Chapter 38

45 1 0
                                    

'Chapter 38: Grand Opening.'

Andaming tao ang nag puntahan, napapangiti ako pagkatapos namin mag ribbon cutting and finally ay mayroon naman akong magandang sinimulan dito sa Manila, tumingin ako sa labas at nagbabakasakaling dumating na sila Winnoa at iba pa.

"Farrah.." Nadinig ko ang boses ng isang medyo matandang babae, napatingin ako duon at sinalubong naman siya.

"Hello po ano po iyon?" Pagtatanong ko, nginitian ako nito at saka sumenyas.

"Saan ba dito ang C.R ninyo? ihing-ihi na kasi ako." Nangiti naman ako habang pinapanood siya, pinakita ko sa kanya kung saan siya dadaan dahil medyo malayo ang C.R para iwas din na masira ang appetite ng mga kumakain.

Pagkatapos ko ituro ang daan sa kanya ay bumalik na ako mismo sa main floor ng caffei, dalawa kasing palapag iyon, yung baba ay naka aircon at yung taas naman ay hindi. After ko mag check ng mga tao duon ay saktong dating naman nila Winnoa.

"Omay, omay hi!!" Excited ako nitong binati, ngayon ko na lang ulit sila nasilayan simula nuong nakalipas na limang taon at huli naming pagkikita.

"Ang laki naman nito,  parang mas malaki pa ito sa dalawang bahay." Paglalarawan naman ni Serene.

Nagbago nadin ang itsura nila, hindi kagaya ng dati na halata mong mga mag aaral pa lang, yung tipong masasabi mo na hindi pa nila kaya ang reyalidad na kinababalutan.

Pinaupo ko sila sa kung saan nila gusto dahil sila din naman pumili, ako din ang nag sales talk about sa mga binebenta namin. Wala pa naman kaming best seller pero meron kaming binu-boost to be the best seller ng caffe' namin.

Pinaupo nila ako with them at dahil mayroon narin namang iba't-ibang empleyado na gumagawa sa loob ng cafeteria kaya maari naman akong umupo kasama sila.

"Grabe, wala kaming nabalitaan sa'yo. Limang taon kading nawala, anong nangyari?" Aniya Paisely, kinamot ko ang batok ko at ngumiti.

"Pagkatapos nating grumaduate nag decide akong ipagpatuloy na lang ang buhay sa probinsya, kasi duon payapa at okay naman. Hindi ako namomroblema at sapat na sa akin ang buhay duon."

"Then how come you came up to a such a business?" Lumingon ako kay Bry, he smiled at me. It was the first time I heard his voice again.

"Well, ako lang naman nag hawak, sa'kin lang naman pinangalan but this was supposed to be my step mom's business." Saktong pagkasabi ko non ay may humaplos sa likod ko, napalingon ako at tinitigan ito.

"Hi everyone." Lujille said, ngumiti naman ang mga ito at nagpakilala isa isa. "I'm Lujille, Farrah's step mom." Naglahad siya ng kamay at isa isa rin iyon nila inabot.

Who says na sa akin lang at sa mga kaibigan ko may nag bago? Pati sa pamilya namin ay mayroon din, Tita Lujille and my dad got married 2 years ago as they finally got our little sister Eva. Bukod pa duon ay lumipad pa Canada si kuya para ipag patuloy ang dream course niya talaga.

We live in one house na rin, and my father got so wise when it comes to money dahil ngayon ay hindi na sumasagi sa kanya na lahat ng bagay ay pera pera na lang.

And the great part? 

We're still friends with Tito Arman and their family pero hindi pa kami nagkikita lahat at kahit si Clarke ay hindi ko nakikita, kahit nga ang balita sa kanya ay wala akong nasasagap. Wala din kasing na kukwento sila Winnoa kaya probably ay ganon na nga-wala din silang alam.

Hiniram muna ako sa kanila saglit ni tita Lujille para tumulong mag entertain ng ibang invited people na sila mismo ang nag aya.

CLARKE'S POINT OF VIEW

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now