07 - Snowflake

677 28 0
                                    

Napa balikwas ako ng bangon ng marinig ang pag ring ng cellphone ko.

Nakakunot ang noo ko nang tinignan ang tumatawag. At agad na nag liwanag ang mukha ko ng mapagtanto na ito ay ang Veterinary clinic.

"Hello... Is this Selene Aizen Alcazar?"

"Yes speaking."

"The puppies are ready to pick up po! All healthy and groomed already."

Agad akong napangiti at napatayo sa kama sa narinig. "Okay miss. I'm on my way."

Nag paalam na siya at ibinaba ko na ang tawag para maka bihis na at kunin ang mga tuta. Nanganak kasi si Poppy ang Samoyed Dog namin nila mommy 5 weeks ago.

Kineep muna ng veterinary clinic ang mga puppies dahil kinakabahan pa kami na iuwi ito sa bahay ng masyadong bata.

You:

Mommy, makikita mo na mga apo mo.

Pag text ko kay mommy at hinablot ang twalya na naka sabit sa may malapit sa pinto, tska ito sinabit sa aking balikat.

Agad naman siyang nag reply.

Mommy:

Ha?!? ANONG MGA APO?! Selene what the heck! Hindi ka lang umuwi dito kagabi may apo na ako kaagad?!?

Ramdam ko sa text ni mommy ang pagka panic kaya't napakamot ako sa ulo ng mapagtanto na mali ang intindi niya.


You:

Yung mga Tuta tinutukoy ko, mi. Pwede na raw natin kunin sila. Malalaki na.



Mommy:

Oh... Gosh Selene! I thought may anak ka narin katulad ng mga kapatid mo.

Napairap ako sa nabasa...

May apo naman na talaga sila ni Papa dahil may anak na si Kuya Apollo and si Ate Guinevere.

Nasa America nga lang si Ate Guin dahil American ang napangasawa niya. Napag desisyonan ni Ate na doon na tumira, dahil siya ang na ang namamahala ng Company namin sa States.

At si Kuya naman ay sa Cebu nag sstay dahil nandon ang Hacienda Alcazar at ang mga farms namin... Pinili kasi ni Kuya na yoon ang gusto niyang pamahalaan.

You:

Bading ako, remember?



Napatawa ako sa na itext ko sa nanay ko.

Mommy:

Uhm...

Mas lalo akong natawa sa reply ni Mommy.

Matagal naman na nilang alam ni Papa yon. Kaya siguro biro nalang saamin ang mga ganitong bagay.

Nalaman nila dahil nahuli nila akong may inuwing babae sa bahay.

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now