Chapter 30

60 1 0
                                    

"Dalian na Farrah!" Nadinig ko ang malakas na sigaw ni Tita Felia mula sa ibaba, nag madali tuloy akong basta-basta na lang ang mga make up ko sa bag.

Dere-deretso akong bumaba, tatakbo na sana ako palabas nang bigla akong mapatigil dahil sa malakas na pagkakapit saakin ng sino man.

"Your hair is still wet." Hinawak-hawakan ito ni Clarke, nginitian ko lang siya.

Nakita kong gumawi ang mata niya sa sahig.

"You didn't even bother wearing anything sa paa mo?" Tinitigan niya ako ng seryoso, nginitian ko siya nang mag tama ang mga mata namin.

"Nakalimutan ko e'." Nakita ko ang pag iling-iling nya pagkatapos akong tanungin ngunit bumitiw na ako sa kanya dahil sa pagmamadali.

I heard him gasp but I didn't mind it at all, tinulungan ko sila Tita at tito na mag lagay ng mga gamit duon sa compartment para maka alis na sila.

"Ma le-late na tayo." Aniya tiyo Musko, ngumiti lang ako at sinenyasan na siyang mauna na sila para hindi ma stranded sa traffic.

Ang hassle pala talaga kapag matanda na.

Dati akala ko when you reached on adulthood e masaya kasi you live your life, your decisions are based on yourself and you have a free will to do things as long as you're happy. Pero hindi pala ganon 'yon.

Everyday as you wake up, as you grow e' matatakot ka kay life, matatakot ka sa mga posibleng mangyari saiyo. Sometimes being adult isn't fun, sometimes you want to go back on days na there is a limitation and restriction between different things.

After ko mailagay ang mga gamit ko sa kotse ni Clarke ay nag simula na siyang mag start ng engine at paandarin ang kotse.

"Ang nakakapag taka pa sa'yo you have plenty of time pero hindi mo nagawa mag suklay at mag sapatos?" Sermon ni Clarke, sinulyapan ko siya at ganon din siya sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pagka irita.

"Nagmamadali kasi ako, sorry naman." Yun na lang ang nasabi ko because no matter what will I say e hindi tatalab. Ma pride din kasi siya.

"I told you earlier na unahin mo kasi yung pag aayos ng sarili mo, you just sat down there at nag cellphone."

"Hindi ako nag cellphone basta lang! I was ordering cupcakes for the kids ano ba." Napipikon na ako at nahahalata niya yon panigurado dahil maski ako ay nag bago na ang pakiramdam ko sa boses ko. 

"Sinasabihan lang kita, why are you shouting?" Humina ang boses niya at inabot ang kamay ko na nasa ulo ko.

"Focus on the way Clarke, naiinis ako sa'yo." Inirapan ko siya at binitiwan ang kamay niya, nakakainis kasi walang ibang ginawa kundi pag sabihan ako.

Sa buong biyahe ay hindi kami nag uusap, mag uusap man kami ay kapag nag tatanungan lang. Hindi man lang siya mag take risk para magka bati kami ang ma pride naman talaga niya.

Hindi ako nagsasalita, kinagatan ko ang burrito na binili namin kanina sa drive thru, we've been stuck on traffic for almost 15 minutes at hindi ko na maiwasang mainip.

Narinig ko ang pag hampas ng di pagalit ni Clarke sa manibela kaya napatingin ako sa kanya.

He didn't look at me pero bakas sa mukha niyang ang inis.

"Kumain ka muna ng hindi ka na bobored." Pag paparinig ko, nilingon niya ako at sak nginisihan.

"Kanina mo pa dapat sinabi 'yan, kanina ka pa nakain hindi mo naisip asawa mo." Sarkastikong aniya.

"Tapos ano sesermunan mo na naman ako?" Pag patol ko. Nanahimik siya at ibinalik ang tingin sa daan, hindi na naman kami nag usap.

Nag labas na ako ng isang burrito at unti-unting tinanggalan ng foil.

"Oh.."

"Ano gagawin ko diyan?"

"Kainin mo alangan naman ihian mo." Pag irap ko pa.

"Napaka tapang mo talaga, ikaw pa may ganang magalit." Umiwas na naman siya ng tingin.

"Sorry na nga, e ang hassle kasi hindi ko na naayos sarili ko."

Nagtitigan lang kami, maya maya ay naramdaman ko na ang kamay niya sa kamay ko.

"Pinagsasabihan kita, hindi kita pinagagalitan." Bulong niya, kumunot ang noo ko.

"Ang dami mong sinasabi! Kumain ka na nga lang!" Isinubsob ko sa mukha niya ang burritos upang mahawakan nya.

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa.

"Hindi ka talaga mag papatalo ano?"

"Tigilan mo na nga, outing to tapos pinag iinit mo ulo ko nasa traffic pa man din tayo!"

"Ang lakas mo mag reklamo, ikaw ba nag da-drive ha?"

Yes, bumabalik kami sa dating gawain kung saan nagiging aso't pusa kami. Halos lahat pinag aawayan namin, ke simpleng bagay o hindi. Parang magkaibigan pero mag asawa.

Sabi nga nila the hardest part on having a partner is you have to deal with their imperfections and flaws kaya minsan hindi mo rin maiiwasang mapaisip na okay lang naman talagang ganiyan kayong dalawa because parte naman talaga siya ng relasyon.

Nang dumating na kami sa beach ay sinalubong kami ng iilang matanda duon kaya't nagmano kami.

"Naku ay kay ganda at guwapo naman pala nitong mga anak mo." Sabi kay tita-mama ni Clarke, natawa tuloy ito sabay umiling-iling.

"Naku ang babaeng ito biyenan ako, mag asawa ho sila aling marta." Nangiti ako ng kaunti bago umiwas ng tingin at kunwaring abala na mag labas ng gamit mula sa kotse.

Hindi ko ba alam kung mahihiya ako makipag usap o hindi, baka kasi kung ano-ano itanong e' hindi ako makapag respond mas lalo yung relation sa buhay mag asawa.

Habang ibinababad ko ang paa ko sa tubig ng dagat ay nakikita ko naman ang ibang mga bata na nag eenjoy duon. Kaya kami nag set ng vacation because of his family side dahil sa request ng mga pamangkin niya.

We tried to invite my side pero hindi sila pumayag knowing na ayaw makipag annulment or divorce ni Clarke with me.

"Pst." Narinig ko ang sitsit na nanggagaling sa cottage namin, nilingon ko iyon at nakita ko si Clarke na nakatingin sa akin, mabilis akong lumapit sa kanya and when I reached him ay mabilis niyang hinawakan ang beywang ko.

"Don't burn your skin, tanghaling tapat nasa dagat ka." Aniya bago ilabas ang sun screen at pahidan ang balikat ko, pinaupo niya ako sa lapag na may sapin bago lagyan ang iba pang parte ng balat ko.

"Damn, too hot." Bulong niya sa tainga ko ng hawiin nito ang buhok ko, we smiled at each other after that words.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now