21 - Chess

506 29 6
                                    

"You are so breathtaking. This doctor is starting to mistook your lips as her oxygen."

I felt her body freeze for a second as if she wasn't expecting that kind of answer. Maya-maya pa ay nag-iwas na siya ng tingin at biglang tinanggal ang pagkayakap ko sakanya making me almost fall out of her bed!

Muntik na talaga akong mahulog!

I was about to protest her mean action but suddenly she tried her best to shout kahit na malat na malat na ang boses niya. Kaya imbes na magalit mas umiral ang pag aalala ko.

"Damn you, garbage! We would never speak of that again, do you hear?" She said with her hoarse voice.


"Stop shouting, Ellie..." Malambing kong tugon at tumayo na lamang muli.


Siya tong nag tanong tapos nung sinagot ko biglang never na daw namin pag usapan ang nangyari?

May lagnat din ba yung utak niya?

Grabe ang pagtitimpi ko sa babaeng ito. Hindi ko alam paano ko ba natitiis lahat at hindi pinapatulan ang pabago bagong mood niya. Kung ibang babae kasi toh ay matagal ko ng nilayasan dahil sa bwiset at papatulan ko din lahat ng mga sinasabi.

Pasalamat siya medyo... medyo lang naman, medyo crush ko kasi siya ah.

At pasalamat siya nilalagnat siya kaya naawa akong patulan. Dapat kung mag-aaway kami parehas kami maayos at walang sakit. Para patas ang laban namin diba?

Tinanaw ko siyang muli at nakitang nakapikit at tilang inaantok ulit siya. She has a high fever so I am sure she's always sleepy because her body craves for rest. Kahit kakagising lang niya ay inaantok ulit siya.



"Don't sleep yet. Kailangan mong kumain muna." I tapped her pink comforter trying to bring her back to her senses.

She groans softly as if she doesn't want to listen to what I'm saying at inaantok siya.


"Come on—"

Natigil ako sa pagsasalita nang may biglang kumatok sa pinto. Agad akong napatingin doon, at tumingin din kay Eleanor. Nagtama ang mga mata namin.


Who could this be?

Tila sinagot non ang tanong sa utak ko nang muli itong kumatok at magsalita.


"Hey, Meave? This is Kio. Chelsey ordered me to get you some food. Are you asleep?"


Luh sakto. Uutasan ko sana si Pyke na bumili ng pagkain at dalhin dito pero may nautusan na pala si Chelsey.


At si Kio? Yun yung nakalaro namin ng Golf diba?

Psh.


Siya kaya yung love na katawagan ni Eleanor non? Pero siya rin yung secret member ng ZGX diba? Edi kung sakali mang siya nga yung love bullshit nayan ng asawa ko pwede ko siyang ipabugbog.

Joke.


Agad nagsalubong ang kilay ko nang maisip iyon. Muli kong nilingon si Eleanor, silently asking if I should open the door. Nakapikit parin ito yakap ang baboy then suddenly she talked.


"Get the food, then tell him to leave." Utos niya at marahan na tinulak ako sa may binti dahil nakatayo na ako at siya ay nakahiga parin.

I somewhat felt a sense of relief with what she said. Akala ko kasi ako ang paalisin niya at si Kio panget na yung ipapalit niya as nurse.


Mrs. and Mrs. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora