Chapter 16

74 1 1
                                    

'Chapter 16: Jealousy.'

Makikituluyan muna ako kay Winnoa because of what I just heard out of Serene's mouth ay hindi ko na kinakaya pang maniwala kahit ilang beses nang naitanggi ni Clarke ang mga sinabi nito ay hindi ko magawang mag tiwala. He even begged me while looking at me getting all of my things while packing.

"Farrah, satingin mo ba ay magagawa ko talaga sa kanya ang ganong bagay?" Agad kong itinabig ang kamay niyang nakakapit sa siko ko at nilingon siya.

"Sana nag react ka, sana kumontra ka kung hindi totoo! You're just looking at me as if you were telling me that 'Farrah it's true, be affected.' tapos sabay look away na parang wala lang." My hair is messy because of my movements at pagkakamot ko pa kanina ng ulo ko.

Hindi ako galit dahil sa nakipag sex siya kay Serene, I was mad because I feel like I was taken advantage of someone like him. He did it with me then malalaman ko na nagawa niya na rin pala kay Serene. Sino nauna, ako o si Serene?

It's pointless to ask many words right now dahil hindi parin ma proseso ng utak ko kung may dapat nga ba akong tanggapin sa mga salita niya. Basta na nga lang akong nag madali without having hesitation to listen on him.

"You were having fun with Bryson too!" He exclaimed but I looked at him.

"Are you bringing back the blame on me?!" Natigilan siya at biglang tinanggi ang paratang ko sa kanya, binitiwan ko ang gamit ko at agad na nilingon siyang hindi nagsasalita.

"You just got taste of your own medicine, alam mo wala naman talaga akong balak na ganituhin ka at kahit nga sino pang landiin mo ay okay lang sa akin, kahit sino pa 'yan I don't have problem with that. Pero minsan sana ilugar mo Clarke..." Tumigil ako at lumingon sa mga gamit ko bago ipasok lahat-lahat ng kailangan ko at isarado ang zipper.

"And don't be unfair." I picked up my bag bago isukbit iyon at lumabas, hindi ko naramdaman na sumunod siya. 

Nang nasa gate na ako ay hindi ko mapaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko when I looked at the whole house again, mabigat ang pakiramdam ko dahil duon hindi ko rin mapaliwanag kung bakit ang dami kong naiisip.

Ipinagpaliban ko ang buong isipan at sinalubong sila Winnoa na nag hihintay sa akin kanina pa upang lumabas, Winnoa brought her car para sa aming apat. Kinagat ko ang labi ko habang ang mga nasa isip ko ay nag lalaro na para bang gusto nila akong mag sisi sa aking nagawang pag iwan kay Clarke.

I looked at Bryson na mabilis na nakatulog, hindi na lang ako kumibo at ang mga mata ko ay nanduon pa rin sa labas ng sasakyan namin, hindi ako makahinga ng maayos. I started to think if I am in the right choice to leave o mas magandang nag stay na lang ako.

Habang nagmumuni-muni ako ay tumigil ang sasakyan, we're on the big house at obvious naman na kay Winnoa iyon dahil itong BMW pa lang ang pruweba na sadyang mayaman siya, Roy hopped on the ground at sinimulang gisingin si Bryson.

He woke up and immediately got out of the car at ako naman itong sumunod sa kanya.

"Ang laki ng bahay mo Win." Roy said, ngumiti si Winno at tinapik siya.

"Ano ka ba wala pa 'yan tsaka kila daddy naman 'yan." Sinumulan kaming pag buksan ng pinto ng mga maids nila, nahihirapan nga akong gumalaw dahil pakiramdam ko ay sa kaunting gagawin ko ay may mangyayaring masama.

Pinaupo kami ni Winnoa at agad na may pinuntaha, tinignan ko si Bryson na humihikab pa at si Roy namang inililibot ang paningin niya sa kalakihan nito at hindi sila makausap. Pinipino ko ang bawat kilos ko dahil tatlong vase ang malapit sa akin minsan kasi hindi halaman ang importante minsan yung vase.

"Oh my ijo Xavier!" Halos mabalik ako sa wisyo ng wala sa oras dahil sa malakas na boses ng babae na dinig sa kabuoan ng bahay at naka alok pa ito ng yakap.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now