Chapter 20

80 1 0
                                    

'Chapter 20: Rumors.'

Kahit kabado ay pumasok pa rin ako kinabukasan after ng nangyari kay Winnoa, natanaw ko siyang nakikipag usap kila Serene kahit may bandage pa ang ulo niya. Pinasadahan pa nga nila ako ng masasamang tingin, hindi lang naman sila kundi yung iba rin.

Malamang dahil lahat naman sila ay naniwala kay Winnoa, hindi naman kasi nila ako gaano kilala pero kung ako talaga ang tatanungin ay wala naman talaga akong nararamdaman na inggit o kahit ano pa man kay Winnoa dahil kaibigan ko siya.

Umupo ako sa tabi ni Clarke at siya namang inilapag ang gamit ko sa ilalim ng table, nakita ko siyang nginitian ako bago hawiin ang buhok ko, hinayaan niya lang akong mag focus sa kanya instead of listening to the other people's murmur.

After ng first period ay agad akong tumayo at hinila ang bag ko sa ilalim ng table para kunin ang cellphone at wallet ko. Mabilis kaming tumayo ni Clarke at magkahawak ang kamay na papaalis na ng row namin nang makasalubong ko si Bryson.

I raised my right hand para batiin siya ngunit hindi niya manlang ako sinulyapan ng saglit at dere-deretsong nag lakad na para bang hindi ako nag eexist sa mundo niya, bumalik ata kami sa strangers and he's not interested to get to know me.

Clarke cheered me up at nag sabi ng iilang salitang nag paka gaan ng puso ko, kagaya ng mas mabuting ganuon na lang si Bryson keysa naman sa nag sasalita pa siya sa akin ng masama. Masasaktan ata ako ng sobra kapag si Bryson ang nag sabi ng ganong salita since Bryson was nice to me before. We had a great time.

I excused myself to take comfort room para ayusin ang sarili at umihi na rin. Pag pasok ko ng cubicle ay nag scroll lang ako sa cellphone ko at tinitigan ang iilang mga bagay duon, great and honestly no negative vibes. After I'll wear my pants again ay deretso akong lumabas.

Habang binabasa at hinuhugasan ko ang buhok ko ay may nag bukas rin ng gripo sa tabi ko.

"From famous to criminal." Inangat ko ang tingin ko, tumambad sa akin ang nakakalokong ngisi nito habang nakasandal sa sink, napalunok ako.

"Kung ito ang gusto mong mangyari sa akin. Okay fine pero sana naman tama na." Pinunasan ko pa ang mukha ko gamit ng tissue na dala ko.

"I was just starting okay ha? There's more."

"Whatever." Lalabas na sana ako para sana ay iwasan na lang siya dahil baka mamuo kami ng away nang bigla niyang hampasin ang bandage niya sa ulo.

"Tama na! Aray!" Sigaw niya, mabilis kong tinulungan siya at isinalang-alang ang buong tiwala kong may masakit sa ulo niya.

"Stop punching it, baka mas lalong sumakit. Ano bang ginagawa mo?!" Nang may pumasok na ibang estudyanteng babae sa loob ng comfort room ay mabilis silanmg natigilan at itinutok ang camera sa mukha ko at kaganapan.

"Kahit wala ng laban sa'yo ginagawa mo 'yan!" Hinala ako ng isang babae palayo sa kanya, mabilis na tumulo ang luha ni Winnoa na mabilis kong ipinagtaka, hawak niya ang ulo at mabilis siyang nilabas ng mga babae mula sa comfort room.

Napasandal ako sa dingding when I heard someone opened the door.

"You shouldn't help people who wants to ruin you." Inupos niya ang sigrailyo at inilapag iyon sa sink, mayroon din siyang tato sa leeg na kitang-kita naman nila ito dahil naka pony tail siya.

"Hindi ko rin talaga alam na mag sisinungaling siya para sa posisyon na gusto niya."

"Ganyan si Winnoa, tama si Serene at Paisely dahil mas masahol pa si Winnoa sa kanila. Sa susunod subukan mong huwag na mag pauto pa kahit kanino." Ipinagpag niya ang kamay at tinapon anmg sigarilyo bago siya nag mumog ng listerine upang 'di mangamoy na nag sigarilyo siya.

Blossoming Soul - COMPLETEDWhere stories live. Discover now