01 - Smoke

2.8K 49 1
                                    

"Pahiram ako lighter, naiwan ko sa bahay yung akin.

Sa pag abot ni Pyke ng lighter sakin ay agad akong nag pa salamat.

"Talagang ito na ang bagong spot natin ah..."

I laughed and nodded.

Nandito kami sa may tago na field sa school namin para mag cutting saglit.

"Madam! Turon, fishball, at soft drinks mo oh." Binigay ni Larry ang pinabili ko sakanya sa may eskenita malapit dito.

Tinanguan ko siya, "Keep the change."

Agad naman nag celebrate ang gago at umalis ulit para siguro bumili ng kung ano sa may tindahan.Kumagat ako ng turon na may milk power pa na naka balot dito at nag simulang kumain.

Oh, this shit is good.

Humigop narin ako sa soft drinks na pinabili ko rin sakanila.

Nang matapos kumain ay inipit ko ang segarilyo sa aking dalawang labi at sinindihan gamit ang hiniram kong lighter kay Aeron.

Pagkatapos sindihan ay hinagis ko sa gawi niya ang lighter na pinahiram niya sakin na agad din niya itong sinalo.

"Parang gusto ko ng alak..." Nakatingalang sabi ko sabay inihip ang usok.

Natawa saglit si Aeron bago nilabas ang kanyang cellphone. "Ano papabili ako kay Pyke? Text ko."

Tumango ako at tumayo para mag inat.

"Mmm... Go ahead, although let's drink in your house, wag dito."

Tumayo narin si Aeron at sinukbit ang isang strap ng bag niya sa balikat.

"Tara-"

Ngunit bago pa man kami maka lakad ay may malamig na boses kaming narinig.

Tinig na tila ba nakakatakot.

"Who gave you permission to smoke here?"

Walang iba kundi ang masungit na Malditang babae sa lupalop ng Unibersidad na ito.

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

English is my second language.
While this story is unedited and unrevised; expect grammatical/typographical errors, wrong spellings, etc.

Lastly, I am a busy person.
Slow updates ,_,
Although, I'll try my best.

All Rights Reserved
©2023

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now