16 - Nadie muere

722 35 7
                                    



Tsk.

Nakakainis.

"Zennnn sama na kayo on Sat please... pretty please!"

"Lumayo ka nga sakin parang awa mo na." Pag tulak ko sa mala lintang pinsan ko.

Ang tino-tino kong nag aayos ng stage tapos nandito siya at ginugulo ako sa gawain ko.

Pinatong ko ang mabibigat kong dala sa kung saan at nag lakad ako papalayo patungo sa cooler na puno ng bottled water, pero heto parin ang pinsan ko na panay sunod sakin. Pinag titinginan tuloy kami! Pinag bubulungan pa!

"Damn it. Don't you know that there's already false rumors spreading because they're thinking you and I are a thing." Inis kong kinamot ang ulo ko at kumuha ng tubig sa cooler tska padabog uminom.

She laughed and pinched my sides making me grown. "Ayaw mo non? Iwas babae mo you're married na rin hoy! There's so many girls simping on you since that practice we had last time."

"Whatever."

We're now here at the school's park where the events mostly happens. Tumutulong akong mag-ayos ng stage since next week Friday na gaganapin ang End of sem Celebration at Thursday na ngayon. The practice she was pertaining to happened this tuesday, nagulat nalang ako na pagkatapos kong kumanta ay dumami ang tao sa may Music room at may iba pang nag papic at tinatanong ang number ko, ang ending number ni Pyke, Nicholas at Aaron ang bingay ko sakanila.

Ngayon ay tumutulong ako para narin maka pag cutting sa subjects hehe.

Ito namang pinsan ko ay inaaya kami, ako at si Eleanor, na sumama raw sakanila this Saturday dahil balak nilang mag camping sa kung saan kami mapadpad overnight at mag motor papunta at pabalik wala kasi silang Saturday classes at holiday.

As if naman sasama ang isang yon sakin.

"Hindi nga aangkas yon sa motor ko. At lalong hindi yon sasama sakin sa tent. You guys go without me, pass ako."

She stomped her feet like a kid whining. "Ihhh! But we missed you! Don't you miss your cousins too? And we want to get to know your wife!"

I blew out air, being so done. "Then ask her instead. If she'll go, I'll go."

I can't leave her alone in that house knowing that there's a typhoon coming in our country, Baka mamaya bagyuhin yung bahay at wala siyang kasama, malalagot ako kay tito.

Hindi ko lang din alam sa trip nilang mag pipinsan kung bakit magmomotor at Mag-cacamping pa sa gitna ng bagyo.

Mag kakadugo nga kami pareparehas kaming may saltik.

Nilayasan ko na siya doon at muling bumalik sa may stage na inaayos namin ni Pyke. May kausap siya ngayon na chix kaya't di ko na ginambala. Ilang mahabang minuto ang lumipas nang ang lumapit naman sakin ngayon si Eugine. I stopped what I was doing at hinarap siya.

"What now?"

"Sumama kana. Your wife says yes." She said smiling widely.

Napataas ang kilay ko sa pag tataka. "Pano mo napa-oo?"

"Don't you know we're close? It was easy to convince her since I would be there with you guys."

"Psh. Feeling." I muttered under my breath as I continue to fix the stage.


Edi sila na ang close, siya na ang napa-yes si miss pres. Kanina ko pa nga napapansin na lagi silang mag kasama. Ilang oras nang nag uusap at magkatabi sa may gilid yung dalawang yon.


Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now