22 - Player

656 35 9
                                    

"I adore you so much, seeing the sight of you every practice gives me the butterflies."

"Corny, zero." Mahinang kumento ko pagkatapos ay nilukot ang papel.

Hindi ko alam kung nakakailang basa na ba ako ng mga ka-cornyhan na love letter bigay ng nagkakagusto kay Eleanor pero mahigit isang oras na akong naka upo dito.

Nasa kwarto ulit kami ng mahal na prinsesa. Dito kami dumiretso pagkatapos nung tryouts at nakatulog kaagad siya, gigisingin ko daw mamayang 6:30 pm.

Wala naman akong ibang magawa kaya naisipan kong basahin ang mga love letters at i-rate bawat isa 1-10 kasi why not? Tinitignan ko lang ang mga competitors ko.

Panis yang mga love letters nila pag ginawan ko ang crush naming maganda ng tula sabay liham. Kanta gagawan ko rin, pag ako napuno gagawan ko talaga!

"Chinat GPT siguro 'to, negative one thousand ka sakin." Panglalait ko sa isa.

Paano kasi ang deep masyado ng english kahit pa wala namang connect sa gusto niyang ipahiwatig.

I asked Eleanor's permission about reading these at sinagot niya ako walang pake, gusto nga niya ay itapon ko lahat pati yung mga pagkain baka daw kasi may lason o gayuma.

Pero dahil makulit ako kinakain ko parin.

Tinuloy ko ang aking pagbabasa ng daan-daang mga liham na bigay kay miss maldita habang kinakain ang mga cookies at iba pang baked goods na bigay rin sakanya.

Infairness wala pa akong natitikman na hindi masarap, lahat lasang homemade o galing sa isang cafe, yung isa nga ay narealize kong galing sa Dear, Sol dahil sa packaging.

Kakapal talaga! Hindi nila alam asawa ng crush nila ang may-ari nung pinagbibilhan nila ng regalo! Pero masarap naman at ako kumakain nito ngayon kaya kahit papaano ay thankful ako sakanila.

Inubos ko ang oras kong ganito ang ginagawa hanggang sa tumunog ang alarm ko. Pinatay ko agad yon kasi gusto ko ako mismo gigising sa maganda kong president.

Lumapit ako at marahan na pinakiramdaman ang balat niya. Halos ilang minuto akong nag dalawang isip dahil mainit kasi siya ayaw ko nang gambalain ang pamamahinga niya.

Kaso natatakot rin ako dahil paniguradong magagalit siya kapag ginawa ko yon at mamiss niya ang theater shits na kailangan niya daluhin.

Masisira ko ang tiwala niya, ayaw ko.

"Hey... Maeve? Time to wake up." I gently caressed her hair trying to wake her up. "Gising 6:30 na."

Hindi pa ito nagising, mahirap talaga gisingin ang babaeng 'to madalas kasi ay malalim lagi ang tulog niya kaya nagisip ako ng paraan para gising siya.

"Pag hindi ka nagising in three seconds ikikiss kita."

"One... Two... Three..." Napangisi ako dahil gumalaw lamang ito at hindi pa gumising ng tuluyan.

I immediately gave a peck on her cheek. "Wake up," I kissed again but now on her forehead. "Wake up," This time her other cheek.

"Wake–-" I was about to kiss her on the lips when her eyes opened and she swiftly pushed my face away.

"Are you a dog?" Mataray niyang sabi with her hoarse and bedroom voice.

I don't know why but she sounded so attractive.

What the hell is wrong with me?

Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard. Tumingin ito sa akin ng may kaunting inis parin pero agad ding nawala ng matanaw ang mga bagay sa desk niya.

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now