapa-kapa iyon, saglit kong tinabig ang kamay niya at inilapag ang bag ko sa upuan ko. Hindi ko na talaga alam gagawin ko rito wala akong calculus assignment.

"Hindi ako pinakopya ni Bryson! Ano ba 'yon?! Magaling lang kapag magka-cutting niyeta naman e'." Dabog pa ng mga paa ko, naramdaman kong may nag unat sa tabi ko at agad akong binatukan. Nabigla ako kaya nanlaki lang ang mata ko nang hindi ma process kung bakit ako nabatukan nino man.

"Ang ingay ingay mo talaga! Paano ka ba kinakaya ni Clarke?" Nanlaki ang mata ko when I saw who it is, takte yari.

"Paano ka pakokopyahin ni master kung ganyan ka at isa pa kahit mabait ka sa kanya hindi ka nya pakokopyahin 'wag ka na umasa dyan." Winnoa spoke, nagkatitigan kami ni Bryson at nang akmang tatayo ako upang hindi na naman ako mabatukan ay mabilis niya nakapitan ang braso ko at pinaupo ulit ako sa upuan, nag lagay siya ng notebook sa harapan ko.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now