Chapter 36

45 1 0
                                    

'Chapter 36: Comfort.'

Kagaya ng dati, nakahilata lang ako sa kuwarto ko, kung saan nakatingin lang sa seiling, baka kasi may makita akong sagot kahit papano. Nuong una akala ko panaginip lang pero nang halughugin ko na ang buong bahay at wala si Clarke?

Sinampal lang naman ako ng reyalidad na wala na siya.

Tahimik ang buong bahay, walang nagluluto ng masarap na ulam, walang nag hahanap ng mga gamit, walang nagmamadaling lalaki, wala ang kotse, walang gumigising sa akin, walang nagdidilig ng halaman, walang naglilinis ng bahay.

Ganito pala ang buhay kapag wala siya... siguro kung naagapan ko ay nasanay na akong wala siya.

Ilang araw na din akong hindi pumapasok, natatakot akong harapin siya. Natatakot akong makita siya, na baka hindi talaga okay ang mangyari kapag nagkasalubong kaming dalawa.

Hi?

Hello?

Kamusta?

Alin kaya diyan ang gagamitin ko kung sakaling magkasalubong kaming dalawa. Sabado ngayon, hindi ako pumasok ng limang araw dahil lang sa pisteng lovelife.

Nabigla na lang ako nang may madinig akong nag do-door bell sa ibaba, kahit tinatamad ay tumayo ako upang tignan kung sino iyon, saktong pag bukas ko ng pintuan ay tumambad sa harapan ko ang mga taong hindi ko alam bakit nandito.

"Surprise!!" 'Yan ang bati nila sa akin, tipid lang akong ngumiti at pinagbuksan sila ng pinto. Nakita ko sina Paisely at Serene na nasa gilid at tila nahihiyang pumasok.

"Hinila sila ni Winnoa at pinaupo sa sofa."

"Pasensya na kung madumi, limang araw na kasi akong 'di naglilinis."

"Like true, yuck girl ah? May amag na yung ibang plates mo here." Aniya Serene, mahina lang akong tumawa at saka inasikaso ang mga plato.

"Sorry talaga tinatamad akong mag linis e." 

Nakita ko ang cake na nasa lamesa, nangunot ang noo ko at bakit silang may dalang cake. Natahimik sila at nagtitigan habang ako ay nakatitig lamang sa cake.

"Anong occasion?" Tanong ko, parang nabigla ang iba sa sinabi ko pero ako naman ay wala talagang kaalam-alam.

"Hindi ko alam if matutuwa ako kasi literal na surprise to o hindi kasi hindi mo maalalang birthday mo." Si Roy naman ang nag salita, napatakip ako ng bibig at hindi sinasadyang mapabulalas, tinitigan ko ang cellphone ko na nasa bulsa and it's really March 14.

"Omy sorry, hindi ko nasubaybayan." 

Umikot naman si Winnoa sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Kaya nga andito kami kasi lots of people prepared a surprise for you and since mamayang gabi pa ang surprise party, napag utusan kami na bihisan, pagandahin ka." 

"Sino?"

"Secret."

Mahirap umasa pero ang nasa isip ko ay si Clarke, maybe babawi siya from what happened last time? Na baka na realize niya na it was too much of him.

"And we're here to be your grooms because we came to find out, you lost your groom and here's us." Bryson said, napangiti naman ako.

"Well, we still hate you pero ah uh!" She rolled her eyes. "Not today, ayaw ko naman makitang napaka panget mo dahil sa pagiging miserable mo."

And with that ay isinama nila ako, hours of being part in the parlor, pumili din ako ng gown at ang nagustuhan ko nga ay yung galaxy themed gown, pati rin sila ay pumili ng kung ano mang babagay sa kanila.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now