Chapter 27

75 1 0
                                    

'Chapter 27: Shame.'

"Mr. Velasquez you were supposed to defend Ms. Winnoa." The principal started being furious.

Hindi kasi makapag salita si Clarke, ilang beses na rin siyang binabara ni Bryson at madalas ang mga litanya ni Clarke ay ang pag depensa sa akin.

Bakit pa ba kasi kailangan ito?  Why don't we just look at the footage para naman masabi kong ako talaga ang nagsasabi ng totoo.

"Bakit hindi ka na lang kasi mag sabi ng totoo! Pinahihirapan mo pa yung mga taong ayaw namang kumampi sa'yo!" Sumigaw na ako, Winnoa remained herself straight face. Para siyang nagbibingi-bingihan sa mga taong nasa paligid niya.

"I don't think so there's any chance that Clarke could defend Winnoa." Marahas na tiningnan ni Bryson ang judges, napa ayos naman nang upo ang mga ito.

Nag simula siyang mag set up sa isang laptop, mukhang ipapakita niya na ang pruweba nang mga oras na iyon.

I looked at Winnoa's face kung nanginginig ba siya o nakakaramdam siya ng takot ngunit hindi bumakas iyon sa tingin niya.

Maluwag ang hininga ko kahit pa man na nanginginig din ako not until the footage flashed on the screen.

Nanduon iyong nag uusap kaming dalawa sa hallway. Kitang-kita na galit siya sa akin base sa facial expression at sa mismong pag kilos niya.

Nang maipakita sa footage na inihulog niya talaga ang sarili sa hagdanan ay nagsimulang mag ingay ang mga nasa paligid.

Nilingon ko si Winnoa na nakatingin parin sa mga tao.

Nasulyapan ko ang gulat na itsura niya, hindi ako nag salita at nanatili paring tahimik.

"What a shame Winnoa!" Sigaw ng mother niya at mabilis na pumunta sa kanya nang mabilisan, nabigla na lang ang lahat at nag bitaw ng reaksiyon nang sampalin ni Tita Cecilia ang sarili niyang anak.

Mabilis akong umagap at inilayo si Winnoa mula sa kanya, kita sa mukha nito na galit nga talaga siya.

"Nagawa mo pa talagang tumikom diyan at hindi aminin ang kasalanan mo simula umpisa pa lang? Hindi ka na nahiya!" Her mom burst out in to tears. Mabilis akong binalingan ng tingin ni Tita Cecilia before she snatched Winnoa's arm from me at umalis.

Why do I feel bad even though I was the one who won?

Nilapitan ako nila mommy habang nakatulala lang ako na pinaprocess ang lahat.

"Don't feel guilty about something you fight for." Aniya ni papa, hindi pa rin ako kumibo.

Dahil obvious naman nang may nanalo na ay nag declare na ng end of justification ang president ng school at na announce nga na hindi na muling makakabalik pa si Winnoa sa school dahil sa manner and pag labag niya sa mismong school.

Simula kasi nang mapost mismo sa main group ng school ang issue namin last time ay mas maraming nakakuha ng atensyon mula sa mga tao ang iba ya nag share pa.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang possible person kung sino ang gumawa nito, tine-trace pa kung sino ito at kung estudyante din ito mula sa school namin, It'll be an expulsion na din dahil sa pag sira ng reputasyon ng school.

Huminga ako ng malalim bilang pag sang-ayon na lamang sa kanila nang dumayo naman ang tingin ni daddy kay Bryson.

"Thanks for defending my daughter." Tinap pa nito ang balikat ni Bryson. Napangiti naman si Bryson at tumango sa kanila.

"We should celebrate our victory, sumabay ka na sa aming mag lunch." Nakita ko kung paano akbayan ni papa si Bryson.

I think they get along too well...

Nakita ko rin ang pag iwas ni papa kay Clarke habang sila naman ni Bryson ay parang mag kaibigan na. Hindi na lang kami nag salita sa kung paano umakto si papa dahil hindi rin naman siya magtatagal na ganiyan dahil pagkatapos nito ay hindi na naman siya mag papakita sa akin.

Winnoa's Point Of View.

"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan Winnoa! You know how much we spend money just to put you in a good school!"

"So this is about money now huh?" Bigla na lang dumapo sa mukha ko ang mainit na palad nito, nakita ko rin na nakatingin na sa akin ang ibang mga nag tatrabaho sa amin.

"How dare you talk to your mom like that! Siguro nga tama ang lolo mo we spoiled you that much that even us ay kaya mo ng hindi respetuhin! Wala kang utang na loob!"

Mabilis akong tumayo at sinigawan siya.

"E' baka kasi bayad na!" 

Nakita kong natigilan ang mga ito habang nakatingin lang sa akin habang natawa ako. Hindi ako umimik pagkatapos ko mismo humagalpak ng tawa.

"You're really are crazy Winnoa! What's gotten to you? Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni daddy, umirap lang ako at mabilis na nag dabog at umakyat pataas upang hindi na lumabas pang uli.

Ilang saglit ay biglang nag buzz nang sunod-sunod ang cellphone ko na nasa tabi ko habang nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame.

Pag dampot ko at pag bukas nito ay halos hindi ko maipinta ang nararamdaman ko na para bang naghahalo-halo ngang talaga sila.

What a shame! Pinagsisisihan kong kumampi pa ako sa kanya although obvious naman na mabait si Farrah!

Sabi na e' basta mukhang mabait nasa loob ang kulo.

Yuck nagawa pa talagang umattend kahit malakas laban sa kanya!

Napasinghap na lamang ako, ano pa nga bang magagawa ko? Naging ganuon na ang tingin sa akin ng mga taong nasa paligid ko.

Napahilamukos na lamang ako dahil duon, ibinaba ko na ang cellphone ko at tumulala ulit sa may kisame.

Tahimik ang paligid, mag isa lang at para akong nakakulong sa isang kuwarto na wala na akong pagpipilian kundi mag buntong hininga.

Why did I end up being a miserable person?

Farrah's Point of View

"You're a great guy, too manly." Tuwang-tuwang saad ni daddy at halos magkasundo na sila dahil nasa kanila nag sisimula ang ingay tanging tawanan lang nila ang nadidinig namin at silang dalawa na lang ang nagkakaintindihan.

Nagkakatitigan nga lang kami habang silang dalawa ay parang may sariling mundo.

"Nanliligaw ba ito sa'yo Farrah?" Natigilan ang lahat at sabay na tumingin lahgat sa kanyakahit din si Bryson ay natigilan sa pag tawa.

"Alam mo namang kasal ang anak mo." Sabi ni tito-papa ni Clarke. Huminga ako ng malalim at baka magkasagutan na naman sila.

Halos tumayo ang buong balahibo ko nang maramdaman ko ang pag hawak ni Clarke sa beywang ko habang nakaupo kami at inilapag naman niya ang ulo sa balikat ko.

"We know they aren't married because of love." Medyo lumalim na naman ang boses nito kaya natakot agad ako.

Ngunit nakita ko ang mabilis na pag senyas n Clarke ay tinitigan ko siya ng mabuti pati na rin si Grayson. Para tuloy'ng baliw ang mata ko at nagpapasa-pasa ng tingin sa kanilang dalawa.

"Hmm. Let's just respect their relationship, they love each other."

Hindi ako makapag salita nang hindi naman din nakapag react si papa, everyone was too stunned at kahit ako mismo. Hindi ko kasi inexpect na ganon ang sasabihin niya.

Naramdaman ko ang pag haplos ni Clarke sa beywang ko. "That's my bro."

Bigla na lang nag buzz ang cellphone ko. When I look at it ay napabuntong Hininga ako.

Winnowiiyy01

I didn't do anything at all.

What a shame...

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now