Chapter 25

60 1 0
                                    

'Chapter 25: Judge."

I couldn't express how much nervous I am, the thing is ilang saglit na lang ay aakyat na naman kami sa stage with these gowns na ang bigat bigat.

Mamaya madapa ako sa stage edi baka naudlot pa ang magandang performance ko.

"Let's call out all the candidates." Tinuro pa ng emcee kung saan kami mismo nakaupo, nagtinginan kami habang nakangiti at deretsong tumayo.

They started walking while here I am holding the deep and hard breath I've been feeling since the very first time I tapped and walk my heels on the stage.

"Sir Felix, may I have the final result." Pinagmasdan ko ang lalalaking biglang tumayo na may hawak ng card.

It was the guy who stood up to cheer on me.

Kinakabahan tuloy ako dahil habang lumalakad siya ay sinusulyapan naman niya ako.

What was the purpose of that honestly...

"Pati ako ay kinakabahan."

Binuksan niya ang result so that he could actually see it first.

Nagtitigan kami ni Beatrice as she held my hand.

"First runner up." Nawala ang pagkabaling namin sa isa't-isa dahil narin sa sinabi ng emcee.

Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

"Beatrice Eugene Callera!" Halos mapatili siya nang sabihin ang pangalan niya ng emcee.

Mabilis siyang nakipag beso sa akin sa tuwa bago lumakad pa harap.

Pati rin ang mga tao ay nag cha-chant para sa kanya.

Sinimulan siyang suotan ng stash at ng tiara ng ibang judges.

Mas lalong kinabahan ako dahil sa pag kaway sa akin nila Charice na ngayon ay naka puwesto na sila sa audience area.

"Beatrice Eugene recieves, twenty thousand cash, a crown and stash and a surpass card to an elite restaurant—Giovanni's." Nag hiyawan ang mga tao at nag palakpakan sa sinabi ng emcee, kumaway pa si Beatrice sakanila.

"Let them suit their moments. Next up our Queen Elite Colleges." Medyo lumakas pa ang boses ng emcee dahil mas lalong humihiyaw ang mga audience.

"Arts and Design Department!!" Sigaw ni Clarke na napatayo pa habang pumapalakpak, tumawa sila at nag hiyawan.

"A-D-D! A-D-D!"

Pumalakpak narin ako at inenjoy lang ang pag sigaw nila.

"Farrah Avrille Manriquez Velasquez—" Hindi na natapos ng emcee ang energetic niyang pag tawag sa pangalan ko at department namin dahil hindi narin siya madinig ng mga estudyante.

Nangibabaw kasi ang malalakas na hiyawan at palakpak ng estudyante sa may bleachers.

Nag simula akong mag lakad papaharap. The remaining judges including sir Felix stood up to congratulate me habang hawak nila ang mga ibibigay at isusuot sa akin.

"Congrats." Labis ang ngiti sa akin ng babaeng maganda na judge habang nag kakamayan kaming dalawa.

Sinimulan na nilang isuot sa akin ang corona at ang sash pati na rin ang wand na gawa ata sa silver.

"Our queen recieves 50 thousand pesos cash price, a crown, stash and a free ticket on Giovanni's along with our first placer and judges."

Napalakpak pa kami dahil duon, nawala ang ngiti ko nang ibigay sa akin ng emcee ang microphone.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now